AOTD ~ Part 21 (High DEAD)

1.1K 29 4
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 21 (High DEAD)

Third Person's POV

Nakatulog ang lahat at si Harold na ang nagmamaneho ngayon. Nagpahinga muna si Max para mamaya siya ulit ang magdadrive.

Liko sa kaliwa, liko sa kanan. Walang tamang direksyon na tinatahak ang grupo nila. Hindi mo aakalaing buhay pa ang daanan dahil sa kalat kalat na sasakyan, dugo, laman o patay.

Maging ang street lights nagpapatay-sindi na rin. Hindi na maayos ang daanan. Wala nang ordinansa. Walang ng kaayusan.

Sa kabilang banda, nakahiga si Hikaru at hindi makatulog. Hindi niya pa rin mawari na bakit ganito ang nangyayari sa kanila.

"Sana panaginip na lang ang lahat..." tumulo na lang ang mga luha nito bigla. Sariwa pa rin kasi sa alaala niya ang nangyari. Naiisip niya tuloy, 'Parang hindi pa ako sanay, ilang araw na kaming nakakakita ng may mamamatay sa tapat namin.'

Hindi niya namalayan na nakatulog na siya sa pag-iyak niya at pag-iisip ng bagay-bagay.

Umaga na pero hindi pa rin sila nagigising. Mga walang lakas bumangon, gumising o kumain. Pero ng sumapit na ang alas otso...

"Hoy una akong pumasok sa CR ah?" sigaw ni Karen.

"Aba? May nakita na ngang panty sa loob, hindi mo pa alam kung sino nauna? Nahiya naman ako?" si Jessica. Ang dating mahiyain medyo nagiging matapang na.

"Aba malay ko bang sinampay lang diyan. Tumutulo eh!" nagtitigan silang dalawa.

Pumito lang si Joana at pumasok sa loob ng CR at nagulat ang dalawa.

"Hoy!" sigaw n'ong dalawa. "Ako nauna sa CR ah!" sabay na sabi ng dalawa.

"Ang babagal niyo eh! Kita maraming gagamit ng CR, magtatalo talo pa kayo," sagot nito.

"Tumigil na kayo diyan!" sigaw ni Gerald.

Nagulantang ang mga babae dahil ang mahilig sumigaw ng gan'on ay si Dominic. Sinisigawan kasi sila kapag nagtatalo-talo.

Lumungkot naman ang mukha ni Cindy na ngayo'y nagkakape.

"Sensya na guys..." paumanhin ni Gerald.

"A-ayos lang! Dapat lang tayong masanay na wala si Dominic," sabi ni Karen.

Academy Of The DeadDove le storie prendono vita. Scoprilo ora