"It may not be directly related to your course but you cannot graduate unless you pass this subject."

"Amina nga babasahin ko na." Masama ang loob na kinuha niya ang libro.

Tahimik siyang nagbasa habang pinapakiramdaman ang kasama. Maya't maya siyang napapaangat ng mukha para tingnan ito. He's looking at her. Halatang binabantayan siya nito. She smiled whenever their eyes met. She loves the thought that he's staring at her, parang natutukso siyang tagalan pa lalo ang pagbabasa.

"Kanina ka pa tingin ng tingin. I know what's running inside your head. You're hoping I'm not looking para madaya mo na naman ang study session na ito. I'm sorry to disappoint you Ms. Avenoja but I'll be watching you...." inilapit nito ang mukha at tumitig sa kanya nang may naniningkit na mga mata. "...intently and closely."

Muntik na siyang masinok. Pansamantala siyang hindi nakagalaw habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig sa lalaki. Panandalian siyang naparalisado habang dumadagundong ang lakas ng kabog sa kanyang dibdib.

Napakunot ng noo si Jacob sa reaksiyon niya. Inilayo nito ang mukha and he snapped his fingers in front of her eyes. Saka lamang siya natauhan.

"What's wrong with you?" takang tanong nito.

Ano nga ba ang problema niya? Hindi niya rin alam. 

"Ah-eh....M-May biglang pumasok lang sa utak ko na magandang scenery for a painting," nahagilap niyang sagot.

Bumuntong-hininga si Jacob. "There you go again with your artistic calling. Can you ignore it once in a while and learn to concentrate in other things too? You can't survive college if you'll only focus on your artistic side."

Kunway sumagot siya ng ngiti at tango saka halos wala sa sariling bumalik sa pagbabasa. Paulit-ulit siyang huminga ng malalim hanggang sa tuluyang kumalma ang kanyang dibdib.

"By the way Miisha..." he uttered. "I heard from our dean that you are an exceptional artist. Do you have pictures of your paintings in your phone? Would you mind if I look at them?"

"I don't take pictures of them," she answered without looking at him. She's starting to concentrate on the book.

"Kung ganun...can you show me your actual paintings?"

Saka lamang siya muling nag-angat ng mukha. "Bakit bigla-bigla ka naman atang nagka-interes sa mga paintings ko?" dudang tanong niya.

He shrugged. "I'm starting to get curious kung totoo nga bang magaling ka," tila di kumbinsidong ika nito.

Iningusan niya ang lalaki. "Nasa apartment ang mga paintings ko. I don't bring them to school unless the teacher told me to do so," walang ganang sagot niya sabay balik ng atensiyon sa pagbabasa.

"Then let's go to your place," he said without hesitation.

She's A Bad GirlWhere stories live. Discover now