"Tss!" - Llander.

Tumayo sya sa kinahihigaan nya at tinungo ang bag nya at may kinuha doon pagkatapos nilapitan nya ako.

"Oh ayan! Saksak mo sa baga mo!" Sabay bigay nya saakin ng pera.

Tinignan ko naman sya pagkatapos yung perang inaabot nya saakin. Wala naman talaga akong intensyon kunin yung pera.

"Ano kulang pa ba to?!"- Llander.

Humugot ulit sya ng pera sa wallet at binigay saakin.

"Ayan! Sampung libo. Siguro naman sapat na yan!"- Llander.

Tinignan ko muli ang binibigay nyang pera pagkatapos inabot ko yun.

"Sapat na nga to. Salamat dito ha, tyak makakatulong to saakin ng malaki." Sabay nilagay ko sa bulsa ko ang pera.

Masyadong mababa ang tingin nya saakin at sa mga kagaya ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakanya sa loob ng sampung taon. Nawala yung dating Llander na masiyahin, magalang at mabait. Hindi ko na nga sya kilala ngayon dahil ang laki na ng pinagbago nya.

"Magpapadagdag ka lang pala. Wais ka din ano?!"- Llander.

"Ganoon talaga. Sa panahon ngayon kailangan mo ng gamitin aNg utak mo. Alam ko naman na kayang kaya mo akong bayaran ng higit pa rito dahil alam ko kung gaano ka kayaman. Barya lang to sayo hindi ba? Kasi kaming mahihirap yung ganito kalaking halaga na mahawakan namin ang katumbas na non ay milyon. Sabi nga sa kasabihan bawal tumanggi sa grasya." - Zandy.

"Aist! Ang daldal mo talaga.!"- Llander.

Nginitian ko nalang sya. "Matulog ka na young Master, babantayan kita."

Hindi nya ako pinansin at bumalik na muli sa paghiga pagkatapos tinalikuran nya ako.

Pinagmasdan ko lamang sya habang nakatalikod sya saakin. Kahit palagi syang masungit saakin okay lang yun atleast nakakausap ko sya. Sana dumating ang araw na magbago din sya at ibalik nya ang dating sya.

Pagkalipas ng ilang minuto nagkaroon na ng kuryente. Tinungo ko sya at tinignan at ayon tulog na tulog na. Lumuhod ako at pinagmasdan ko ang gwapo nyang mukha.

"Alam mo inantay kita ng sampung taon. Akala ko hindi na tayo muling magkikita. Pinagdasal ko din kay papa god na sana magtagpo pa tayo bago nya ako kunin at nagpapasalamat ako na dininig nya yun. Nakalimutan mo man ako pero ikaw, kahit kelan hindi ko nakalimutan."

Hinawakan ko yung buhok nya at hinaplos saka ngumiti at bumulong.

"Namiss kita."

LLANDER'S POV

"Kumapit ka lang wag kang bibitaw ililigtas kita"

**********

"Hahaha habulin mo ako."

"Hahahaha"

**********

May ibibigay ako saiyo, Ito. Para hindi mo ako makalimutan. Palagi mo yan susuutin kasi may basbas yan ng pari at sabi ng lola ko ililigtas ka nya sa kahit na anong nakaambang panganib sa buhay mo. Kaya isuot mo yan lagi ah para lagi kang safe.

************

"Ha!"

Hinihingal na napabalikwas ako ng bangon  dahil sa panaginip na yun. Napasabunot ako sa buhok ko at huminga ng malalim. Napanaginipan ko nanaman yung boses ng batang babae ngunit hindi malinaw ang mukha nya.

Hindi ko maintindihan kung bakit pero  ako yung batang lalaki na kasama nya. Minasahe ko yung sintido ko at pilit na inalala yung batang babaeng yun. Hindi ito ang unang beses na napanigipan ko sya. May mga pagkakataon na sumasagi sya sa paniginip ko pero hindi ko sya matandaan.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Where stories live. Discover now