Chapter Forty-Eight: Face the Reality (NARRATIVE)

3.9K 133 10
                                    

Hindi pumayag si Jaiden na umalis sila ng hotel. Para makapagpahinga si Yeowna. At makarecover sa dare ni Jaiden. Paggising kasi ng dalaga medyo nahihilo pa daw ito. Pero nangako naman si Jaiden sakanya na manunuod sila ng Hollywood Dream Parade sa Universal Studio. Yung kambal naman ay sinundo ng pinsan ni Jaiden. Maghapon lang silang natulog at bumawi ng lakas na naubos sa tour nila. 4o'clock ng hapon lumabas na silang dalawa para manuod nung dream parade. Maaga naman silang dumating ng Universal Studio. Pumunta naman sila agad sa souvenir shop sa New York area. Bumili naman sila ng konting souvenir lang. Paglabas nila ng store nagstart na yung parade.


"Hon, masaya ko na nakasama kita at pinagbigyan mo ko na iparamdam sayo na mahal kita." Bulong ni Jaiden kay Yeowna habang magkaholding hands sila. "Hon, Thank you sobrang napasaya mo ko.Ilove~"


"Baby! andito ka din pala." Biglang hinalikan ni Fiona si Jaiden. Napabitaw naman si Yeowna sa mga kamay ni Jaiden at tumalikod, bigla namang tumulo yung luha nya.

*Ring*
*Ring*


May tumatawag sa viber ni Yeowna.


"Yes hello?" Sagot ni Yeowna.


"Turn right. Si JC to."


Paglingon nya sa kanan nakita nya nga si JC. Tumakbo naman sya agad sa binata.


"Please. Ilayo mo ko dito." Naluluhang sabi ni Yeowna.

-Jaiden & Fiona Moments-


"Fiona bakit mo ginawa yun? Alam mo namang kasama ko si Yeowna."


"Really? Kasama mo pala sya? Hindi ko sya nakita eh. Asan na sya?"


Lumingon si Jaiden pero wala na dun si Fiona.


"Kasalanan mo to Fiona!" Tiningnan nya yung bulsa para hanapin yung cellphone pero wala yung cellphone nya.


"I'm not doing anything."


"Excuse me!" sabi ni Jaiden at naglakad ito pero hinila sya ni Fiona.


"Jaiden ano ba?! Kung makikipaghiwalay ka na sabihin mo! "


"Matagal ko ng sinasabi sayo Fiona!"


"Ganun na lang yun Jaiden itatapon mo yung almost 10years relationship natin para sa babaeng yan? How could you?!"


"Mahal ko si Yeowna."


"Mahal mo lang sya kasi nawala ako. Mahal mo lang sya kasi may anak ka sakanya."


"Hindi yun Fiona!" Naglakad na ulit si Jaiden.


"Jaiden Please. Don't do this to me."


"Fiona..."


"Please Jaiden wag mo kong iwan." Tuluyan ng naiyak si Fiona. Isa pa naman yan sa weakness ni Jaiden ang babaeng umiiyak at nagmamakaawa.


"Sorry baby. Nabibigla lang ako."

-JC & Yeowna Moments-


"San kita dadalahin?"


"Kahit saan basta malayo dito. Please ngayon na."

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon