Chapter Fifty-Two: Mahal ko pala talaga.

3.8K 128 10
                                    

*ring*
*ring*

"Hmmm?" Kakagising ko lang kasi.

"Hi good morning. Naabala ko ba tulog mo?" Si Jaiden yung nasa kabilang linya ng phone.

"No. Okay lang. May kailangan ka pa ba?"

"Oo. Yung pictures na ipeplay sa projector later."

"Ah. Sige. Kelan mo bibigay yung pictures? Papaedit ko na lang sa editor sa office."

"Pwede bang sa fb na lang? Busy kasi ko ngayon sa hospital eh."

"Sige. Kukunin ko na lang dun."

"Thank you. Have a nice day."

Tumingin ako sa wall clock. 9am na pala. Tumawag ako agad sa office para kausapin yung avp editors namin. Nagokay naman sila agad para gawin na. Sinabi ko din na contakin na lang nila si Jaiden kung may mga tanong sila. Bumaba na ko para magbreakfast nakita ko sa table sila Jaecia na parang malungkot at walang ganang kumain.

"Morning babies. Bakit di pa kayo kumakain?"

"Mommy? Magpopropose na po ba si daddy kay Tita Fiona?" Malungkot na tanong ni Jaecia. Nilapitan ko naman sya agad.

"Oo baby ko. Mamayang gabi sa luxury club."

"Mommy bakit ka pumayag? Ikaw pa nagorganize?" Sabi ni Yohann at lumapit samin ni Jaecia.

"Baby ko, wala na tayong magagawa dun. Mahal ng daddy nyo si Tita Fiona nyo. Hindi ko din alam na kailangan ko palang iorganize yun."

"Mommy. Pigilan mo si Daddy please?" Sabi ni Jaecia.

"Good morning! Bakit ang lulungkot ng mga muka ng baby namin?" Biglang pumasok si Jaiden sa kitchen.

"Daddy!" Niyakap nya si Jaiden at binuhat naman sya neto. "Propropose ka na kay Tita Fiona?" Nagnod lang si Jaiden at nakasmile.

"Yeowna, pwede ko ba silang makausap saglit? Please?"

"Sige lang. Aakyat na lang muna ko sa taas."

Umalis na ko at umakyat sa taas. After 30mins. Kumatok na yung kambal sa taas kailangan daw ako makausap ni Jaiden.

"Hey, bakit?" Nasa terrace kasi sya tapos ang layo ng tingin nya.

"Yeowna, favor please?"

"Ano ba yun? Para sa proposal? Anything. Organizer mo ko."

"Yung mga kaibigan kasi ni Fiona nasa ibang bansa yung iba out of the country. Hindi ko naman pwedeng sabihin na pumunta sya sa bar. Halatang halata naman na may surprise ako."

"You want me to call her? And ask her to go out with me?"

"Oo sana. Kung okay lang sayo?"

"Alam mo namang hindi kami on good terms ni Fiona."

"Itry lang natin please?"

"Okay. Gagawin ko. Sana magwork. Yun lang ba?"

"Oo. Thank you." Niyakap nya ko bigla. Lalo lang ako nasasaktan sa ginagawa nya. Lalo nya lang pinaparamdam na mawawala sya.

"Wala yun. Organizer mo ko. Tatawagan ko sya after didiretso na ko sa bar para iset-up yung projector mo."

"Thank you talaga."

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon