AOTD ~ Part 23 (Chasing DEAD)

940 28 0
                                    

Academy of the Dead

Written By: TidusFinal03

ALL RIGHTS RESERVED

2013

PART 23 (Chasing DEAD)

Third Person's POV

"Glen! Gising!" unti-unting napamulat ang mata nito nang bigyan siya ng mahihinang sampal ni Olive.

Pagkamulat nito, nagulat siya dahil nasa lupa na sila. Nasa tabi na sila ng ilog na pinaglaglagan nila ng tumalon sila.

"Nas'an tayo? Nakaligtas ba ang laha- arekup!" ininda nito ang tama sa paa. Nadaplisan kasi ang kaliwang paa niya sa pagbaril niya sa zombie bago siya mahulog sa ilog.

"Oo, ligtas silang lahat. Gagamutin muna natin iyang paa mo," sabi nito at kumuha ng kapirasong basang tela at ito ang ginamit sa paa na pampaimpis ng dugo sa paanan nito.

"Nas'an sila kung nakaligtas ang lahat?" nang sabihin niya iyon ay siyang dating nila Athan.

"Mabuti naman at gising ka na," ngiting saad ni Troy.

"Oo nga, we thought that you're going to die by that time! Nakakainis ka talaga, Glen!" sabi ni Vilma.

"Ako mamatay? Hindi noh? Malakas kaya ako!" tatayo sana ito ng mapaaray na naman ito sa sakit.

"Malakas daw huh? Aray daw eh!" natatawang sabi ni Adrian. Nagtawanan naman ang lahat.

Nasa kalagitnaan sila ng tawanan ng may kaluskos silang narinig.

"Shhh!" sabi ni Shiela. "Someone's coming!" bulong nito.

Lumakas lalo ang kaluskos nang biglang...

Nagulat sila dahil isang tao ang lumabas.

"Tulungan niyo ako!" sabi nitong namumutla.

"Anong nangyari? Bakit?" tanong nila sa lalaking kaharap nila.

"Hinahabol... ako... nila..." hingal na hingal na sabi nito.

"Sinong sila?" tanong ni Athan.

Magtatanong pa sana sila ng may isang zombie ang lumabas sa likuran ng tao na 'to at agad na hinila at sinakmal sa leeg.

Academy Of The DeadTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang