AOTD ~ Part 3 (DEADly Assault)

2.1K 64 8
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 3 (DEADly Assault)

Hikaru's POV

"Ano na ang gagawin natin? They're too many! I'm scared!" sabi ni Joana. Natatakot siya sa dami ng mga zombie na nagkalat sa paligid.

"Walang magagawa 'yang takot mo kung hindi tayo lalaban," singit ni Karen.

"I have a plan! Makinig kayo," sabi ni Jessica. Lumapit namin kami at hinihintay namin siyang magsalita.

Ang plano niya ay...

Humiwalay kami sa mga boys. Which means mauuna ang mga boys na umatake sa mga zombie. Gandang idea! Simpleng-simple 'di ba at kami? Support lang daw. Kahit ako ganiyan din ang idea ko ehhh hindi ko lang sinabi.

"Alam mo pare-parehas tayo ng iniisip Jess. Ganiyan din ang idea ko. Para tayong nag-sacrifice na kung gagawin natin. I guess we should make another and effective strategy to get the key," sabi ni Joshua.

"But how? Can you make a suggestion that we can do to get the key? Do you have any idea? We do not have more time to think," sabat ni Kyle. Kahit kailan talaga napakasungit nang lalaki na 'yun.

"I guess he's right," sang-ayon ni Gerald.

"But need na natin makapag-isip ng idea!" sagot naman ni Harold.

Ang hirap naman ng sitwasyon namin. Ano na ba ang gagawin namin? Hmmmm? Isip. Isip. Isip. AYUNNNNN!

"Guys! May plano ak-" Pero bago ko pa masabi ay nagulat kami sa nangyari. May mga sumisigaw. Sa nakita namin, agad naman itong pinuntahan ng mga hayuk na hayuk sa laman ng tao.

"It's our time to get the keys!" sagot ni Jerome na handa nang makipagbakbakan.

So ayun na nga ginawa namin. 'Yung mga natirang zombie ay pinagtutuhog namin sa ulo.(ganda ng term! XD)

Nang malapit na kami ay agad na binuksan ang pinto at isa-isang pumasok.

Nakapasok na kaming lahat sa faculty. Sinarado naman nila agad ang pinto para hindi makapasok ang mga zombie. Hanap kami ng hanap nung susi. Hanggang sa nakita na ni Jessica.

"It's here!" pero nagulat kami ng nasa likuran niya. Si Francis. Naging zombie na. Makikita mo ang mga mata nitong sabik na sabik makatikim ng laman ng tao.

"Sa likod mo!" hiyaw ni Gerald na agad namang nagmadali na pumunta para sugurin si Francis.

Buti na lang napaupo si Jessica. Pero hindi pa tapos. Sumugod ito papunta kay Gerald na pinukpok naman nito sa ulo.

"Sorry Pres," sabi ni Gerald.

"We need to get out of here!" sigaw ni Joshua. Pagkabukas ng pinto, ay agad namang sumugod ang mga boys para atakihin ang mga zombie na kapwa estudyante namin.

Pero habang ginagawa namin yun, may mga estudyante na papunta sa amin at may kasamang teacher. Si Mr. Sinto-sinto. Ang nakakainis na teacher sa lahat. Ang akala ko nakasama na sa mga zombie pero hindi pala.

"Mabuti nalang! Nandito pa kayo." Hindi mabuti kasi buhay pa kayo. Buhay ka pang halimaw ka!

"Please help us! Ang dami nila. Pwede ba kami sumama sa inyo para makaalis kami dito?" sabi ng ibang estudyante. Halos nasa 15 pa sila kasama si Sir. Ayos lang naman sana kaso may epal pa na kasama. Arggggh! No choice but to help them. Alam kong ako lang ang naiinis dito. Alam niyo kung bakit? Napaka-maniac kasi ng lalaking yan. Bukod walang pakealam sa iba iyan.

Academy Of The DeadWhere stories live. Discover now