One

928 30 1
                                    

Oplan Itik to Swan!

"Kasalanan mo'tong lecheng haliparot na maharot na lalaki ka! Bwisit! Pakuha ka na sa mga tiga-Mars!" sigaw ko kay Nylton na humagalpak lang ng tawa sa harapan ko. Inismiran ko lang sya at isinaksak na lang ang susi sa motor ko.

Akmang paandarin ko na at iiwan na sana sya pero mabilis nya akong nahabol at muntik pa kaming ma-out of balance ng naupo sya bigla sa likod. Wala na akong nagawa kundi paandarin na lang papunta sa lecheng gym.

Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko kay kuya. Inakala talaga ng mga magulang ko na tomboy ako kahit alam kong babaeng-babae ako------well, hindi ako mukha at kilos babae, pero babae ako!

Nasaktan lang ako ng kaunti sa part na wala man lang silang maibigay na kaunting paniniwala sa akin. Sinabi na ngang babae ako eh, porke ba hindi ako slim, makinis, mahaba ang buhok, mahilig sa action movies at soccer games eh tomboy na agad? Bastusan lang?

Alam kong hindi ako kasing ganda ni Precy, hindi ako kasing charming at gandang lalaki ni Kuya Ton pero babae ako.

BA BA E, GIRL, DILAG AT HIGIT SA LAHAT, MAY VAGINA!

"Nakakainis! Nakakainis! Sabihin mo nga, bakit kailangan akong hanapan ng boyfriend? Babae nga ako eh, leche ka kasi, sinumbong-sumbong mo pa ako kay mama, mas lalo tuloy syang naniwala na tomboy ako kahit hindi naman! Pati mga kapitbahay namin mga chismoso, biruin mo, ni-lilink ba naman ako kay Peachay at syota ko daw yun? Nakng--, papatol na lang ako sa bading kesa sa chakang yun noh!" angal ko habang abala sa manibela ng motor. 

Si Peachay ay ang last muse ng barangay namin sa paliga, maliit na babae lang, singkit pero malaki ang boobs. Sya yung tipo ng babae na gandang-ganda sa sarili kahit alam mo na, kahit hindi naman talaga sya maganda. Masama na kung masama, pero nakakainsulto ng slight na nili-link ako sa tinaguriang clown ng barangay. 

Oo hindi ako maganda, hindi ako sexy pero kung sakali, kung sakali lang naman ah, kung sakaling tomboy nga ako, hindi ko din sya papatulan.

"Aba, malay ko bang seseryosohin ni tita yung sinabi ko. Pero baka naman bet mo si Peachay, gusto mo set kita ng date?" pang-aasar ng magaling na Nylton at kung hindi ko lang hawak ang manibela baka nasapok ko na sya. 

Pagkapark ko ng motor sa tapat ng gym na pagmamay-ari nina Nylton ay bumaba ako't inalis ang helmet saka ipinukpok sa ulo nya.

"Aray! Masakit yun ah!" angal nya na inirapan ko lang at nauna ng pumasok sa gym nila.

Napabuntong hininga na lang ako nang pagkapasok ko sa mismong tila dance studio na nilagyan ng mga gym equipments ay nandoon ang buong pamilya ko.

"Really? Kailangan full force?" poker faced na tanong ko sa pamilya ko, lahat sila naka-gym clothes, bakasyon namin ni Precy sa school, si mama na dakilang housewife ay iniwan ang kanyang labada, habang day-off naman ni kuya sa trabaho.

"Welcome! Welcome baby girl! Mabuti naman at naisipan mo ng magbagong-buhay." bati ng nanay ni Nylton na fit na fit pa rin kahit nasa 40s na. 

Sya ang may-ari ng gym at ang nagmamanage nito. Mabenta ang gym ni Tita Nelly, tipong talagang dinadayo kasi malawak at maganda. Malilinis pati ang mga equipment at hindi amoy pawis o kaya ay kinulob na basang medyas kasi pinangpaparusa nya kay Nylton ang paglilinis kapag may kasalanan ang anak nya. 

Single mother sya, kasi ang tatay ni Nylton na Amerikano na nakilala nya noong nagtatrabaho sya sa may Clark bilang dance instructor sa mga dancers sa mga club ay iniwan sya pagkapasok nito sa kweba. Eh nagbunga, lumabas sa mundo si Nylton Oliver Fernandez, pero kahit ganoon nakakatuwa si Tita Nelly kasi tinaguyod nyang mag-isa ang NAPAKA nyang anak. 

Mia and Her List to Become Pretty [COMPLETE]Where stories live. Discover now