SEASON 1 FINALE AOTD ~ Part 25 (Bye, My DEAD)

1.1K 29 1
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

SEASON 1 FINALE PART 25 (Bye, My DEAD)

Hikaru's POV

Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko.

Lagi na lang kami nababawasan. Alam kong mahirap pero kailangan. Kailangang makaligtas. Kailangang magsakripisyo. Kailangang mabuhay para sa kinabukasan, kinabukasang sana makamit nila ang kaligtasang hinahanap nila.

Hirap na hirap na kami. Palagi na lang kaming tumatakas sa mga patay na nabuhay kahit alam naming hindi nauubos ang mga ito.

"Guys, tara kain na muna tayo," sabi ni Nurse Alyssa. Nagluto siya ng ginisang sardinas. Nilagyan niya ng misua.

"Same food... Minsan hindi ko na alam kung hanggang kailan at saan ang buhay natin na ganito," bulalas ni Cindy.

Napatingin naman ang lahat sa kaniya. Kung tutuusin, may punto naman siya dahil maging ako man ay hindi na magawa ng natural na pamumuhay na mayroon kaming lahat noon.

"Mahirap tanggapin ang mga pangyayari. Alam kong ilang araw ng nakakalipas. Walang gobyerno? Anong nangyari sa bansa natin? Anong plano ng ibang tao?" patuloy na wika nito.

"Cindy..." lumapit na sa kaniya si Darryl, "Lahat naman tayo nahihirapan, kailangan lang nating maging matatag sa bawat problema na kinakaharap natin. Hindi biro ang buhay natin na mayroon tayo ngayon."

Kung minsan, kahit gusto ko magbiro, hindi ko na magawa. Alam kong totoo. Magbiro man ako, hindi pa rin naming maitatangging nasa ganitong sitwasyon kami.

Nagsimula na lang kaming kumain. Hininto naman ni Max ang sasakyan at sumabay sa pagkain.

Tahimik lang ang lahat habang kumakain.

"Guys, ang tahimik naman natin?" napatigil naman ang lahat nang magsalita ako.

Napatingin sila sa akin. Ngayon ko lang naisip na akala nila malungkot pa rin ako mula sa pagkawala ng kapatid ko. Hindi ko namang itatanggi na malungkot ako. Sadyang kailangan ko lang tanggapin na nangyari na ang lahat at hindi ko maiiwasan malungkot pag naaalala ko siya.

"Bakit? May mali ba akong sinabi? Kailangan naman siguro maging masaya tayo habang kumakain?" ngiting sabi ko sa kanila habang kumukuha ako ng misua.

"May tama ka," sabi ni Karen, "Hindi tayo dapat maging malungkot. Kailangan lang nating maging malakas at matatag para maka-survive and this is the start of the day that we need to move on. Maging maingat na lang tayo sa mga mangyayari."

Academy Of The DeadWhere stories live. Discover now