Chapter Thirty-Seven: Afternoon to Night (Second Day on the Island)

3.9K 145 17
                                    


Nung hapon nakipagkita na naman sakin si JC may ibibigay daw sya.


"Ano bang bibigay mo?"


"Eto oh." Tinaas nya yung chocolate. Wala yung mga pinsan nila kasi nagsnorkeling ata at nagcaving.


"Ay nako. Di na lang binigay sa harap ng cottage."


"Gusto kitang ihug eh." Sabay niyakap nya nga ko.


"Yeowna." Bigla kong napabitaw kay JC kasi alam kong si Jaiden yun.


"Hon. Muntik na... kasi... akong.. mahulog." Lumapit ako sakanya at kiniss ko sya sa may gilid ng lips. Dapat talaga dun lang kaso nagside pa sya. Kaya ayon sa lips din napunta. Naramdaman ko namang umalis na si JC. Bumitaw na din ako agad kay Jaiden. Naglakad naman kaagad sya papunta ng cottage naiwan akong nakatayo dun. Ganun na lang yun? Ano bang problema nya? Di kaya sinusundan nya ko everytime na magkikita kami ni JC. Ohmygosh! O_o

After nung dinner nagaaya naman sila sa The Rock Bar. Kaya yun nagpuntahan lahat kami dun. Isinama na namin si Jaecia at Yohann kasi wala silang kasama sa cottage. Uminom lang naman yung mga boys. Si JC umiinom lang ng pakonti konti pero si Jaiden maya't maya yung shoot nya.


"Mommy. May problema ba si daddy?" Tanong ni Yohann.


"Baby. Hindi ko alam. Wala naman syang sinasabi sakin eh."


"Pero bakit kanina pa sya wala sa mood?" Sabi naman ni Jaecia.


"Hindi ko din alam baby ko eh. Hindi nya nga ko pinapansin."


Nakipagkwentuhan naman ako sa mga pinsan nyang babae na may mga anak na din. Nakakatuwa sila. 1hour and 30minutes na pala kaming andun.


"Mommy. Uwi na tayo inaantok na ko." Sabi ni Jaecia.


"Yohann. Lapitan mo daddy mo sabihin mo sunod na lang sya sa cottage."


Tumayo naman agad si Yohann para puntahan si Jaiden. Tapos nagpaalam na kami sa kanila at naglakad na kami papunta sa cottage namin. Hindi naman ako dinadalaw ng antok. Kaya paikot ikot lang ako sa kama. Iniisip ko pa din kung bakit ganun sakin si Jaiden ngayong maghapon. Tumayo ako ng kama at lalabas sana kaso biglang pumasok si Jaiden na lasing na lasing.


"San ka pupunta?! Kay JC?!" Naglalakad sya papalapit sakin. Ako naman atras ng atras.


"Ano bang pinagsasabi mo hon?"


"ILANG BESES NA KAYONG NAGKIKITANG PATAGO?!"


"Hon. Hindi kami nagkikitang patago." Natatakot na ko sakanya. Kitang kita mo sa mata nya yung galit yung selos.


"WAG MO KONG NILOLOKO YEOWNA!" Hindi ko namalayan na kakaatras ko nakasandal na ko sa wall.


"Hon. Hindi kita niloloko."


"NAKITA KO KAYO YEOWNA!"


"Hon. Wala kong~" Naiyak na ko. hinawakan nya yung wrist ko at nilagay sa pader at hinalikan nya ko ng marahas. Pinipilit kong manlaban sakanya kaso nanghihina ako. Patuloy pa din sya sa ginagawa nya at tinatangal nya yung polo ko buti na lang may sando ako sa loob. Hangang sa nakakuha ako ng lakas para itulak sya.


"Walanghiya ka Jaiden!"


"Hon. I'm sorry." Tumakbo ko pababa at palabas ng cottage na umiiyak. Hindi pa ko nakakalayo sa cottage namin may nakasalubong ako. Nakatakip yung mga kamay ko sa muka ko kaya hindi ko makita kung sino yung kaharap ko. Ayaw ko din ipakita yung muka ko sakanya.


"Yeowna. Anong nangyari sayo? Sinaktan ka ba ni Jaiden ano?!" Sabi nya habang tinatangal yung kamay ko sa muka ko. Tiningnan nya ko mula ulo hangang paa. At biglang niyakap. Lalo kong naiyak at nilagay ko ulit yung kamay ko sa muka ko. Feeling ko kasi nabastos talaga ko sa ginawa ni Jaiden eh.


"Yeowna!" Narinig kong sabi ng boses na bagong dating. Boses ni Jaiden. Binitawan ako ni JC at hinila nya ko papunta sa likod nya.


"H*Y*P KA TALAGA JC! PATI BA NAMAN ASAWA KO?!" Nakita ko na lang nakahiga na sa bridge kung san kami nakatayo. Hinila naman ako ni Jaiden. Pero hinila ulit ako ni JC at sinuntok nya si Jaiden. Hangang pareho na silang nakahiga at nagsusuntukan. "Walang hiya ka Jaiden! Bakit mo sinaktan si Yeowna!" Sinuntok nya si Jaiden. Nanlaban naman si Jaiden at sinuntok nya din si JC.

"H*y*p ka!"


"ANO BA TAMA NA! JC JAIDEN! TAMA NA!" Pero hindi pa din sila tumitigil. Biglang may lumabas sa cottage nila Tita Andrea. Si Tito Zian lumabas ng cottage.


"JAIDEN! JC! ANO BA? MAGPAPATAYAN BA KAYO?!" Tsaka lang tumigil silang dalawa at tumayo.


"H*y*p ka hindi ko mapapalagpas yung ginawa mo sa asawa ko!"


"Wala kong ginagawa sa asawa mo!"


"Tumigil na kayo!" Sigaw ulit ni Tito Zian.


Hihilahin sana ko ni Jaiden pero pinigilan ni JC.


"Yeowna halika na!" Sabi ni Jaiden.


"Hindi sya sasama sayo! Bastos ka eh! Bakit kailangan mong gawin yun kay Yeowna?!"


"Hindi ba talaga kayo titigil?!" Sabi ni Tita Andrea. "Zian. Ipasok mo na sa cottage natin si Jaiden. Ikaw JC pumasok ka na sa cottage mo ako na bahala kay Yeowna."


"Pero Ma. Kailanga~"


"Jaiden stop! Pumasok ka na!" Wala ng nagawa si Jaiden pumasok na sya sa cottage nila Tita. Si JC din pumasok na sya sa cottage nila. Yakap yakap naman ako ni Tita Andrea habang naglalakad kami papunta sa cottage namin. Habang naglalakad kami nakwento ko na sakanya yung ginawa sakin ni Jaiden.


"Nak. Pasensya ka na sa ginawa sayo ni Jaiden. Kilala mo naman yun hindi naman sya ganun. Baka nagseselos lang talaga sya. May history na kasi sila ni JC na nagaagawan din sila sa isang babae. Sorry. Ako na magsosorry para kay Jaiden."


"Sorry din tita. Iiwas na lang din muna po ako kay JC. Naiintindihan ko naman po si Jaiden at pilit ko pa po syang iintindihin. Nabigla lang talaga po ako."


"Nak. Sorry talaga. Nahihiya ako sa ginawa sayo ni Jaiden. Babae din ako. Alam ko yung nararamdaman mo. Sorry. Sana maging okay ulit kayo at bumalik kayo sa dati. Sige na nak. Pahinga ka na. Good night. I'm so sorry."


"Thank you po tita. Pipilitin ko pong maging okay kami. Good night po."


Umalis na din si Tita Andrea. Hinatid nya lang ako sa may pinto ng cottage.

The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now