Chapter Fourteen: Eve's Pregnancy Starts

6.2K 187 9
                                    

⇨Yeowna's POV⇦

Two weeks na ang nakakalipas nung nagbar kami pero hindi ko pa din alam kung ano yung mga pinaggagagawa ko after namin magvodka. Hindi ko din alam pano ko nakarating ng hotel ni Eve.

9:40PM @ Dreamland Hotel

Ito na kasi yung day ng pagtatago namin. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit namin gagawin yun. Ang pinaalam ko na lang may modeling training kami sa iba't ibang bansa.

"Girl, pano ba ko nakauwi dito sa hotel nung nagbar tayo." Sabi ko kay Xowie.

"Te, move on ka na. Tigilan mo na yan. Last week mo pa ko kinukulit dyan."

"Eh hindi ko nga kasi alam yung nangyari."

"Ayan na pala si Jaiden eh, sya na lang tanungin mo."

Ohmy! Pano ko ba kakausapin to? Pano ko haharapin. HINDI KO ALAM! Parang may ginawa kong kalokohan nung lasing ako eh.

"Hi Alex, Hi Yeowna. Ano yun Lex?"

"Wow ah, close? Joke lang. :) may tatanong daw si Yeowna eh." Lumayo na sya alam nya kasing tatakpan ko yung bibig nya.

"Ano yun?" Sabi ni Jaiden.

"Ano daw ginawa nya nung lasing sya?"

Tumakbo si Xowie dun sa may kusina ng penthouse ni Eve.

"Wala. Wala syang ginawa. Ano lang~" (*¯︶¯*)

"OHMY! ANONG GINAWA KO?!"

"Gusto mong malaman? Date muna tayo." (*¯︶¯*)

"Hoy ano yan?! Date date kala mo naman tunay. Umalis na tayo. Baka kung ano na nangyayari kay Eve dun sa Antipolo. Lika na babe. "I love you Xowie. Savior talaga kita☆

Kinuha ni Xowie yung dalawang maleta nya. Kinuha ko na din yung sakin. Sumakay na kami sa elevator. Pagdating namin sa kotse.

"Lex, bat dyan ka sasakay? Dito ka sa unahan. Ano ko driver nyo?"

"Grabe ka naman. Dito na lang si Alex sa likod."

"No. Sa unahan na ko babe."

Nabalik ang dating tawagan. Hahahahahaha Nung high school kasi ang alam nila girlfriend ako ni Xowie. Kahit magbest friend lang talaga kami. At para pagtakpan ang bonga nyang lihim.

"Hon?" Nagulat ako sa sinabi ni Jaiden. Napatingin ako sa rear view mirror at nagkatinginan kami.

"Okay ka lang babe?" Sabi ni Xowie.

"Oo."

"Ikaw Jaiden okay ka lang? Sino ba si hon?"

"Wala."

Pagdating namin sa safehouse. Maganda naman yun. Malaki. At mukang hindi kami mabobored ni Xowie. May own pool kasi may sariling gym. Ang cool nung bahay. Tatlo lang naman kaming titira pero akala mo tatlong pamilya yung titira eh.

"Eve, mauna na ko. Tetxt na lang kita or tawagan mo ko pagmay problema kayo dito." Sabi ni Jaiden.

"Wait. Ipaliwanag nyo muna lahat ng mga kailangan nating gawin dito." Sabi ni Xowie

"Ako na magpapaliwanag sainyo." Sabi ni Eve.

Tumayo na sa sofa si Jaiden na mukang pagod na.

"Sa susunod, paglasing ka ayusin mo yung mga ginagawa mo. Baka sa susunod hindi ko na mapigilan sarili ko." Bulong sakin ni Jaiden. "Ingat kayo dito. Bye."

"I hate you!"

"Don't hate me hon. If I know, you're still inlove with me."

"Damn you!"

Sumakay na sya sa kotse nya at umalis na. Nagtataka naman sila Eve pero hindi na nagtanong.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon