Seven

587 21 1
                                    

Lost

Dahil wednesday ngayon, ibig sabihin ay wash day. Well sa school. Kaya department shirt ang suot dapat. Nirepair na lang ng nanay ko ang polo shirt ko na may tatak ng college namin at ng school kaya medyo hindi na maluwag.

Nagpantalon na lang ako ng puti saka doll shoes na bigay ni Kuya Ton noong sweldo nya. Tig-isa kami ni Precy na binilhan nya habang ang nanay ko ay cash na lang daw nang papiliin sya ni Kuya.

Wais din ng nanay ko eh.

Pero kaya Wednesday na ang paborito kong araw kasi hindi ako nakapalda at malaya akong makakapagmaneho ng motor.

Nagha-hum pa ako habang inilalabas ang motor ng saktong magbukas ang gate ng katabing bahay namin at lumabas doon si Nylton.

Nagkatinginan kami pero sya ang agad na nag-iwas ng tingin, nagulat pa ako ng magsimula syang maglakad palayo.

"O-oy! Te-teka!" Sabi ko pero parang wala lang syang narinig kaya mabilis na sumakay ako sa motor ko at sinabayan sya sa paglalakad nya.

Mabagal lang ang patakbo ko sapat na para masabayan sya.

"Huy, anong problema? Di ka sasabay?" Takang tanong ko pero wala akong narinig na sagot.

Nice. Bingi na pala sya ngayon.

"Psh. Sasabayan na lang kita. Ikaw din, ako wala akong pake kung malate ako ngayon." Sabi ko habang pinapatakbo pa rin ang motor ng magabal.

Akala ko hanggang mamaya pa sya tatahimik eh, kaso bigla akong napapreno nang magsalita sya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nanliligaw na pala sayo si Harold?"

Mukha na yata akong kwago dahil nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kanya.


"Sinabi nya sayo?" hindi makapaniwalang tanong ko.


"Oo, bakit------"


"Sakin hindi nya sinabi eh--ANONG NILILIGAWAN AKO NI HAROLD LUTANG KA BA???? KELAN PA???" iritang tanong ko sa kanya. 

Nakakainis, ngayon na nga lang nya ako ulit papansinin matapos ang dalawang araw na pag-ignore nya sa akin tapos walang katuturang chismis pa ang lalabas sa lips nyang cute.

Ay londeee~

Puno ng pagtataka ang mukha nya habang nakatingin sa akin, kala nya kinagwapo nya yon?

OO! Joke! Hindi! Hindi ang sagot ko! Leche.


"Nakita ko kagabi si tita nang maglabas sya ng basura. Tuwang-tuwa sya kasi daw may manliligaw ka na." sabi nya at tama ba ang naririnig ko sa boses nya ang tampo?


"Oh ano naman ngayon kung may manliligaw nga ako? Bawal?" pagtataray ko. Hindi ko pa rin sya bati sa pagiging snob nya ng dalawang araw simula noong umuwi kami ng sabay at nagmoment "kuno" sa ilalim ng ulan.


Mukha namang natigilan sya at imbes na sumagot, frustrated na napahilamos na lang sya sa mukha at ginulo ang buhok. Imbes na pumangit, lalo lang syang gumwapo. Pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya yun. 

"Wala, just...just don't say yes yet. Let's go." sabi nya at akmang lalapit sa motor ko pero itinukod ko ang kanang paa sa lupa para maiiwas sa kanya pakanan ang motor ko.

Mia and Her List to Become Pretty [COMPLETE]Where stories live. Discover now