Chapter 31

34.6K 536 26
                                    

Chapter 31

Fahrenheit was being stubborn again. Ayaw nyang makita or marinig kahit boses ni Chris. Sinisisi nya pa rin ang binata sa nangyari sa kanyang aksidente at sa pagiging paralisado nya ngayon. Hindi pa rin nya matanggap ang nangyari sa kanya kahit pa ilang beses na sinabi ng doktor na pansamantala lang ito at gagaling din sya, kailangan nya lang magpa-therapy.

Mas lalo naman naging doble ang pagintindi at pasensya ng lahat ng tao sa paligid nya lalo na ang kanyang mga magulang. Ilang araw na hindi nagpakita si Chris sa ospital pero araw-araw nitong kinukumusta ang kalagayan ni Ren. Nakiusap kasi ang mga magulang ng dalaga na kung maaring huwag muna itong magpunta ng ospital para mabilis na rin na paggaling nito. Pero pagkatapos ng isang linggo ay hindi na nagpapigil si Chris at dumalaw na ulit ito sa ospital.

"I'm so sorry Tito, Tita, pero I really wanted to see and talk to Ren. Isang linggo na rin po ang pinalipas ko gaya din po ng gusto nyo pero pwede ho ba na bigyan nyo po ako ng pagkakataon ngayon para magkausap kami?" pakiusap ni Kelvin sa mga magulang ni Ren.

Sa labas ng kwarto ni Ren sila nag-uusap habang si Christine ang pansamantala na nagbabantay kay Ren sa loob ng kwarto. Alam ni Chris ang lahat ng pagbabago sa kalusugan ni Ren dahil na rin sa araw-araw nitong pagtawag kila Janice.

Alam din nya na pagkalipas ng dalawang linggo ay maari ng lumabas ng ospital si Ren at pwedeng sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling.

"Pero Chris, hindi pa rin nagbabago ang isip nya at ikaw pa rin ang sinisisi nya sa nangyari sa kanya." sagot ni Janice. Natahimik ito.

"But we know how stubborn she is..kahit nga siguro makalabas sya ng ospital ay magiging ganun pa rin ang pananaw nya." dagdag naman ni Santi.

"Kaya po gusto ko rin syang makausap na ngayon. Gusto ko na maayos na ang gusot sa amin bago man lang sya lumabas ng ospital."

"I know but---" Santi interrupt.

"Hayaan na natin ang mga bata mag-usap."

"I know you're worried about Ren. Ganun rin ho ako, I promised na wala pong mangyayari sa kanyang masama. Just let me talk to her po." muling pakiusap ni Chris. Janice sigh deeply.

"I understand. Sige na, pumasok ka na sa loob at mag-usap na kayo." sabi ni Janice. Chris felt happy about it.

"Thank you po." Santi smiled at him. Pagpasok ni Chris sa loob ng kwarto ay agad na napatingin si Christine sa gawi nito. Naintindihan naman agad nito ang sitwasyon at pinasyang iwan ang dalawa sa loob ng kwarto. Maingat na umupo sa upuan sa gilid ng kama si Chris. He inhaled and exhaled, trying to calm himself.

"I know you're awake babydoll, please let's talk." malumanay na pakiusap nito sa dalaga pero hindi sya inimik.

"I'm sorry..I know you are blaming me for what happened to you." sinserong sabi nito. Saka lang sya nilingon ni Ren.

"Ano pang saysay ng paghingi mo ng sorry? Nangyari na ang nangyari at kasalanan mo." malamig na sabi nito.

"That's why I am here. I'm taking all the blame, kasalanan ko..I'm sorry." Napataas ng kilay si Ren sa sinabi ni Chris.

"So ano ito? napipiliitan ka lang?! you're saying that it's really my fault that's why I'm here..kaya ako paralisado?! Wow!" mataas na ang boses nito. Lumapit na si Chris sa dalaga at umupo sa gilid ng kama.

"Hey..calm down please." Nagaalalang sabi nito and touches her arm na mabilis naman winaksi nito.

"Don't touch me." matigas nitong sabi kay Chris.

"Hindi naman ako nandito para makipag-away. Ang gusto ko lang maayos kung ano man yung gusto sa pagitan natin dalawa." He explained.

"Ayusin? so tingin mo maayos ng paghingi mo ng sorry yung nangyari sa akin? I can't walk Chris! at dahil yun sa pagpupumilit mo na kausapin ako."

"Am I not allowed to talk to you? to ask why did you leave me three years ago? Wala ba akong karapatan na malaman ang nangyari sa iyo sa buong tatlong taon na pagtatago mo sa akin? Didn't I deserve to know the truth.." tila hirap na sabi ni Chris dito. Kita ni Ren sa mukha nito ang pagod at pagsusumamo sa mga bagat na ipinagkait nya sa nakalipas na mga taon.

"Alam ko naman na wala akong karapatan sa iyo, 'coz we are not in a relationship. Pero Ren, you committed to be wed by me and you chose to just disappear and leave me hanging. Siguro naman kahit paano mayroon na akong karapatan para sa isang paliwanag galing sa'yo." Chris was looking at her intently.

Tumatagos sa kaibuturan ni Ren ang pagtingin sa kanya ng binata..tumatagos hanggang sa puso nya. Ramdam nya ang paginit sa gilid ng kanyang mga mata ng makita nya ang pagtulo ng butil ng luha sa mga mata ni Chris.

"Babydoll, I'm sorry if you felt like I'm pressuring you to explain things for me but I ought to know the truth. I'm sorry na humantong sa ganito yung kagustuhan ko na mag-usap tayo but please believe me, hindi ko gusto na mangyari ito sa iyo. I was just really desperate to talk to you. I'm really sorry." and he holds her hand and gently kissed it. Agad naman binawi ni Ren ang kamay.

"Please, let's fix this. Nahihirapan na ako..hindi ko kayang matulog ng maayos dahil sa sitwasyon natin na 'to. Forgive me." he begged. Hindi na kaya pang pigilan ni Ren ang pagpatak ng luha nya kaya agad nya itong pinunasan.

"I-I don't know." mahinang sagot nito.

"Ren..."

"Alam ko naman, I know that I owe you an explanation and I hope you understand that I am not yet ready. Oo, matagal na yung three years..pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maipon yung lakas ng loob ko para sabihin sa'yo ang lahat, Chris. Sorry kung bigla kitang iniwan sa ere noon, pero alam mo naman na hindi kita mahal at hindi ko pa kayang mag-commit sa isang bagay na pang habang buhay." she explained.

"Pero Chris..iba na yung sitwasyon ngayon..."

"I know." at nagtataka naman na tumingin ito kay Chris.

"Zoey happened."

To be continue...

Vote and comment please. Thank you!

Endless DesireWhere stories live. Discover now