Nine

668 26 3
                                    

#6 Be Happy

Naiilang ako sa uri ng pagtingin ng mga kapwa namin estudyante sa school. Hindi maiwasan ng iba sa kanila na mag-angat ng kilay habang nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Nylton habang naglalakad kami sa gitna ng hallway ng building namin.

"Ba't ka nakayuko?" tanong nya na ikina-angat ko ng tingin mula sa pagkakatingin ko sa magkahawak naming mga kamay.

"Ha? Ano...wala. Pinagtitinginan kasi tayo." bulong ko sa huling parte ng sinabi ko.

Nakita ko syang ngumiti at saka pinisil ang isa kong pisngi gamit ang libre nyang kamay.

"Ang cute mo talaga." sabi nya na ikinasimangot ko naman.

"Ang cute ng girlfriend ko no?" sabi nya sa lalaking nadaanan namin, na ikinarinig ko ng pagsinghap ng iba.

OA lang pero hindi ko naman sila masisisi, kabilang si Nylton doon sa ginawang website ng isang secret org ng campus kung saan puro chismis ang laman tungkol sa mga available, jowable, papable at smart young male and female species sa campus. Dati pa ang website na iyon, second year pa at ni minsan yata hindi natanggal doon si Nylton na wala namang pakielam ang huli. Tapos mamukat-mukat mo, inanunsyo nya lang ng slight na may girlfriend na sya.

For sure kakalat na din kaagad ang tsimis na yun.

Pero kahit naman hindi nya sabihin iyon, talaga namang mapapatingin sila sa amin dahil bitbit ni Nylton ang backpack kong naghuhumiyaw sa pagka-pastel pink dahil sa nanay ko, hawak nya ang kamay ko na suot ang couple bracelet na binigay nya sa akin noong gabi din na nagkaaminan kami ng feelings sa isa't-isa.

"Akin na yan. Pumasok ka na." sabi ko na lang saka kinuha ang bag ko at bumitaw sa pagkakahawak ng kamay nya.

"Ba't ka bumitaw?" nakasimangot na sabi nya.

"Ang clingy mo Nylton, masasapak kita. Wag ka nga!" sabi ko, hindi ko na matiis eh. Alam mo yung hindi ka pa sanay sa isang bagay pero kinikilig ka rin at the same time?

Kaya wala kang choice kundi magsungit na lang para hindi masyadong halata.

Narinig ko syang natawa saka lumapit sa akin at hinawakan ang buhok ko. Doon mismo sa tapat ng classroom namin hinalikan nya ako sa noo na ikinatanggap ko ng hiyawan at pang-aasar sa mga kaklase ko. Nang humiwalay sya, nakita ko doon ang naaaliw nyang ngiti na ikinaikot ng mga mata ko.

"Yown! Lumalablyp na si Mika!" hiyaw ng isa sa mga nasa loob na hindi ko na lang pinansin muna kahit nahihiya ako. Tinignan ko si Nylton at nakita ko syang may ngiti sa labi nya.

"Sungit mo, meron ka ba? Sunduin kita mamaya, wag mo'kong masyadong ma-mimiss." sabi nya at nagkunwari akong naduwak sa sinabi nya na tinawanan lang nya saka kumaway at umalis.

Napangiti na lang ako at naiiling na pumasok na ulit sa loob. Ibang klase talaga, biruin mo, hindi nya pinatapos ang gabi na hindi nalalaman ng mga nanay namin ang tungkol sa aming dalawa. Habang nagtitilian ang nanay ko at nanay nya, seryoso nya namang kinakausap sa skype si papa at si kuya na nandoon din ng mga panahong iyon.

Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga pinagusapan nila dahil ang nanay ko kung anu-anong pinagtatanong. Kung pano daw kami nagkaaminan, kung nagkiss na daw ba kami, kung hindi na daw virgin lips ko. 

Nakng--! Muntik na akong mapamura kaso nandoon si Kuya Ton. Akalain mong sa nanay ko pa narinig yun??

Hindi halatang botong-boto sila kay Nylton, hindi talaga. Tsk.

~~

"Babe?"

"Tumigil ka Nylton."

"Sweetheart?"

Mia and Her List to Become Pretty [COMPLETE]Where stories live. Discover now