She give me a smirked pagkatapos lumakad na kami palabas ng bar.

END OF FLASHBACK

Napahilamos akong muli dahil sa naalala ko. Tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin at tinignan ko ang suot kong kwintas at nakaramdam ako ng guilt at hindi ko alam kung bakit.

Hinawakan ko ang angel na pendant ng kwintas. Hindi ko alam kung kanino galing to at kung bakit hindi ko magawa itong itapon. Mula bata ako suot suot ko na to mula pagkagising ko sa hospital.

Napailing nalang ako at pinasok kong muli ang kwintas sa loob ng damit ko at nagpunas ng mukha pagkatapos lumabas na ako ng CR.

Naabutan ko naman si Bianca na nakaupo sa kama ko at masama ang tingin na pinipukol saakin.

Si Bianca ang babaeng habol ng habol saakin kahit ilang beses ko ng sinasabi sakanya na wala akong nararamdaman para sakanya. Isa din syang anak ng mayamang businessman at may pagka spoiled brat.

Tumayo ito sa kama at lumapit saakin.

"What did you do?! Nakipagtalik ka doon sa pokpok na yun.?!" - Bianca.

"Pwedi ba umalis ka na." -Llander

Nilagpasan ko sya at kinuha ang robe ko at sinuot.

"No! Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi na hindi ka nakipagsex sakanya. Walang nangyari sainyo diba!?"-

Tumatalak sya mula sa likuran ko na ikinairita ko. Hinarap ko sya at hinawakan ng mariin ang braso nya.

"Alam mo kung ano ang pinakaayoko sa lahat?" Napangiwi sya siguro sa higpit ng pagkakahawak ko sakanya.

"Yung pinapakialaman ako. "

I grabbed her arms saka ko sya kinaladkad palabas ng room ko.

"Umalis ka na!" Singhal ko sakanya sabay sara ko ng malakas ng pinto.

Bumuntong hininga ako ng malalim pagkatapos tinungo ko yung bintana at tumanaw sa labas. Madilim sa labas dahil umuulan. Pinagmasdan ko ang patak ng ulan na bumabagsak at hindi ko maiwasan wag isipin ang nakaraan.

FLASHBACK

"Mommy! Daddy!"

Umiiyak ako habang tinatawag ang pangalan nila at patuloy na ginigising ang mga duguan nilang katawan.

Kita ko ang umuusok na sasakyan at mga taong nagrerescue saamin.

"Mommy! Daddy! Gumising kayo!"

Patuloy ko sa pag iyak habang tumutulo ang dugo mula sa ulo ko dahilan na rin sa ulan kaya napuno ng dugo ang kalsada kung saan naganap ang aksidente na sangkot ang pamilya ko.

"Tama na Llander!"

Sabay hablot saakin ni Mr. Lee at inalayo ako kina mommy at daddy. Tuluyan kinuha sina mommy at daddy ng rescuer at sinakay sa stretcher. Iniharap ako ni Mr. Lee sakanya at lumuhod para magkapantay kami.

"Wala na ang mommy at daddy mo." Saad nya.

"Hindi totoo yan! Buhay pa ang mommy at daddy ko! Hindi totoo yan! Sinungaling ka!"- Llander

Patuloy akong umiyak habang patuloy
naman ang pagpatak ng ulan.

"Hindi totoo yan! Hindi totoo yan! Huhuhuhu."

Bigla nalang nya ako niyakap at sa mga balikat nya ako umiyak ng umiyak.

END OF FLASHBACK

Nang dahil sa aksidenteng yun nawalan ako ng mga magulang. Sana nga sinama nalang nila ako sa pag alis nila kesa buhay ako pero parang wala namang kwenta ang buhay ko. Sa loob ng sampung taon namuhay na ako ng mag isa dito sa malaking bahay na to kasama ang mga body guards at maid.

Pagkatapos ng insidenteng yun hindi ko na naranasan pa ang maging masaya. Nabalot ang puso ko ng kalungkutan at pighati at wala akong ibang sinisi kundi ang diyos kung bakit nangyari saakin yun.

Isinara ko ng muli ang kurtina saka bumaba ng kwarto at tumungo ng dining area at naupo sa mahabang mesa.

Agad naman ako pinagsilbihan ng mga maids ng makakain. Sa loob ng sampung taon hindi ko na naranasan pa ang may makasabay sa pagkain dito sa mahabang mesa.

Nagsimula ako sa pagkain pero ilang saglit lang napatigil ako sa pagnguya. Pabagsak kong nilapag ang kutsara at tinidor sa mesa ng wala akong nalasahan sa pagkain ko.

"Sino ang nagluto nito?!"

Galit na tingin ang pinukol ko sa mga maids.

"A-ko p-o." Nanginginig na sabi ng isang kasambahay habang nakayuko.

"Bakit walang lasa tong pagkain ko?!" - Llander

"Kasi po sabi ni Mr. Lee wag daw po masyadong lagyan ng pampalasa dahil po baka makasama sainyo."- maid.

"Bakit sya ba ang kakain?! Ang simple ng trabaho mo hindi mo magawa!" - Llander

"Pasensya na po. Magluluto nalang po ako ng panibago." - Maid

"Hindi na! Kunin mo na yang last na sahod mo at lumayas ka na!" -Llander.

Nawalan na ako ng ganang kumain at sino naman ang gaganahan kumain sa lintik na lasa ng pagkain. Kaya padabog akong tumayo para bumalik nalang sa kwarto ko.

"Young master." Harang saakin ng isang body guard saka yumuko.

"Ano?!" Singhal ko dito.

"Pinapatawag po kayo ni Mr. Lee." - Body Guard.

Napatiim bagang nalang ako. Ano nanaman ang kailangan ng matandang yun.

Nilagpasan ko ang body guard at tumungo muli ng kwarto ko para makapagbihis.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Where stories live. Discover now