Special Chapter - Last

46.4K 807 40
                                    

Another Special Chapter

Last na talaga.

*****

Lumayas si Ren sa bahay nilang mag-asawa three days ago. Pinairal na naman nito ang katigasan ng ulo. Dinala nito ang halos lahat ng damit nya kasama si Zoey at pumunta sa bahay ng mga magulang nya. Paguwi ng bahay ni Chris galing sa trabaho ay hindi na nya nadatnan ang mag-ina.

Halos baliktarin na nya ang buong bahay kakahanap sa mga ito. He tried calling her but the phone was turned off. Nalaman na lang ni Chris na nasa bahay ito ng parents-in-law nya ng tinawagan sya. Agad itong pumunta sa bahay nila Santi para sunduin ang mag-ina pero nagmatigas ito at pinag-sarhan sya ng pinto ng kwarto. He's been very patient to his pregnant wife.

Yes, Fahrenheit is three months pregnant with their second child. Akala nya nung unang buwan ay magiging smooth ang lahat pero biglang dumating ang cravings ni Ren for weird food and mood swings. At ngayon nga ay tatlong araw na nya itong sinusuyo at inaaya na umuwi sa bahay nila.

"Anak, pagpasensyahan mo na talaga si Ren. Ganyan talaga pag buntis at mukhang ikaw yata ang pinaglilihian nya. Hindi naman ako ganyan nung nagbuntis ako sa kanilang magkapatid. Habaan mo na lang ang pasensya mo." sabi ni Janice kay Chris habang nasa sala.

Tatlong oras ng naghihintay si Chris na bababain sya ng asawa, nag-undertime pa sya para dito.

"Don't worry Mommy, hindi ko naman po susukuan sa panunuyo si Ren. She may be very stubborn but its part of who she is and I love her. Matindi po yata ang paglilihi nya sa akin." sagot naman ni Chris at napangiti silang dalawa.

"Dalhin ko po muna yung mga pasalubong ko sa kanya kasi mukhang wala ho talaga syang balak na bumaba dito." paalam ni Chris saka pinuntahan ang kwarto kung saan naroon si Fahrenheit.

"Ren...babydoll, please buksan mo na yung pinto. Mag-usap tayo." pakiusap ni Chris sa asawa pagkatapos kumatok ng tatlong beses. Matagal bago sumagot si Ren.

"Umuwi ka na. Ayoko pa rin na kausapin ka." He sighed.

"Baby please, miss na miss ko na kayo Zoey. Zoey even asked me kung kelan daw kayo uuwi sa bahay. Please, let's talk." after few seconds, binuksan ng bahagya ni Ren ang pinto.

"You're so annoying! Umuwi ka na kasi, nagugutom na ako." inis na sabi ni Ren. Bumakas naman sa mukha ni Chris ang pagaalala na napansin ni Ren.

"I bought you something. I have siopao and yogurt for you." Hindi naman naitago ni Ren ang excitement ng makita ang mga binili ng asawa. Pero agad din itong nag sungit.

"Ano yan? Bait? Ayoko nyan." at akma ng isasara ang pinto pero pinigilan ito Chris.

"Wait, you have to eat Fahrenheit. Hindi na lang ikaw yung nagugutom ngayon kundi pati yung baby natin sa tyan mo." seryosong sabi nito sa asawa saka marahan na tinulak ang pinto para makapasok sya sa loob. Wala ng nagawa si Ren dahil nakaramdam sya ng guilt sa sinabi ng asawa.

Hindi naman nya intensyon na gutumin ang sarili at ang anak nila at ngayon lang naman nangyari iyon. Tahimik na nilapag ni Chris ang pagkain sa side table ng bed saka inaya ang asawa na umupo sa tabi nya.

"Kainin mo na ito, kukuha lang ako ng tubig sa baba." sumunod naman si Ren sa sinabi ng asawa. Nangangalahati na si Ren sa kinakain na siopao ng dumating si Chris na may dala ng tubig.

Tahimik pa rin na nilapag ni Chris ang tubig sa table at imbes na umupo sa tabi ng asawa ay kumuha ito ng silya at umupo sa harap nito. Pinagmasdan nya si Ren habang kumakain. Nang matapos ay inabot nito ang tubig. They were silent for a minute.

"Bakit galit ka pa rin? Kumain na ako." mahinang sabi ni Ren.

"I'm not mad Fahrenheit." he answered.

"Not mad? pero you keep on calling me Fahrenheit." inis na sabi na nito.

"Why not? Pangalan mo naman yun."

"See? you're mad at me!"

"Stop yelling."

"Because you're annoying!"

"Then stop being stubborn." malamig at seryosong sagot ni Kelvin sa asawa. Biglang nagtubig ang mga mata ni Ren.

"You're mad at me. You don't want me anymore because I am yelling at you and I'm being stubborn." mahinang sabi ni Ren habang nakayuko at halos paiyak na. He sighed. Then he moved his chair closer to he and held her hands.

"Look at me babydoll." pakiusap ni Kelvin.

"You're getting tired of me." saka tumulo ang isang luha sa mata nya. He tilted her chin and wipes the tear on her face.

"I'm sorry if I made you feel that way. But I'm not mad. I'm not getting tired of you. I want you and I love you always." and kissed her forehead.

"I'm just a bit annoyed because you let yourself and our baby be hungry just because you don't wanna see me."

"Sorry na nga...hindi ko naman sadya na gutumin ang sarili ko saka si baby. Bigla lang talaga ako nakakaramdam ng inis minsan pag nakikita kita but I love you Kelvin." saka hinila si Chris para umupo sa tabi nya.

"Maybe it was the hormones. Pinaglilihian mo daw ako sabi ni Mommy." nakangiting sabi ni Kelvin.

"Yeah, I think so too so don't get tired of me please."

"Hinding hindi ako mapapagod sa iyo Mrs. Alonzo, I've waited you for three years...three days pa kaya?" biro nito. Kumunot noo naman si Ren.

"Are you blaming me again for hiding Zoey from you?" Hindi naman inaasahan ni Chris ang ganun reaksyon ng asawa.

"Ha? No. Babydoll I think you misunderstood me there."

"But you said----" hindi na natapos pa ni Ren ang sasabihin dahil agad na tinawid ni Kelvin ang pagitan nila saka sya masuyong hinalikan sa mga labi. They've kissed as if they didn't see each other for years. They've kissed until they need to breathe.

Natahimik si Ren pagkatapos syang halikan ng asawa.

"I missed you Ren. Huwag mo na akong awayin...namimiss ko na kayo ng anak natin sa bahay. Hindi ako makatulog ng maayos pag hindi kita katabi." masuyong sabi ni Chris sa asawa.

"Hindi naman kita inaaway." nakasimangot na sagot ni Ren. Natawa si Chris.

"Yeah, nilayasan mo lang ako." pang aasar nito.

"Gusto mo ba talaga kaming umuwi ha Mr. Alonzo?" nakataas na ang isang kilay ni Ren.

"Yes of course, Mrs. Alonzo. But I'm already tired to drive kaya dito na lang muna tayo matulog." saka maingat na inihiga si Ren sa kama katabi nya. He hugs her and held her hand.

"I'm happy that I get to feel this moment with you Ren. I was not there when you're carrying Zoey in your womb...I'm really glad to get this chance to take care of you and our baby. Ma-experience yung cravings and mood swings mo. I love you Ren." and kissed her hand.

"Mahal din kita Kelvin, thank you for being patient with me. Hindi ko rin kasi maintindihan minsan na naiinis ako pag nakikita kita pero at the same time kinikilig ako." He smiled and moves her closer to him.

"Let's spend the rest of our lives annoying and loving each other."

THE END.

Endless DesireМесто, где живут истории. Откройте их для себя