Three

707 22 4
                                    

#2 Be Flawless

"Yung sabon na binili ko, ginagamit mo ba? Proven and effective yon sabi ng Tita Nelly mo. Facial wash wag mong kakalimutan bago ka matulog. Tapos mag-alot ka ng oras para sa face mask kasi hindi mo pwedeng kaligtaan yon." Paalala ni mama habang nagsisipilyo ako sa tapat ng sink at nasa may pintuan sya ng banyo namin dito sa second floor ng bahay.

"Gsisnamgajdi ko mwa." Sabi ko kahit puno pa ng bula ang bibig ko na ikinailing-iling ni mama.

"Tapusin mo muna yan bago ka magsalita. Itong batang to o-oh." Sabi nya kaya bumuga muna ako at nagmumog bago sya hinarap ulit.

"Ginagamit ko na po ma." Sabi ko saka nauna ng umalis ng banyo.

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula ng gawin namin ito, namamangha na lang ako kapag nakikita ko ang sarili ko sa salamin. Dahil mahihigpit ang mga bantay ko, nagawa kong makapagbawas ng kilo. From 60kg to 56 kg, dahil kahit papaano nasanay na naman na ang katawan ko sa ginagawa kong diet at exercise, kutis at pores ko naman ang mas pinagtutuunan nila ng pansin ngayon.

"Saan ka pupunta Mikaela? Kailangan mong matulog ng maaga, paano ka kikinis at makakahanap ng boyfriend nyan?" Tanong ni mama. Nakita nya kasi akong lalabas ng bintana, eh nakapajama at sweatshirt na ako.

"Sa puno ma." Sabi ko ng hindi nakatingin at mukha namang nagets na nya kung sinong kakausapin ko.

Kung dati pahirapan sa akin ang pag-akyat sa bintanang to dahil hindi ko maitaas kaagad ang isang paa ko para makaakyat, ngayon infairness dahil gumaan-gaan ako, nagagawa ko na ng mabilis.

Magkatabing bahay kami nina Nylton, sa bakanteng lote sa tabi namin naisipan magpatayo ng bahay ni Tita Nelly noong bumenta ang gym nya at magkaipon.

May isang malaking puno sa pagitan ng mga bahay namin na ang nagtanim ay kami nina papa, kuya, Nylton at ako. Noong mga panahong wala pa si Precy at ako pa lang ang bunso ng pamilya.

Malaki na yung puno at matataba na ang mga sanga kaya pwedeng-pwedeng upuan. Nang makarating ako sa gitnang parte ng puno na syang may pinakamakapal na sanga ay naupo ako doon at hinayaan kong nakalambitin ang mga paa ko.

Maayos ang pagkakaupo ko at komportable dahil nilagyan to ni Nylton ng lapat na extrang kahoy nang minsang gumawa sya ng cabinet para sa gym nila.

Sakto at maganda ang langit ngayon, maraming bituin at may isang nagtatagong buwan.

Natutuwa pa ako dahil mukha akong gumagawa ng music video nang makarinig ako ng kaluskos. Pagtingin ko sa kaliwa ko, papunta na sa direksyon ko si Nylton.

"Yo" bati ko sa kanya na ikinangiti nya.

Hindi na ako magtataka kung bakit marami ang nahuhumaling sa half-kano half-unggoy na to. Marami ang nagsasabi na maganda daw combination ng lahi ang Asian at Western. Hindi ako naniniwala dun kasi lahat naman ng mga tao maganda sa kanya-kanya nilang pamamaraan, lahat ng lahi may maipagmamalaki. Pero ayan, dahil isa sya sa bunga ng dalawang lahi na iyon, feeling ko gising na gising din sya nung nagsabog ng kagandahan.

Matangos ang ilong ni Nylton, mapupungay na mga mata, natural na mapupulang labi. Mahahaba din ang pilikmata, kaya pag binihisan mo sya ng pambabae, mas mukha pa syang babae sa akin.

Dati crush ko sya, lahat naman ata ng magbestfriend dumaan sa point na hindi na lang basta kaibigan ang tingin mo sa kanya. Pero eventually, nawala din yun, kasi alam ko naman na hindi ako yung tipo nya ng babae.

Mas may babagay sa kanya na iba, yung mas maganda, mas makinis, mas sexy.

Saka di sya naliligo kaya wag na lang. Hahaha. Biro lang.

Mia and Her List to Become Pretty [COMPLETE]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें