042

84.7K 1.8K 158
                                    

Chapter 42 Secret? Not anymore

Jewille's POV

Ang weird ng feeling ko ngayon. Halos hindi ko malaman yung nararamdaman ko.

Bumabyahe kami papuntang school ngayon. Of course, may pasok. Friday na ngayon, last day na.

"William, kinakabahan ako." Sabi ko sakan'ya habang nakatingin ako sakaniya. Tumingin sya sa'kin saglit at binaling ulit ang tingin sa daanan.

"Bakit ka naman kakabahan?" Tanong nya sa'kin.

"Hindi ko nga alam eh. Basta kinakabahan ako. Feeling ko may mangyayaring hindi maganda ngayong araw." Sabi ko.

Nagulat naman ako ng hawakan ni William yung kaliwang kamay ko.

"Don't worry, i'm always here to protect you." Sabi nya. Napanatag naman ng kaunti yung loob ko.

After ilang minutes, nakarating na din kami sa school. Kinabahan ulit ako. Nag park na si William at lumabas na kami.

Pinagtitinginan, pinagbubulungan na naman kami. Pero ngayon, iba na yung aura. Mas lalong naging intense yung bulungan nila.

"Ginayuma nya ba si William? Paanong naging sila? Eh hindi naman sila bagay nyan!"

"No choice na ba talaga si William kaya sya pinili? Hindi sila bagay!"

"Slut as fuck."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko. What the? Eto na naman ba tayo sa slut thing na yan? Hindi pa ba tapos yan?

Nag lakad nalang ako ng mabilis. Halos lahat sila pinagtitinginan ako at si William. Ano bang meron?! Ano na naman ba ang ginawa ko? Wala naman, sa pagkakatanda ko ah.

Nakarating na din kami sa classroom at pati yung mga classmates ko pinagtitinginan kami ni William.

Hindi ko nalang sila pinansin at nag lakad papunta kila Aly na mukhang nag aalala.

"Ano bang nangyayari?" Tanong ko.

"Alam na nila, Jewille." Sabi ni Nicole.

"Ang alin?!" Tanong ko naman.

"Na kasal kayo ni William." Sabi naman ni Cass na ikinagulat ko. Shit.

"How did they know it?!" Tanong ko. Kinuha naman ni Aly yung phone nya at may pinanood sa'kin.

Kami yung nasa video. Eto yung time na nasa mall kami noong isang araw pari na din nung nasa seaside kami. Rinig na rinig yung mga sinasabi namin. Shit!

"Sinong nag upload nyan?" Kalmadong tanong ko. Gusto kong magalit, gusto kong umiyak pero wala namang magagawa yun at hindi ko naman malalaman kung sino ang nag pakalat nun.

"Hindi din namin alam. Nakita lang namin 'to kanina sa facebook. Mayroong page na kayo lahat ang laman. Yung mga dates nyo, nandoon." Sabi ni Nicole. What the hell?! Hindi na ako nakapag react pa dahil dumating na si ma'am. Hindi pa din talaga nagsi-sink in sa'kin ang mga nangyayari ngayon. I just. . .i just can't believe it. All of this times, may nagmamatyag na pala sa'min.

Why would they need to do that kind of thing? Hindi ba nila alam ang salitang privacy?

Natapos ang subjects namin ng hindi ko namalayan. Lumilipad yung utak ko. Kung ano-ano yung mga naiisip ko. Sino naman kaya ang gagawa no'n? Wala akong maisip na taong gagawa ng ganito.

Lunch na. Pinauna ko na silang lumabas at pumuntang cafeteria. Sabi ko kasi na magpupunta muna ako sa cr.

Lumabas na ako ng classroom at nag lakad papuntang cr. Habang naglalakad ako, gano'n pa din yung mga tingin sa'kin. Parang gusto nilang lahat na tunawin ako, gusto nila akong mawala. Binilisan ko ang paglalakad ko. Malapit na sana ako sa cr kaso may bumangga sa'kin.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon