Two

774 27 3
                                    

#1 Be Fit!

"Bakit nga ba ako pumayag na gawin to?" hinihingal na tanong ko kay Nylton na nakasandal sa hawakan ng treadmill. Kaming dalawa lang ang nandito kasama ang iba pang mga naggi-gym din.

First day namin ito sa listahan, ang magpapayat. Pero lintek na first day yan, akala ko sunud-sunod naming gagawin, kaso ang nanay ko nagpasama kay Tita Nelly sa mall para bumili ng kung anu-anong pang-skin care kaya kagabi pa lang kung anu-ano na ang pinaglalalagay nila sa mukha ko. Ang mga dapat kong gawin at ipahid bago matulog at sa pagkagising pati sa paliligo.

Kung ito ang isang gawain para maging babae, sige na, tomboy na kung tomboy. Kaso ano namang say ko dito? Wala, alangan namang umatras pa ako eh nasimulan na, sayang ang paghihintay ko ng twenty minutes bago makakain ng huling slice ko ng cake dahil sa lintek na face mask na yun kung aatras pa ako.

Hindi naman ako matabang-mataba, saktong taba lang naman pero yung taba ko yata ang dahilan kung bakit ako mainly nababansagang tambay sa kusina.

Nababalance lang ng height ko ang BMI ko kaya categorized as normal pa rin ako, pero mataba pa rin ako. Leche, ang gulo ko, chubby, chubby na lang.


"I don't know." kibit balikat na sagot ni Nylton. Nginitian ko sya ng may halong sarkasmo.


"Salamat sa napakaganda mong sagot. Ang saya mo talagang kausap." sabi ko habang natakbo. May in-assign sa akin si Tita Nelly na gym instructor, kumonsulta din kami sa isang nutritionist para sa diet plan ko daw, kaibigan ni Tita Nelly yung kinausap namin kaya nakalibre na kami sa professional fee. Ang estimate nilang papayat ako kapag talagang sinunod ko ang mga payo nila ay within three weeks. 

Di ako naniniwala, malay ko ba sa ganun, kain lang naman ng kain ang alam ko.

Nakita kong may sinenyas si Indoy kay Nylton at muntik pa akong madapa nang ihinto nya ang treadmill.


"Sa elliptical bike ka naman daw." sabi ni Nylton kaya sumunod na lang ako.


"Hindi pa ba tayo matatapos dito?" angal ko.


"Nope, sa lahat ng nasa listahan nila mama, ito ang pinakasinasangayunan ko. Your eating habit is not healthy anymore kaya tama lang to. It's for your own good, I want you to be healthy, because the healthier you are the longer you'll live. The longer you'll be with m-----" naputol ang sasabihin nya ng biglang sumulpot si Indoy sa pagitan namin.


"Ano na be? Start ka na. Go go go!" napabuntong hininga na lang ako at sumunod kay Indoy. Napalabi ako't tumingin kay Nylton ng nagmamakaawa pero ngumiti lang sya at naiiling na inilagay ang maliit na towel na hawak nya sa balikat saka tumalikod.


Ang sama ng hinayupak.

~~


"Tara na, alis na tayo." pagyaya ko sa kanila pagkadating ko sa sala namin.


"My gosh!!!! Ano yan???!!!" hysterical na tanong ni Precy pagkakita sa akin. Itinuro nya pa ang kabuuan ko gamit ang hawak nyang pamaypay at tinignan na parang ang weird ko.


"Uhhh...damit?" hindi ko siguradong tanong. Hindi naman ako nakahubad, anong problema ng kulangot na'to?


"Bumalik ka nga sa kwarto mo, magpants ka, bakit ba ang pangit ng style mo ate? Hindi ka ba maalam ng salitang fashion?" sabi nya na ikinainis ko.

Mia and Her List to Become Pretty [COMPLETE]Where stories live. Discover now