Academy of the Dead
Written By: TidusFinal03
ALL RIGHTS RESERVED
2013
PART 20 (Please, save us from DEAD)
Third Person's POV
Matapos ang pangyayaring iyon, nagmistulang pipi ang mga tao sa loob ng van.
Tahimik...
Naguguluhan...
Nagluluksa...
Masakit para sa kanila ang mawalang ng isang kasamahan lalo't kaibigan pa nila. Naging mabuting kaibigan si Dominic sa kanila.
It doesn't seem to be happy that they are going to lose another person on their team.
Nasa gitna pa rin sila ng biyahe at malakas ang patak ng mga ulan.
Nasa iisang gilid lang ang mga babae at si Cindy ay patuloy pa ring umiiyak.
"Bakit? Bakit siya pa? Nakakainis siya!" humahagulhol na sabi nito.
"Hindi natin kagustuhan ang lahat, we need to be strong for him! Alam kong mahirap ang mawalan ng kaibigan. Hindi lang ikaw ang nasaktan," sabi ni Jessica.
"Pero..." patuloy pa rin ang pagluha nito.
"Cindy... Tandaan mo, kailangan nating makaligtas sa sakunang ito. Once we found out a solution, makakaligtas din tayo." bigla na lang yumakap ng mahigpit si Cindy kag Jessica.
Pinat naman ni Karen si Cindy samantalang si Joana ay tahimik at tumutulo ang luha.
Habang ang grupo nila ay nasa ganitong sitwasyon, ipit naman ang grupo nila Vilma ng makaalis sila sa Mizu Academy.
Nasa kalagitnaan sila ng bridge na kung saan puno ng tao... taong patay na nabuhay.
"Glen, what we are supposed to do?" tanong ni Olive habang hawak naman ni Athan ang kamay nito.
"I don't know... this is... this is... a mess... and we're trap." tumingin sila sa tapat nila. Maraming sasakyan ang nakaharang. Hindi sila makakadaan kung hindi sila gagalaw. Lalong hindi sila mabubuhay kung hindi sila magmamadali.
Ang kaninang nakahiga sa mga sahig ay unti-unti na nagsisitayuan. Ang mga kulay kayumangging balat nila ay maputla na ngayon. Ang itsura nilang maamo ay masahol pa sa aso ngayon. Masaklap pa d'on, ang amoy nila ay nakakasura na. Nabubulok na laman, labas bituka, putol ang kamay, mga kulang kulang na parte ng katawan. Kahit gan'on pa man, wala ng pakiramdam ang mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/4858851-288-k932312.jpg)
YOU ARE READING
Academy Of The Dead
HorrorAcademy of the Dead © Its started with... Story of 9 Students in Fujin Academy who found themselves in a Zombie Apocalypse. No one knows the cause of having this zombie roaming the area. Will they survive with this bunch of zombies? Can they find t...