Chapter Sixty-Four: Mixed Emotion

4.2K 135 8
                                    

➡Yeowna's POV⇦
1 month ng nakakalipas nung nawala yung kambal hangang ngayon wala pa din sila sakin. Sobra sobra na kong nasasaktan. Sa isang araw na din yung kasal ni Jaiden. Hindi na rin ako yung naging organizer nya kasi hindi din ako makapagtrabaho ng maayos sa mga nangyayari. Kaya nilipat ko na lang kayla Lulu at Ar-ar. Ang sakit sa dibdib na wala na yung kambal sakin ngayon tapos si Jaiden din mawawala na sa isang araw. Buti na lang sinamahan ako ni Xowie dito na kakarating lang galing France.

"Bakla ano nageemo ka na naman dyan? Jusme! Wag kang magalala babalik ni Jaiden sayo yung mga anak mo. Tinutulungan na din sya nung mga abogadong kakilala ko."

"Xowie, thank you. Hindi lang naman yung kinakalungkot ko eh."

"Ano? Yung kasalanan ni Jaiden sa isang araw? Tanga tanga mo kasi! Akala ko ba past is past ha?!"

"Xowie, pagandun ka na wala na mahuhulog ka na lang ulit."

"Hindi ka lang hulog te. Baon pa baon na baon. Hindi ka na nga makaahon eh. Jusme!"

"Mahal ko kasi talaga. Pero ganun talaga kailangan ko na talagang tangapin."

"Tigilan mo nga ko! Kasalanan mo yan tapos ngayon magdradrama ka. Kumain na lang tayo ha? Hindi yung ganyan ka."

"Lahat na lang kasi nawawala sakin."

"Tigilan mo ko! Tinawagan ako nung abogado na kaibigan ko. Mananalo daw tayo. Naglabas ng DNA Test si Jaiden. Tsaka napatunayang drug addict si Darren."

"What?! Anong DNA test? Pano nangyari?!"

"Alam mo na. Ganyan talaga nagagawa ng money, power and sources hahahaha."

"Oo na. Kumain na nga tayo."

Nabuhayan na ko ng loob kahit alam kong magpapakasal na si Jaiden.

➡Jaiden's POV in Manila⇦
Pinatawag ko yung parents ni Yeowna at parents ko para sabihin sakanila na okay na yung sa kaso napatunayan kasing kidnapping yung ginawa ni Darren, isa din syang drug addict at higit sa lahat nabalewala yung sinampa nyang kaso samin ng dahil sa DNA Test. Kasama ko na ding pupunta ng penthouse yung kambal.

"Daddy, namiss ka namin. Sobrang natatakot kami dun sa masamang guy. Pero inalagaan naman nya kami lagi nya din kaming tinatakot." Sabi ni Jaecia

"Okay lang yan baby. Hindi na mauulit yun okay? Nakakulong na sya."

"Jaec, ang isipin na lang natin ngayon yung kasal nila daddy. Hayaan na natin yun naging mabait naman sya kahit nananakot paminsan minsan at pinagpipilitan nyang daddy natin sya." Sabi ni Yohann.

"Oo nga daddy! Malapit na pala yung kasal ohmygod! Yung pinakahihintay natin." Sabi ni Jaecia.

"Kaya kung ano man yung nangyari within that one month mahirap pero kailangan na natin yung kalimutan okay? Mahal na mahal namin kayo ng mommy nyo. Sorry kung natagalan yung pagbawi namin sainyo pero yun na kasi yung pinakamabilis na paraan eh. Sorry."

"Okay lang yun daddy." Sabi ni Yohann.

"I love you daddy." Sabi ni Jaecia.

Pagdating sa penthouse kompleto na sila dun.

"Ma, pa, tito, tita, ate and kuya, tapos na po lahat ng kaso nagawan po namin ng paraan ni Xowie ng dahil din po sa mga kakilala nya sa DOJ at supreme court. Eto na po yung kambal."

Pumasok na yung kambal.

"Jaecia!" "Yohann!" Niyakap naman agad nila mama at tita yung kambal.

"Tito, Tita, Mama, Papa, Ate at Kuya, gusto ko pong malaman nyo na gusto kong pakasalan si Yeowna."

"Akala ko ba ikakasal ka na kay Fiona?" Sabi ni Tito Andrew.

"Ay nako Pa. May plano yan si Jaiden. Surprise! Kaya payagan nyo na po." Sabi ni Kuya Yuan.

"Pano kung saktan na naman nya yung kapatid mo? Ilang beses ng umiiyak si Yeowna ng dahil sayo Jaiden." Sabi ulit ni Tito Andrew

"Hindi ko na po ulit sasaktan si Yeowna. Alam ko na po na sinabi ko na to noon pero ngayon po mahal na mahal ko po talaga sya at sigurado na po ako sa gusto ko ngayon. Yun yung pakasalan si Yeowna."

"Pa, itataya ko pangalan ko para kay Jaiden. Pagsinaktan nya si Yeowna ako mismo mananakit dito kay Jaiden." Sabi ni Kuya Yuan.

"Pano kung ayaw ni Yeowna?" Tanong ulit ni Tito.

"Imposible yun popxie. Mahal kaya ni Mommy si Daddy matagal na." Sabi ni Jaecia.

"Popxie, pumayag ka na. Okay na po sakanilang lahat oh."

Pagtingin ni Tito sa lahat nakangiti na sila at naka two thumbs up.

"Sige, papayag na ko. Siguraduhin mo lang Jaiden na hindi mo sasaktan si Yeowna. Pagnagkataon pati yang kambal hindi mo na makikita."

"Grabe naman magmahal si popxie kay Mommy! Woooh! Party. Tententedan... Tententedan.. Kasalan na!" Sabi ni Jaecia

After nun nagkakasiyahan na sila. Sobrang excited na lahat.

The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now