Chapter Forty-Two: Bato Bato Pick??!

3.9K 147 16
                                    

"Good morning Mommy!" Bati sakin ni Jaecia pagkamulat na pagkamulat ng mata ko.


"Good morning din Baby." Niyakap ko sya ng mahigpit.


"Mommy naalala ko po pala. Hindi pa kami nagcecelebrate ni Yohann ng 11th birthday namin."


"Oo nga pala no?"


"Mommy, gusto ko SG-Universal Studios." Sabi ni Yohann.


"Ehhh! Gusto ko HKG-Disneyland. Good morning daddy!"


"Ang aga aga mukang gastusan yan naririnig ko ah." ☆Doctor ka kaya no? Malamang kaya mong iout of town yung mga anak mo. Nakakapunta nga kayo ng France eh.☆


"Pero daddy di pa kami nagcecelebrate ng 11th birthday namin."
"San ba gusto nyo?"


"SG at HKG." Sabay nilang sabi.


"Mahal yun ah."


"Ganito na lang daddy magbato bato pick tayo. Kung sino manalo sya masusunod. Yohann vs. Daddy. Me vs. Mommy. 3 rounds lang." Sabi ni Jaecia


"Game!" Sabi ni Jaiden


"Kami muna ni mommy." Umupo na kami sa kama.


"Bato bato pick!" Gunting ako, bato si Jaecia.


"1-0! Nafefeel ko na yung Hong Kong! Bato bato pick!" Bato ako, papel si Jaecia.


"2-0! Hong Kong I really feel you! Bato bato pick!" Pareho naman kaming bato. "Bato bato pick!"

Gunting ulit ako at bato si Jaecia.


"Dad kayo naman dali! Feel na feel ko na yung Hong Kong eh." Nagstart na nga maglaro si Jaiden at Yohann.


"Bato bato pick!" Gunting si Yohann at Papel si Jaiden.


"Bato bato pick!" Pareho silang papel.


"Bato bato pick!" Pareho naman silang bato.


"Bato bato pick!" Papel naman si Jaiden at bato si Yohann.


"Yohann. Galingan mo. Universal Studios yun oh."


"Bato bato pick!" Gunting si Jaiden at bato naman si Yohann.


"Bato bato pick!" Gunting si Yohann at papel si Jaiden.


"Yehey!! Universal-Disney! Universal-Disney!! Yehey!"


"Ang daya nyo kaya." Sabi ko.


"Hindi kaya mommy. Universal-Disney!"


"Oo na. Sige na. Papabook tayo mamaya." Sabi ni Jaiden.


"Yehey!!!" Sabay nilang sabi.


"Gusto ko sa Disneyland Hotel tayo dad sa Hong Kong!"


"Dad! Marina Bay sa Singapore."


"Okay okay. Mauubusan ako ng pera sainyong dalawa eh."


"Pero bago yan syempre may rules kami. At dahil birthday celebration namin yun. Susunod po kayo."


"Hoy. Ano to? Kami na susunod sainyo. Parents nyo kami." Sabi ko.


"Wala kang magagawa hon. Talo tayo eh."


"Pano ba yan Mommy okay kay daddy! Yehey!" Sabi ni Yohann.


"Ge pagkaisahan nyo ko ha? Good!"


"Yung honey ko naman. Sumunod na lang tayo birthday celebration nila yan eh." Lumapit sakin si Jaiden. At umupo sa tabi ko.


"Sabihin nyo na yung rules dali. Bago pa magbago isip ko."


"Yehey! Gusto namin sa tour sa HKG at sa SG maging okay ulit kayo kahit dun lang. Kasi narealize po namin kagabi na hindi na talaga tayo mabubuo na isang family. And baka it would be the last birthday namin na okay kayo na hindi pa kayong dalawa kasal sa iba. Actually yung pinakawish talaga namin is yung makasal kayo na alam naman natin na hindi mangyayari."


Nagkatinginan kami ni Jaiden sa sinabi ni Jaecia. Hindi namin alam kung anong sasabihin namin. Kasi totoo naman eh, hindi talaga kami magiging buo.
"Tangap na din po namin ni Jaecia na one of these days papakasal kayo sa iba lalo na si Daddy. So why not hindi na lang tayo magbonding na parang isang family like nung nasa El Nido."


"I agree. Baka nga ito na yung last birthday nyo na single pa kami ng mommy nyo." ☆May balak na syang pakasal this year. Good for him. Pero sana hindi nya na ko pinafall pa ulit.☆


"Sige na. Pumapayag na ko. Magbreakfast na tayo sa baba."


Nagayos kami at lumabas na ng kwarto.


"Mommy. Puntahan lang po namin si Myma(Tawag nila sa Mommy ko)."


At umalis na sila.
*Ring*
*Ring*
"Sige na hon sagutin mo muna yan. Babalik lang ako s kwarto."


Naglakad na sya pabalik sa room. Sinagot ko na yung phone.


"Hello?"
"Hi Yeowna. JC here."
"Hmm. Kailangan mo?"
"Ikaw."
"Ano nga?"
"Date na tayo. Sabi mo pagbalik ng Manila diba?"
"Alam mo namang hindi pa pwede di ba? May problema pa ko sa family ko ngayon so pwede sa ibang araw na lang. Andito pa din yung mga kapamilya mo."
"Uuwi na sila mamaya."
"Anong sila? Hindi ka kasama?!" O_o
"Yup. Babalik ako ng America na kasama ka. Bye!"

"What the~"

"Sino yung tumawag?" Nakabalik na pala si Jaiden.


"None of your business honey." Nagfake smile lang ako.


"Hon, ikaw pa din naman may ari nung company nyo na event organizer diba?" ☆Fvck! Wag nya sasabihing! No!☆


"Yup. Si Sheena lang yung namamahala nun simula nung umalis ako hangang ngayon. Actually starting tomorrow papasok na din ako dun."


"Talaga? Good to hear that."


"Bakit?!"


"Wala naman. After ng tour tsaka mo malalaman." ☆Shocks. Bakit kailangan pang patagalin?☆


"Okay."


Maghapon kaming sweet sweetan ulit. Pretend pretend ulit. Yung sa maghapon na yun sinusulit ko. Kasi bukas magbabago na lahat. Hindi ko alam pero bumalik lahat ng pagmamahal ko sakanya. Yung care at the same time yung selos kay Fiona. Pero ganun talaga siguro pagnagmamahal ka lagi nya din kakambal yung sakit.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon