Six

652 24 0
                                    

#5 Be in a Relationship

"Huy, Nylton....."

"Uy! Oliver!" 

"Hoy! Fernandez!" 

"Ano ba!" iritang sigaw ko na dahilan para mapahinto sya sa paglalakad. Pero nagpatuloy din sya ulit kaya kaagad akong humabol sa kanya papuntang parking lot.

"Ba't ang sungit mo? Ilang araw na yan ah? Meron ka ba?" takang tanong ko kaya nakatanggap ako ng masamang tingin.

"What? Kanina ka pa kaya nagsusungit." inosente kong sagot.

"Sakay." sabi nya lang na ikinanganga ko.

"Wow! Kung makautos, motor mo? Motor mo?" pambabara ko pero hindi nya lang talaga ko pinansin at akmang paandarin na ang motor kaya dali-dali akong naupo at isinuot ang helmet saka nya lang pinaandar na ng tuluyan.

Infairness naman, sa nakaraang mga araw, nasanay na akong maupo ng patagilid. Kumapit na lang ako sa may bewang ni Nylton pero ang loko, may regla ata talaga kahit imposible yun.

"Ba't dyan ka nakakapit? Sa likurang handle ka humawak." masungit nyang utos na ikinaikot ng mga mata ko.

"Ano bang problema mong kumag ka ha? Tatlong araw ka ng nagsusungit. Wala naman akong matandaan na may nangyari sayong nakakainis. Balita ko pa nga kay Tita Nelly na napili yung design mo para ilaban sa art and design contest." sabi ko at isinandal ko na ang baba ko sa may balikat nya at hindi ko inalis ang kamay ko sa may bewang nya tulad ng inutos nya.

May dalaw lang yan, kailangan lang ng kaunting lambing. Speaking of art and design contest, hindi man halata kay Nylton pero nasabi ko bang Architecture student sya? Fourth year na rin sya at isang taon pa bago sya makagraduate, matalino din naman kasi sya kaya regular student ang lolo mo. Sya na, sya ang pinagpala! 

"Huy, wag ka ng masungit. Papangit ka nyan, di ka na papansinin nung mga tao sa school." parang bata na pagkausap ko sa kanya.

Hindi ko alam kung anong meron kay Nylton nitong nakaraang mga araw, masyadong malalim ang mga iniisip, palagi ding aburido at hindi ko alam kung bakit, syempre bilang kaibigan nya, gusto ko ring pagaanin ang pakiramdam nya. Kahit hindi ko talaga alam kung anong bumabagabag sa isip nya.

"Atensyon mo lang naman ang gusto ko." 

May sinabi sya eh, kaso bigla nyang binilisan ang pagpapatakbo nung motor kasabay ng pagbuhos ng ulan.

Lintek na yan! Anong--! BIgla-bigla naman tong ulan na 'to!

"Anong sabi mo? Nevermind, bilisan mo dali! Nababasa tayo! Ay! Mali! Dahan-dahan pala kasi baka maaksidente tayo!" sigaw ko sa ilalim ng malakas na ulan. Ang gulo ko. Leche.

"Ano ba talagang gagawin ko ha??!" sigaw nya din pabalik dahil hindi kami magkarinigan sa ingay ng paligid.

"Galit ka ba?? Kumalma ka nga! Magdahan-dahan ka na, tutal basa na naman na tayo!" Sabi ko na lang saka lumayo na sa kanya at akmang aalisin ko na ang braso kong nakayakap sa bewang nya ng pigilan nya ako.

"Wag kang bibitaw. Ayokong mahulog ka sa iba." 

May sinabi sya, sure ako don, kaso di ko narinig at iritang pinunasan ko ang mukha ko gamit ang isang libreng kamay saka lumapit sa may tenga nya katulad ng posisyon ko kanina.

"Anong sabi mo???" tanong ko pero umiling lang sya at mas nagpokus na sa pagmamaneho.

Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan na lang na mabasa kaming dalawa hanggang sa makauwi.

Pagkauwi namin mukha kaming basang sisiw. Piniga-piga ko pa yung palda ko pero ramdam kong pati panty at bra ko basa na rin sa lakas ng ulan. Sana lang wag kaming magkasakit ni Nylton parehas, bakit kasi sa lahat ng makakalimutan ko yung payong pa talaga. Pero sabagay, kahit naman may payong ako sa bag hindi ko yun ilalabas kasi takot akong mabasa. Mukhang tanga lang no? Nagdala ng payong pero hindi gagamitin, hassle kasi kapag basa na at hawak-hawak ko pa.

Mia and Her List to Become Pretty [COMPLETE]Where stories live. Discover now