3.1- Disaster? Not really.

191 6 1
                                    

Tinawag na kami, ang 11th performer.

"Let us welcome, Frances Arian Lim and Neil Oliveros" Sabi ng MC

Nagpalakpakan ang mga tao.

Umakyat na ako ng stage dahil inaasahan kong dadating si Neil kahit sa last second na pwede ako maghintay.

Pinilit ko nalang magsmile. Maraming nagtatanong kung saan na si Neil.

Pero di ko mapigilan kaya umiiyak nanaman ako dito sa stage dahil wala parin siya.

Ewan ko nalang kung ano ang mukha ko dito. Nagspread na siguro ang make-up ko.

Patuloy parin tumutulo ang luha ko.

I'm embarrassed, humiliated, I feel like a loser.

Naging close ko si Neil, akala ko we will be good friends. Pero dahil dito, ewan ko nalang.

Dahil wala nga talaga si Neil, tumakbo nalang ako at umalis ng stage. Tumakbo ako hanggang makalabas ako ng campus.

"Sorry for the inconvenience everyone but I think the 11th performers cannot perform since the guitarist is not around. We will proceed to the next performer." Narinig ko pang sabi ng MC.

Ayoko na talaga. Nakakahiya. T______________T

Patuloy parin akong umiiyak habang tumatakbo hanggang makarating ako sa Main Gym.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

JV's Pov

"Let us welcome our 12th performer, April Antonio and JV VIllaruz!"

Tinatawag na kami ng MC. Medyo wala ako sa sarili ko ngayon. Nakita ko kasi kung anong nangyari kay Frances kanina eh.

Gag*ng Neil na yun. Bakit kasi siya hindi dumating? Ayoko naman kasing makakita ng babaeng umiiyak eh dahil natrauma ako jan.

Kahit gusto kong habulin at puntahan si Frances, di ko magawa dahil may performance pa kami ni April at ayoko namang wala rin kaming gagawin at pati si April madadamay.

Nakita ko pa siya tumakbo papunta sa labas ng campus. Sana walang masamang mangyayari sa kanya.

Nagsimula na kumanta si April ng Realize by Colbie Caillat.

Pagkatapos na pagkatapos ng performance namin, bumaba ako agad ng stage. Tinatawag ako ni Reeza pero ngayon lang naman to eh, sana maintindihan niya. Ayoko lang talaga makita ang isang babaeng umiiyak.

Tumakbo rin ako palabas ng campus. Nung una ko kasing nakausap si Arian, magaan talaga ang loob ko sa kanya. Alam mo yun, parang masarap siyang kausapin dahil alam mong makikinig siya. May ganun siyang aura.

Insecure LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon