Chapter 2: The Groups

Start from the beginning
                                    

Masyado silang high maintenance. Feeling nila mahal at hinahangaan sila ng lahat, but what they don't know is that they're hated. Loved and hated at the same time. Weird.

Puro pagpapaganda at kaartehan lang ang alam nila. Ayaw magsibasa ng libro. At speaking of kaartehan, I just saw Piper's nail polish. "Eww. Duh." is the best description for her nail polish using their language.

To sum it all, they are just a group of people who knows nothing besides fashion, boys, veggies, wealth and of course, popularity. They are led by the most high maintenance of them all.. Piper. My cousin. Ugh.

Nakapila na kami ng grupo ko para pumili ng pagkain nang biglang may pumasok na isang grupo na sobrang ingay. Naghihiyawan sila na akala mo nanalo sa isang game o ano. Nang mapatingin sa gawi namin ang leader nila ay napairap na lang ako. Bwisit.

"Of course. Sino pa nga ba? Jocks." Irap ng kagrupo ko.

"More like jerks."

Group No. 2. The Jocks. Group of athletes. Walang alam kundi sports. Cafeteria, gym, field or kahit saang lugar na pwede nilang pagpractice-an ng sports lang ang alam nila. Basketball, baseball, football, swimming, at volleyball ang expertise nila.

Mostly sa kanila, aminado naman kaming gwapo at makalaglag panga ang itsyura kaya lang wala rin naman sense'yun. What's a pretty face if that's all you've got?

They are a bunch of arrogant boys who think they're better than anybody else. Aside from their athletic skills and pretty face, wala na silang ibubuga. Nagkalaman nga ang abs, biceps, triceps at likod nila pero nakalimutan naman 'yung sa utak nila. Kaya ayan, blangko. Walang kalaman laman. Puro hangin lang ata. Pasimuno pa ang leader nilang kung makaasta akala mo sobrang galing e kapag nilabas mo naman sa court wala na.

Conceited masyado. Akala nila tinitingala sila ng lahat. Akala nila gusto sila ng lahat ng kababaihan at kinaiinggitan ng mga kalalakihan. Asa pa sila. At syempre, ang leader ng grupong ito ay walang iba kundi si Warren.

"Bakit ba nag-eenroll pa ang mga 'yan hindi naman mga nag-aaral?"

"Exactly my thoughts!”

Bakit nga kaya? Tanungin ko kaya one time sila Tita Yannie? Huwag na nga lang. Baka mapagalitan pa ako ni mama.

Naghanap kami ng mauupuan ng kasama ko at nang makahanap na kami ay saka ko lang narealize na ang nasa harap, nasa gilid at nasa likod naming table ay puro mga occupied ng isa pang grupo.

Group No. 3. The Ordinaries. Sa lahat ng grupo, sila lang ang kahit papaano ay nasisikmura ko. Sila ‘yung grupo ng halo-halong estudyante. Kapag hindi kasi pumasok sa ibang grupo ang isang estudyante, paniguradong sa ordinaries ang bagsak niya. Kasi sa grupong ‘yun wala naman silang pinipili.

Ang mga nasa grupo ng Ordinaries ‘yung mga estudyante na masasayahin, walang arte, hindi masyadong pinagpala sa sports, walang masyadong angst sa buhay at hindi masyadong pinagpala ang utak. They are commonly known as the “tapunan ng rejects”. Once kasi hindi pumasok sa criteria na hanap ng leader ang isang estudyante, karamihan sa kanila sa ordinaries na papasok. Less drama. Less bullying. Less studies. Less trouble.

Chill sila kumbaga. At sa sobrang chill nila, nakakainis na. Hindi mo maintindihan ang mga trip sa buhay. Sa sobrang boring ata ng buhay nila, buhay ng ibang tao ang pinagpyepyestehan nila. Sila kasi ang kadalasang nagpapakalat ng chismis sa campus. Confirmed man o hindi.

The Trouble with the RuleWhere stories live. Discover now