Ten

651 33 5
                                    

First kiss

"You can't believe my news for you." Nylton said in the screen.

Magkaskype kami ngayon at kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata nya.

I smiled inwardly pero pinigil ko at nagkunwaring walang pake.

"Hmmm...yeah? What is it?" Tanong ko habang hindi nakatingin dahil abala ako sa pagtutupi ng mga damit.

"Babe, come on. Look at me for a moment. May surprise ako sayo." Sabi nya sa nagsusumamong tinig.

Ang hirap magpigil ng ngiti lalo na ng sinabi nya iyon, sa tagal naming dalawang magkarelasyon. Wala na talagang nakapigil sa kanya na gawing endearment ang babe.

"Ano ba yun?" Sabi ko at nagkunwaring naiirita. Pwede na yata akong pang-Oscar sa acting skills ko. Joke!

Pinigil kong mapakagat sa labi ng makita kong lumungkot ang mukha nya na mabilis nyang inalis.

"Maybe you're busy." Sabi nya na ikinabuntong hininga ko.

"I actually am busy right now. Is it okay if I end this call now?" Nananantyang tanong ko at nakita ko syang napabuntong hininga't napahaplos sa batok.

"Yeah....sure. But I wish you're here for my graduation." Sabi nya na ikinapuppy eyes ko.

"Aww...I'm really sorry babe. May duty ako ng araw na yun, tapos alam mo naman na gipit kami ngayon kaya kulang pa yung pamasahe ko dapat pag-uwi. I'm really sorry. Babawi ako soon okay? I love you!" I said, hihintayin ko dapat syang magpaalam din kaso na-off ko bigla ang tawag sa pag-aasam na masalo yung pile ng damit na natupi ko na at muntik ng mahulog.

Buti na lang napigilan kong malaglag kundi magtutupi na naman ako. Wala pa naman akong oras na dahil alas-dose ng gabi ang flight ko.

Talagang sinadya kong sabihin yun dahil hindi na magiging surprise kapag sinabi ko kay Nylton ang plano ko.

It's his graduation the day after tomorrow at ang alam nya nga ay hindi ako matutuloy sa pag-uwi dahil sa kulang ako ng pamasahe.

I have learned to love Canada but my heart will always go back home. Kaya kahit isang taon pa lang, sinabi ko na kay papa na uuwi na ako. Pumayag naman sya at sinabihan si mama tungkol sa plano namin.

Hindi ko lang makakasabay si papa dahil may duty pa sya sa trabaho pero susunod sya for a two week vacation at babalik din sya dito. Samantalang ako naman ay mananatili na si Pilipinas kasama syempre ng labidabs ko.

Infact alam ko na din ang surprise na sinasabi ni Nylton. Ang magaling kong boyfriend, running for Magna Cum Laude.

Sya na, sya na talaga at kanino ko pa ba mababalitaan iyon kundi sa nanay ko na mas mabilis pa sa cargo shipments sa paghahatid ng balita sa amin.

Alam kong nagtatampo si Nylton dahil nito ngang nakaraan ay abala ako sa paghahanda ng surprise ko sa kanya. Kinuntsaba ko na si Precy, si Kuya Ton, si Tita Nellie at si Indoy pati na rin ang nanay ko para sa sorpresa ko sa kanya dahil dapat nga bongga. Hindi lang kasi graduation nya ang ise-celebrate namin kundi pati na rin ang 2nd year anniversary naming dalawa. Sino nga bang mag-aakala na tatagal kami ng dalawang taon bilang magboyfriend-girlfriend.

Pero baka pansamantalang nakabawi naman ang pagtawag ko sa kanya ng 'babe' kanina dahil madalang lang kung tawagin ko sya nun kasi nga hindi pa rin ako ganoon kasanay.

Mas gusto ko kapag sa pangalan nya sya ko tinatawag kasi mas love ko naman ang pangalan nya kesa sa ano pa mang endearment.

"Ready-ing ready ka na ah? Atat ka na talagang iwan ang papa mo." Sabi ni papa na ikinaangat ko ng tingin.

Mia and Her List to Become Pretty [COMPLETE]Where stories live. Discover now