Chapter 28

35.2K 599 17
                                    

Chapter 28

AUTHORS NOTE: I hope you read this, uunahan ko na ng sorry I know bitin sya. Lols. I revised the story (a bit) and checked if I can still stretch it but it's giving me a headache. =( I am still asking for your understanding and patience, alam ko naman yung feeling ng nabibitin sa update kaso di ko talaga kaya gumawa ng sunod-sunod na pagtype. HAHA! Thank you again for appreciating this story. Love you guys!

******

Fahrenheit was glad that she was able to fix things up with her father. At mas lalo syang naging masaya kasi mas nakakausap na nya ngayon ang ama hindi tulad ng dati na lagi silang nagkakasagutan o hindi nagkakaintindihan sa mga bagay-bagay. Her parents was very supportive of her especially to Zoey but they still want her to decided as soon as possible, as to when she'll tell Chris and his family about their child. Alam naman nya na mahalaga rin ito para kay Zoey, at ayaw na nyang maging makasarili pa sa kanyang anak. Zoey deserves to have her father at her side.

Alam din naman nya ngayon na naging unfair sya kay Chris na hindi ipaalam dito ang tungkol sa bata pero kailangan nya pa ng oras. Hindi pa sya handa na harapin ang binata at sabihin dito ang totoo. She's afraid of so many "what ifs" when she tells Chris about Zoey. Kaya habang nag-iisip pa sya at nag-iipon ng lakas ng loob ay inayos na muna nya ang mga papeles at mga bagay na kailangan nya ayusin sa pagstay nya dito sa Pilipinas ng permamente. Ren already talked to Hailey about her decision and she was really lucky to have her as her boss. Buo ang suporta ni Hailey sa kanya at wala syang narinig na anuman na pagtutol mula rito.

Hailey said that it was the right thing to do..to be with her family. Napakaswerte nya at hindi lang mabait at mapangunawa na boss ang nakilala nya sa New York kundi isa rin tunay na kaibigan. Hailey gave her an extended leave of absence and told her that she can go back anytime. Habang naka-LOA ay nag-check na rin si Ren kung kelan pwede ng i-enroll si Zoey sa school, she's just two and half years old. Ideally, Zoey can now be enrolled in preschool. But she decided to wait until she turns three of four before she enroll her to school. Her parents agreed to it, para na rin daw makapag-bonding pa sila ng apo nya.

Habang naghihintay si Ren sa pagdating ng parents nya at ni Zoey galing sa mall ay nakatanggap sya ng overseas call galing kay Hailey.

"Miss Hailey." she heard her hissed.

"Old habits die hard, huh?" natawa naman si Ren sa sinabi ng boss nya.

"Sorry, Hailey."

"Whatever my dear. At least you haven't forgotten me yet." biro naman nito.

"Never will." sagot naman ni Ren.

"I know you're still having your time with your family but can you do me a little favor please?"

"Sure! What is it?" curious na sabi ni Ren.

"I was invited for a fashion show event there in the Philippines. I wasn't able to say no to my close friend and when I checked my schedule, I already have a prior commitment on the same day. Can you please represent me on the event? It'll be tomorrow." nagulat naman si Ren na kinabukasan na agad ang event.

"Wow, that fast huh?" she heard Hailey deeply sighed and laugh a bit. "I know. I wasn't able to decide until today. Can you attend the event please?" pakiusap nito kay Ren.

"What else can I do? I can't say no as well to Miss Hailey Morgan." she smiled.

"Yes! Oh! Thank you dear!" masayang sabi nito sa kanya.

"No problem, Hailey. Just send me the details."

"Sure. And I'll tell my friend that you'll represent me there." Ren was happy to help a friend. Wala pa nga ito sa kalahati ng naitulong ni Hailey sa kanya.

"And Ren, you need to bring a date on the event." pahabol ni Hailey bago binaba ang telepono. Napasapo na lang sa ulo si Ren at napatawa. She immediately dialled her phone. Agad naman sumagot ang nasa kabilang linya.

"Yes, baby?" bati ni Zeus sa kanya.

"Baby yourself." at narinig nya agad ang halakhak ni Zeus sa kabilang linya.

"Ang sungit mo buti nga sinagot ko yung tawag mo kahit busy ako." biro nito.

"Naistorbo ba kita?" nagaalalang tanong ni Ren.

"Eto naman hindi na mabiro. Basta ikaw, I'll always find time baby." banat nito ulit sa kanya. Natawa na lang si Ren dito.

"What's up? Kamusta si Zoey?"

"She's okay. Kasama nga nila Mommy mamasyal sa mall. Konti na nga lang magseselos na ako laging sila ang magkakasama." natatawang sabi nito.

"Bumabawi lang sila, ikaw kasi matigas ang ulo mo." pang-aasar ni Zeus.

"Tse! alam ko naman." sagot ni Ren.

"Masaya ako na okay ka na..okay na kayo ni Zoey."

"Thank you ulit."

"You're always welcome." masayang tugon nito. Humingang malalim si Ren.

"Lalim nun ah, may problema ba?"

"Ano kasi..pwede mo ba ako samahan sa isang event tomorrow? Kung hindi ka busy." nag-aalangan na sabi nito kay Zeus.

"Are you asking me for a date?" namula naman bigla si Ren.

"Sira! Hindi yun date..ano..samahan mo lang ako dun sa event kasi nakiusap sa akin yung boss ko na i-represent ko daw sya dun sa event." paliwanag nito.

"Why not ask Alonzo?" pang-aasar ulit nito.

"Zeus!" Malakas ulit ang pagtawa nito.

"Okay! Okay. Ikaw talaga hindi na mabiro. Sige, I'll free my schedule tomorrow." Nakahinga naman ng maluwag si Ren sa pagpayag nito.

"Thank you! I'll email you the details. 8pm yung event." masayang sabi nito sa binata.

"Alright. Then I'll just pick you up tomorrow at your house."

"Sige. Thank you, Zeus. I owe you again." "You didn't owe anything baby. I'm happy to help a friend." and she smiled.

Kinabukasan ay sakto sa oras ang dating ni Zeus sa pagsundo sa kanya. Magalang na nagpaalam ito sa mga magulang nya bago sila umalis ng bahay. Ilang beses din syang pinaalalahan ng kanyang Daddy na huwag uminom sa event at sinabihan si Zeus na iuwi sya ng buo at ligtas. Natawa sya sobrang protective ng mga magulang nya at masaya sa pinapakitang concern ng mga ito sa kanya. Dahil in-adjust nila ang oras ng pagpunta sa event ay nakapunta sila on time at hindi naipit sa traffic.

"Ren, you didn't inform me that this is a trap." bulong nito sa kanya habang naglalakad sila papasok sa loob ng event hall. Nakasukbit ang kanang kamay nya sa braso ng binata. Natawa naman si Ren sa sinabi nito.

"What trap?"

"There's a lot of hot chic here. This is really a trap. I thought you're my friend." hindi napigilan ni Ren ang lalong matawa sa sinasabi ni Zeus.

"You're single and a hot bachelor businessman. You can flirt a lot of beautiful models here. Mas okay nga yun para hindi ako yung kinukulit mo." biro nito sa kaibigan.

"You really planned this." pagsakay nito sa biro nya. Saka sila naglakad patungo sa designated table nila. May iilan na models and designers na kilala nya sa mukha.

"Ren, I'll just answer this call." pag-excuse ni Zeus sa kanya. Tumango naman ito. Habang hinihintay nya si Zeus bumalik ay inabala nya na lang ang sarili nya sa pag-inom ng lemonade habang tinitignan ang mga taong dumarating. Nang mainip ay tumayo ito at sinubukan na hanapin si Zeus.

"It's been three years, Fahrenheit." hindi nakagalaw si Ren sa kinatatayuan ng makita ang tao sa kanyang harapan.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

Endless DesireWhere stories live. Discover now