AOTD ~ Part 2 (Attack of the DEAD)

2.6K 64 6
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 2 (Attack of the DEAD)

Third Person's POV

[Continuation of Flashback]

Walang kamalay-malay ang mga estudyante na may nagaganap na kababalaghan sa kanilang lugar. Walang kaalam-alam na may kakaibang pangyayari sa labas ng kanilang eskwelahan. Lahat ng tao ay nagugulantang na sa mga pangyayaring ito. ZOMBIE APOCALYPSE. Kay hirap isipin pero nagaganap na ito.

Ang buong lungsod ay puno na ng kaguluhan. Bungguan, patayan, habulan, o kanya-kanyang tabuhan para lang makaligtas sa sakuna nangyayari.

Sa kabilang banda naman, sa Fujin Academy, Tahimik na minamasdan nila Hikaru at Joshua ang nangyayari sa malaking tarangkahan ng kanilang paaralan. May kung anong nangyayari sa gate kaya't sinisiyat ito ng mga kaguruan.

"Hoy! What are you doing there? You're making a mess here in front of our school!" Sigaw ng English Teacher.

"Uy, teka. Parang may mali. LOOK! Puro dugo! IW! Nakapatay ata ng tao," sabi nung Filipino Teacher.

"Teka, I'll check it first! Stay put!"  sabi naman ng P.E. Teacher.

Kwinelyuhan agad ng P.E Teacher ang duguang lalaki. Walang kaalam-alam ang mga gurong ito na isa itong... ZOMBIE/Bangkay na nabuhay na kumakain ng utak o ng laman. Dahil sa malakas ang mga zombie, ang leeg nito'y umikot at agad na sinakmal ang braso ng guro.

"AHHHHHHH! Ang sakit! Maraming dugo!" sigaw nung lalaking guro na kumuwelyo sa lalaking zombie.

"Call the school nurse! Dali! Para magtigil ang pagdurugo," sabi ng isa sa mga guro.

Nag-alala ang mga gurong naroroon. Agad naman nilang tinulungan ang lalaki subailt...

HULI na ang lahat. Patay na ito. Ang zombie na nasa tarangkahan ng paaralan ay sadyang nagpupumilit na makapasok ng paaralan.

"Hey! Dude, Wake UP!" sinampal sampal nung isa pang lalaking guro na mala-englishero na kala mo may accent sa pagsasalita.

Pinulsuhan naman nila ito kaya't nalaman nila na wala na itong buhay. Pero ng bigla itong dumilat.

"Oh! Mr. Torres, Buhay ka pala kala ko patay ka na!" sabi nung babaeng guro.

Pero sa isang biglaang pangyayari ay agd na sinakmal ang leeg nito na kala mo'y isang bampira. Pero mas higit pa sa bampira sapagkat kinain nito ng buo ang laman nito. Napahiyaw ang mga gurong naroroon kaya't kaniya kaniyang takbo ang mga ito para masagip ang kanilang buhay.

Napansin naman ito nila Joshua at Hikaru. Tanaw na tanaw nila ang mga pangyayari na nagaganap. Agad naman silang tumakbo papasok ng kanilang classroom.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hikaru's POV

Tumatakbo kami papuntang 4th Flooor. Hingal na hingal kami ni Joshua sa pagtakbo. Sa tanang buhay ko, hindi ko aakalaing may ganoong pangyayaring magaganap sa buhay kong kay simple. Ang magkaroon ng ZOMBIE! Sa aming hinuha ng aking bestfriend ay zombie nga iyon.

Sa tingin niyo paano namin nahulaan? Kasi nga may mga dugo-dugo something na tumalsik na nakita namin so talagang masasabi namin na zombie thingy yung tao na nasa gate na iyon.

Academy Of The DeadWhere stories live. Discover now