Chapter Sixty: TnT (NARRATION)

3.6K 131 7
                                    


Mabilis na lumabas si Yeowna ng kwarto nila ni Jaiden. Tumakbo din naman sya agad pababa sa pagaakalang susundan sya ni Jaiden. Pagdating naman sa baba agad syang nakita ni JC.


"Yeowna, anong nangyari sayo?"


"Bitawan mo na ko please? Gusto ko ng umalis!" Pinipilit tangalin ni Yeowna yung kamay ni JC sa braso nya pero hindi nya nagawa.


"Yeowna, anong ginawa sayo ni Jaiden?"


"Wala!" Tinabig nya yung kamay ni JC sa braso nya at nakaalis na sya. Tumakbo sya ng tumakbo hangang sa makalayo sa bahay ng grandparents ni Jaiden. Pero hindi namalayan ni Yeowna kung nasaan na sya. Hindi nya din matandaan kung nasaang bahagi na sya ng gubat. Hindi din sya nakakaramdam ng pagod.


*ring*
*ring*


Pagtingin nya sa phone nya tumatawag si JC.


"Asan ka? Kasama ko yung kambal hinahanap ka na nila. Gusto ka nilang makasama pabalik ng manila ngayon na."


"Naliligaw ako. Hindi ko alam kung nasan ako."


"Yeowna, hahanapin ka namin kahit nasaang parte ka pa ng gubat."


"Please hanapin nyo na ko."


"Dyan ka lang. Magtext ka ng napapansin mo sa kinalalagyan mo."


"Okay." Yun lang yung napagusapan nila at nagend call na yung phone kasi lowbat na sya.
☆Ang sakit sa pakiramdam na magisa ka tapos yung taong mahal mo ang sama ng tingin sayo. ☆ 30 minutes na andun si Yeowna sa daan iyak pa din sya ng iyak.


"Mommy?!" Narinig nya yung boses ni Jaecia. Pagtingin nya sila Jaecia na nga iyon. Agad naman syang niyakap nung kambal.


"Mommy, okay ka lang po ba? Anong nangyari sainyo ni daddy?" Tanong ni Yohann.


"Wala. Nagkatampuhan lang kami. Magiging okay din lahat." Pinipilit na lang ni Yeowna intindihin si Jaiden kahit nasasaktan na sya. Hinila naman sya patayo ni JC.


"Anong nangyari sainyo? Bakit ka umiiyak? Wala ng pwedeng manakit pa sayo diba?" Niyakap agad ni Yeowna si JC.


"Ang sakit sakit pala na pinagdududahan ka ng taong mahal na mahal mo. Yung hindi mo ineexpect na magiging ganun yung tingin nya sayo. Hindi pa sya nakontento na nasaktan nya na ko kay Fiona nung nagpaarrange sya sakin ng proposal."


"Shh! Ano bang sinabi nya sayo?"


"Wala. Hayaan mo na. Makakalimutan ko din yun. Baka lasing lang sya."


"Lagi mo na lang ba syang iintindihin every time na nalalasing sya. Lagi ka na lang nasasaktan Yeowna."


"Wala eh. Mahal ko talaga sya. Kaya ang tanga tanga ko."


"Hayaan mo na sya. Kailangan mo ng magpahinga. Magdamag ka ng puyat."


Naglakad na sila pababa ng bundok at naghanap ng hotel na pwede nila munang tuluyan for the whole day. Sa gabi kasi flight na nila. 2 rooms lang nirent nila. Pagdating sa room inusisa agad nung kambal si Yeowna.


"Mommy, bakit po kayo nagaaway ni daddy?" Tanong ni Jaecia.


"Nak, kahit ipaliwanag ko sainyo. Hindi nyo pa naman maiintindihan eh."


"Pero mo~"


"Yohann. Sige na. Gusto kong magpahinga."


Humiga na sya sa kama at natulog. Pagdating ng hapon nagcheck-out na sila para pumunta ng airport. Magkakasama sila sa iisang flight pati na din si Jaiden. Pero nakaboard na sila at malapit na silang sumakay ng plane pero wala pa din si Jaiden.


"Mommy, sasama ba si daddy satin?" Tanong ni Yohann.


"Hindi ba sya sasabay?" Tanong naman ni Jaecia.


"Wala syang sinabi sakin. Hindi din sya tumawag."


"Hayaan nyo na yun. Sumakay na tayo sa plane." Sabi ni JC.


Pagdating sa Manila hinatid sila ni JC sa bahay nila Yeowna.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon