Chapter 20

36.7K 595 23
                                    

Chapter 20

I am getting excited. Lols. I am hoping that I will not lose it. =)

*****

After staying for another day for Zoey and Ren, kinailangan ng umuwi ni Kat sa Pilipinas. Nagpumilit si Ren na ihatid ang kaibigan sa airport kahit sinabi nito na huwag na dahil may dadaluhan pa itong isang charity event.

"Mars, thank you talaga sa pag-extend ng bakasyon mo dito para sa amin ni Zoey." pagpapasalamat nito kay Kat. Kat holds her hand.

"Don't mind it. As I've said, masaya naman ang naging pag extend ko ng bakasyon kahit isang araw lang. I get to bond with Zoey." nakangiting sagot ni Kat sa kaibigan.

"Mukhang nag-enjoy rin naman yung anak ko sa bonding nyo. I hope to see you soon again, Mars. Sana with Tara na."

"You'll get to see us both kung uuwi ka na ng Pinas." hirit nito. Natawa naman si Ren.

"Ang kulit! But I'll think about it."

"You should. Para rin naman ito sa iyo at kay Zoey. I know that you can do everything on your own pero hindi mo pa rin mawawala sa amin ni Tara na mag-alala sa inyo dito sa New York. Iba pa rin pag kasama mo ang pamilya mo Fahrenheit." seryosong sabi ni Kat. Ren deeply sighed.

"Okay. I promise, pagiisipan ko talaga. Binubuo mo na yung pangalan ko eh." sagot nito.

"Yeah, 'coz you're so stubborn." biro ni Kat. Natawa silang pareho.

"I know." hirit ni Ren.

"O sya, aalis na ako..baka ma-late ka pa sa pupuntahan mo na event." Niyakap naman ito ni Ren.

"Take care."

"Kayo din ni Zoey, see you in the Philippines." Napangiti na lang si Ren sa kulit ng kaibigan.

"Bye!" paalam nya.


Nagmadali na si Ren na umuwi sa tinutuluyan nilang apartment ni Zoey. She'll be attending a charity event tonight. Inimbitahan sya ng kanyang boss kasama na ang ilang pang piling sikat na modelo sa Amerika. Ayaw na sana nyang pumunta dahil mas gusto pa nyang samahan ang anak pero kailangan para na rin lumawak ang koneksyon nya na pwedeng magbigay pa ng mas maraming opportunity sa kanya. Hindi basta basta ang charity event na pupuntahan nya dahil bukod sa mga piling modelo at mga sikat na designers ay pupunta rin ang mga bigatin na businessman mula sa iba't ibang bansa.

Bago umalis ay pinuntahan muna ni Ren ang anak na mahimbing ng natutulog sa kwarto nito kasama ang nanny nya na isa rin pinay. She kissed Zoey on the cheek and said good night. Kampante naman si Ren sa nanny nya dahil bukod sa pinay ito ay subok ng mapagkakatiwalaan nya. Ito na ang naging kasama nya sa bahay at nag-alaga kay Zoey simula ng pinanganak ito.

"Alis na po ako 'nay Vivian." paalam ni Ren sa nanny ni Zoey, nakagaanan nya na ito ng loob at tinuring na rin na pangalawang ina nya.

"Sige anak. Ingat ka, hihintayin ba kita?"

"Baka po umagahin na ako, mag-ti-text na lang po ako pag pauwi na ako." saka tuluyan lumabas ng kwarto si Ren at umalis ng apartment nila. Medyo na-traffic pa si Ren papunta ng venue at muntik ng hindi umabot sa tamang oras. Pagdating nya ay marami ng mga bisita. Hinanap agad ng mga mata nya ang boss nya na nag-imbita sa kanya at nakita nya ito sa isang table na di kalayuan sa kanya.

"Miss Hailey." tawag ni Ren sa boss nito pagkalapit nya sa table. Agad naman lumingon ang babae.

"Finally, you're here!" saka nag-beso beso sila.

"I thought that you're gonna ignore my invitation." kunwaring pagtatampo ni Hailey na isang sikat na fashion designer, businesswoman at may dugong Pilipino rin pero sa Amerika na ito lumaki.

"I'm not going to ignore this wonderful event, Miss Hailey." sagot naman ni Ren sa boss nya.

"And how many times do I have to remind you to just call me Hailey." natawa naman si Ren.

"Sorry, my bad." Hailey just rolled her eyes and Ren just laughed. For Ren, Hailey Morgan was not just her boss but one of her close friend as well. She knew about Zoey, and she's one of the people who helped her to build her career in New York.

"Anyway, Fahrenheit...I want you to meet my other friend. She's also one of the known and successful super model here in New York. Meet Eloisa Marquez."

"Hi! Nice to meet you Fahrenheit." Eloisa greeted her. Nakipag beso rin ito sa kanya.

"Nice to meet you too, Eloisa. And please, just call me Ren. I'm not used on people calling me by whole name." natawa naman silang tatlo.

"Alright, Ren it is."

"She's also a Filipina." dagdag ni Hailey.

"Really? Wow. It was my pleasure to meet another successful Filipino here in America."

"Me too. Matagal na kitang kilala actually since you model Hailey's designs pero walang chance na ma-meet kita personally." sabi ni Eloisa.

"So I am an angel in disguise and introduced you to one another." hirit naman ni Hailey.

"Yeah, you can say that." at natawa naman ito.

"You are really an angel, Hailey." sabi ni Ren sa boss nito.

"Ugh! I already know that. Anyway, I have to meet other designers so I'll leave you two here. Don't get drunk okay." saka ito pumunta sa iba pang mga kilalang designer.

"Yes Miss." they both said. Masayang nag-kwentuhan sila Eloisa at Ren. They talked about how they become super model. They talked about their struggles when they were just starting their career.

"It was really hard that I have to sacrifice my long term relationship just to get to where I am now." dagdag pa ni Eloisa. Kinagulat naman ni Ren ang pag-o-open up nito.

"Well, it was all worth it."

"Indeed, what about you? You're in a relationship?" tanong ni Eloisa. Umiling naman si Ren.

"Wala sa isip ko ang pag-ibig ngayon. My career is my top priority." sagot nito.

"Yeah, because love sucks." natawa na lang si Ren dito.

"By the way, I also have a friend here, who happens to be a well known business man too that will be attending this event. Take note, he's also a Filipino."

"Great!" excited na sabi ni Ren.

"Wait, I'll look for him."

"What's his name?" tanong ni Ren habang hinahanap ni Eloisa ang kaibigan at hatak sya nito.

"Chris." sagot ni Eloisa na nagpatigil kay Ren.

"Oh! There he is!" Eloisa excitedly walks towards her friend.

"Sh!t ."

nasabi na lang nya sa sarili.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you!

Endless DesireWhere stories live. Discover now