CHAPTER 1

276 7 6
                                    

LLANDER'S POV

Nagising ako na may humihimas sa dibdib ko. Kahit antok na antok pa ay pinilit kong minulat ang mga mata ko at sumilay saakin ang isang babae.

Tinanggal ko ang braso ko na ginawa nyang unan.

"Sino ka!?"

Ngumiti ito saakin at sumiksik muli sa tabi ko at niyakap ako.

"Did you forgot what we did last night?" Malanding sabi ng babae saka pinagapang nya ulit ang mga daliri nya sa hubad kong katawan.

Hinawakan ko ang kamay nya at tinanggal saka ako bumangon. Masakit pa yung ulo ko dahil sa hang over.

Kinuha ko yung damit ko saka nagbihis.

"Umalis ka na." Cold na sabi ko sa babaeng naikama ko kagabi at hindi ko alam kung ano ang pangalan nya. Hindi ko matandaan kung paano ko sya nadala dito sa bahay.

Ang tanging alam ko lang nasa bar kami kagabi at nagsicelebrate ng birthday ko.

Tumayo naman ang babae saka yumakap sa leeg ko saka nya ako hinalikan pagkatapos ngumisi.

"Nabitin ka ba kagabi pwedi naman nating--" pabitin nya sa sasabihin nya saka dinapo yung hintuturo nya sa labi ko at pinagapang pababa sa leeg ko hanggang sa dibdib ko. "Ituloy ngayon." Mapang akit nitong sabi.

Tinignan ko naman sya, maganda sya at sexy. Unti inti nyang nilalapit ang mukha nya saakin ng biglang bumukas ang pinto.
Niluwa noon ang umuusok ang ilong na si Bianca.

"Anong ginagawa mo sa boyfriend kong haliparot ka!" - Bianca

Dali dali syang lumapit saamin saka hinablot nya ang buhok ng babae.

"Aray! Walangya ka! Bitawan mo ako." Inda ng babae na pilit na pinipigilan si Bianca.

"Napakalandi mo!" - Bianca

Sinabunutan nya ang babae hanggang sa mangudngud na ito sa sahig.

"Hay!" - Llander.

Tumayo ako at hinayaan silang dalawa na magpatayan. Wala akong pakialam sa kanilang dalawa.

"Llander tulungan mo ako dito.!" Sigaw pa ng babae pero hindi ko na sya pinansin at nagtuloy ako sa banyo.

Naghilamos ako ng mukha pagkatapos tinignan ko yung sarili ko sa salamin at pinilit na inaalala ang kagabi.

FLASHBACK

Tugs ! Tugs! Tugs! (Maingay na Tunog ng disco music)

"Happy birthday Dude!!" Sigaw nina Carlo at Enzo habang nasa gitna kami ng dance floor at tangan tangan ang bote ng alak na tila wala na kami sa sarili dahil sa kalasingan.

Sigawan,sayawan at Harutan nina carlo at Enzo kasama ang mga babae nila na nagmamake out sa gitna ng dance floor. Habang nagpapakalunod ako sa alak biglang may lumapit na babae saakin. Sexy sya at maganda at mapang akit ang ngiting ibinigay nya saakin. Nginisian ko naman sya at wala sa sarili sinunggaban ko sya ng halik.

Gumanti naman ito ng halik na tila nagugustuhan pa ang ginagawa ko sakanya dahil napapaungol pa ito tuwing pinapalalim ko ang halik.

"Hmmm. Wait." Awat nito saakin.

Tumigil naman ako sa ginagawa ko sakanya at tinignan ko sya.

"Bring me somewhere." Mapang akit na sabi nito saakin.

Nginisian ko naman sya pagkatapos ininom ko ang natitirang alak sa baso ko saka ko sya inakbayan.

"Come on."

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon