Chapter Two: Real Problem Begins

10.1K 258 6
                                    

Si Eve yung nasa picture :)

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏

"Okay, pagusapan natin to ng maayos. Sorry bes, nabigla lang ako."

o(╯□╰)o

"Okay lang naiintindihan ko. Alam ko kung gano ka kaconcern sakin, kung gano kayo kaconcern sakin." Sabi ni Eve.

"Tigilan na tong kadramahang to, marami pang problema okay? Nakakasira to ng beauty, sayang ang mamahaling creams." Sabi ni Xowie

"Lika nga dito. Group hug tayo. Kaya natin to. Malalampasan natin to. Okay? Walang iwanan sa problema."

~T_T~

"Kelan ka pa buntis bes? Pano mo nalaman?" Sabi ko ulit.

"Gamit gamit din ng utak te! Malamang nagPT (Pregnancy Test) ang lola mo." Sabi ni Xowie

"Che, seryosong usapan to."

" Eh masyado kasing seryoso."

"Ganyan ka kaya kanina. Back to the topic na nga."

"3 weeks pregnant na ko bes. Bigla bigla na lang kasi ko nahihilo at nagsusuka lalo na sa umaga. Delayed din ako. Kaya naisipan ko ng magPT. At ito nga." Naiyak na sabi no Eve.

"Kelan mo pa nalaman? Bakit di mo kagad sinabi sakin?"

"Ay te, baka ang layo mo ano? Langyang bruhang to."

"Xowie naman eh."

"Kay, kay. Sorry"  ̄ω ̄

"Last week lang. Hindi ko masabi sayo sa text kasi baka umuwi ka bigla at baka magalit ka kaya naisip ko sa personal na lang. Kakasabi ko lang kay Xowie kanina kaya ganyan yan."

"Okay. Sa susunod naman bes magsasabi ka kagad. Anong gagawin natin kay Darren? Gusto nga ipalaglag yan diba?"

"Paslangin si Darren!" Sabi no Xowie habang nakataas ang isang kamay na akala mo ay sasabak sa gyera.

Natawa ko sa itsura ni Xowie. Muka syang engot. Hahahaha

"Ang panget mo bes. Umayos ka nga. Hahahaha!"

"Aba, walangyang to. Ganda mo ah."

"Che tama na nga! So ano nga gagawin natin kay Darren?"

"Pupuntahan ko sya bukas. Sasabihin ko sakanya na pinalaglag ko na yung bata at makikipaghiwalay na ko."

Eh bakit di nya kaya ipalaglag ng tuluyan para walang mangyaring masama.☆ Hindi ko naman masabi sakanila kasi baka sabunutan nila ko.

"Sige bes. Pero Eve, bakit di mo gawin yung sinasabi ni Darren para walang mangyaring masama sayo." Sabi ni Xowie.

Magkaibigan nga kami.

"Bes, ayoko. Napakalaking kasalanan nun. Handa kong ibigay lahat pati buhay ko para sa anak ko. Matagal na din naman akong nabuhay, gusto ko maranasan naman nilang mabuhay sa mundong to. Gusto ko makita nila kung gano kaganda at kung gano kasaya ang mabuhay. Alam ko na yung pakiramdam ni Mama noon nung pinagbubuntis nya ko. Sinakripisyo ni Mama yung buhay nya para sakin, gusto ko din yun gawin para sa anak ko kung yun din ang mangyayari sakin." π_π

"BES ANO KA BA? WAG KA NGA MAGSALITA NG GANYAN!" Sabi ko.

"Bes, kailangan nating tangapin na mawawala ko." sabi ni Eve.

"Aba, manahimik ka ngang bruha ka. Wag mo ngang pinagiisip yan. Saka bat di ka kasi pumayag magpa opera nun eh. Edi sana hindi ganun kahirap sitwasyon ngayon. Ay Sige, bubuhayin natin yang baby mo at ikaw. Pakatatag ka lang. If you want sa US tayo pumunta para lang maayos yang kalagayan mo."

May sakit kasi sa puso si Eve. Congenital Heart disease yung sakit nya to be specific. Bawal talaga syang magbuntis kasi hindi kakayanin ng puso nya lalo na pagnaglabor na sya. Sabi ng doctor nya noon kailangan nya maoperahan pero dahil high risk yung operation at may chances na hindi din sya gumaling at baka lumala pa, hindi si Eve pumayag. Namatay din yung mama nya sa panganganak sakanya. Wala na rin naman syang ibang kamag-anak dito dahil lahat ay nasa States na. Iniwan naman ng papa nya yung hotel sakanya bago ito mawala ng dahil din sa sakit sa puso. Wala na rin syang grandparents. Kaya si Mama na rin yung tumayong Mama ni Eve. Kaya nga higit sa magkaibigan ang turingan namin eh. Para na talaga kaming magkapatid.

The Unexpected (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon