"S-syempre...kapakanan ni tita Lory...'yun...oo...pero...oo nga..."

Natawa siya, "Halatang ayaw mong ma-engage ako sa iba 'no?"

Hindi na lang ako nagsalita.

"Wag kang mag-alala, hindi na uli mauulit 'yun. At kung posibleng maulit pa, ipaglalaban na kita."

"H-HA?! T-teka nga, ang bata pa natin! May 'ipaglalaban na kita' agad na nalalaman dyan! Atsaka...hindi na kita boyfriend 'no!"

"Bakit nga kasi ayaw mo pa ako sagutin? Naipaliwanag ko na rin naman sa'yo ang dahilan diba? Sagutin mo na ako."

"Ayoko nga!"

"Hay naku, Angel. 'Pag 'di mo ako sinagot..."

"O ano?"

"...dalawa lang tayo dito sa bahay."

Shocks. Nakalimutan ko. Manyakis pa naman 'tong lalaking 'to.

"A-anong ibig mong sabihin ha?!"

Muntik na akong mapatili nang bigla siyang pumunta sa harapan ko at kornerin ako gamit ang dalawang kamay niya.

Shet. Nasa sofa lang kami!

"Ngayon, alam mo na ba kung ano ang ibig kong sabihin?"

"Isa! K-kapag 'di ka tumigil, sisipain kita!"

"Ikaw ha, lagi mo na lang akong sinasaktan. Pati puso ko sinasaktan mo eh." sabay tawa niya pero 'di pa rin siya lumalayo sa'kin. "Pagbigyan mo na ako. Saglit lang naman eh."

"A-anong saglit?! Hindi ka na talaga nakakatuwa ha!"

"Hahawakan ko na ha?"

"H-hoy! Walangya ka! Lumayo ka!!!"

Bago pa niya mahawakan ang kung ano man ang gusto niyang hawakan sa'kin ay sinipa ko na agad siya. Sinuntok, tinadyakan, piningot at lahat na ng masakit ay ginawa ko.

"ARAY! ARAY! TAMA NA!"

"Ang bastos bastos mo! Ba't ba kita naging boyfriend dati ha?! Manyak!"

"Mahal mo kasi ako kaya gan'on--AWW!!! ARAY KO!"

"Anong gusto mong hawakan ha?! Gusto mo isumbong kita kina tita?! Ha?!"

"Araaayy!!! Gusto ko lang naman hawakan 'yung remote at nang mabuksan ko na 'yung TV!"

"Remote?! Nasaan ang remote ha?!"

"Nandoon sa sofa!"

Pagkakita ko ng remote doon sa sofa ay binitawan ko 'yung tenga niya.

"Gusto ko lang naman talagang manood tayo ng palabas sa TV. 'Yun lang naman tapos sinaktan mo agad ako."

"W-wag mo nga akong lokohin!"

"Nagsasabi naman ako ng totoo. Bakit? May iniisip ka pa bang iba?"

"W-wala 'no!"

"Oh wala naman pala eh." Nasaktan na't lahat pero nakakangisi pa rin. Sarap tuluyan eh.

Umupo na lang din ako sa sofa at tumabi naman siya sa'kin. Binuksan niya 'yung TV. Tahimik lang kaming nanood.

Akala ko hindi na ulit ito mangyayari. Kahit papaano, nagkakaintindihan na kami. Buti na lang ay na-explain niya sa'kin ang dahilan kung bakit siya nakipag-break sa'kin dati.

Sana lang hindi na maulit uli 'yun.

Baka 'di ko na kayanin.

♥~♥~♥

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Where stories live. Discover now