He poked my side when I did not respond. "You are the only blondie that I want."

"I'm not blonde." Walang tono kong sagot.

"Kind of. Close to. Debatable. Same thing for me."

Nakita ko kaagad sa malayong gilid ng restaurant ang iilang security nila Warayne pagpasok pa lang namin sa loob. Ang kanyang magulang naman ay nakaupo sa bandang gitna sa likurang bahagi.

Nang makalapit ay agad akong hinagkan ni Tita Helen then gave me a cheek to cheek kiss. Nagmano naman ako at bumati kay Tito Leon na malapad na nakangiti sa akin.

Hinanap ko rin sa kanila si Charity, ang nag-iisang kapatid ni Warayne, pero ang sabi ay may event daw itong dinaluhan kaya hindi makakasama sa dinner na ito. I once called her Ate pero ayaw ni Warayne, he said 'Charity' is okay kaya nasanay na ako na pangalan nalang ang tawag ko sa kanyang kapatid kahit alam ko na mas matanda siya sa akin.

May lungkot sa aking mga mata at bahagya pang bumalag ang aking labi pagtingin ko kay Warayne na nasa aking gilid.

I'm sad because her sister is not here. Naghanda pa naman ako ng mga topic na puwede naming mapag-usapan na alam kong makaka-relate siya dahil gusto ko siyang makasundo. Pero mukhang ayaw niya talaga sa akin. Minsan tuloy naiisip ko na hingin ang tulong ni Ate Serene because I know they are friends pero I want to get in her good side on my own effort.

He got what I felt just by looking at me because his hand suddenly held my hand under the table giving it a little squeeze showing comfort. Alam niya na gusto kong makasundo ang kapatid niya kahit ilang beses niya pang sabihin that his mind won't change whatever his sister's opinion is with me.

It's so light to talk to his parents, parang nagkaroon ako ng isang Nanay at Tatay sa kanila. I'm not someone who shares a lot and just say anything but his parents are very comfortable to talk to.

"Are you sure, hija? You know, nagpa-reserve din kami ng room for you baka kasi magbago ang isip mo." Si Tita Helen.

I smiled slightly. I'm thankful that they already consider me as one of them para isama pa ako sa kanilang family vacation abroad. It's a tempting offer but I can wait for when the time is right.

"Why not in my room?" Warayne whispered on my ear.

Pinigilan ko ang aking ngiti and bit my lip dahil baka kung ano ang isipin ng kanyang magulang na nasa aming harapan. I want to kick his foot under the table pero baka ibang paa ang masipa ko kaya hindi ko nalang itinuloy at umarte na parang hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi.

He always makes me flush from his innuendos pero none of it has been done in reality. Noo at kamay ko pa lang ang nahahalikan niya wala ng iba.

Halos isang buwan silang mawawala at pagkatapos na ng bagong taon sila uuwi pabalik dito sa Pilipinas. I will surely miss him dahil nasanay ako na araw-araw siyang nakikita at nakakasama. Unang beses din namin na magcelebrate ng pasko as boyfriend and girlfriend pero unfortunately, we have other plans.

I told him to the just rest at huwag na mag-gym kasabay ko sa araw ng kanilang alis kahit na gabi pa naman ang kanilang flight. Inasar niya pa ako na nagsisimula na raw akong magmukmok dahil mami-niss ko siya.

Digmaan:
Come on, Angel. Don't be like that. I know you'll miss me but let me see you before we go.

Hindi ko napigilan ang mapa-irap. Kakatapos ko lang mag-shower sa gym at hindi pa rin niya ako tinitigalan hanggang ngayon. We already had our dinner last night as our goodbye pero gusto pa rin niya akong puntahan ngayon. Gumising pa siya ng umaga para lang tawagan ako bago ako magpunta ng gym at kulitin but I didn't budge sa kakulitan niya. It's great na nakikinig pa rin siya sa akin and stayed put sa kanilang bahay.

Timid Heart (Eligible Heiress #3)Where stories live. Discover now