2.3- Unknown

206 3 0
                                    

Nasa loob ako ng kotse. Nakarating na ako sa school pero di parin ako bumababa.

Kinakabahan ako, SHET!

Gusto kong sumigaw pero di pwede. Baka kasi bigla mawala boses ko, mahirap na.

Nagbreathing exercise nalang muna ako at nagrelax-relax para mabawasan ang kaba ko kahit papano.

Breath in. Breath out.

Dahil narealize ko na wala yatang effect tong breathing exercise ko, lumabas nalang ako.

Naglalakad na ako ngayon papunta sa loob. Bakit parang ang dami yatang tumitingin sa akin?

Nakadress lang naman ako at nakamake-up.

Pero teka, di ko pa nakita ang sarili ko sa salamin! Sobrang kinabahan kasi ako kanina kaya nakalimutan ko tignan ang sarili ko.

Baka ang pangit ko ngayon kaya siguro tingin sila ng tingin sa akin @@

Pumunta muna ako sa mga classmates ko para bigyan ako ng moral support. Haha

Andito na ako kung asan sila ngayon. Tinignan lang nila ako at walang kumausap sa akin. Kahit mga bestfriends ko, wala. Galit ba sila sa akin?

"Huy! Nia!" Tinawag ko si Nia. Ang isa kong bestfriend. Di ko na kasi matiis eh.

Nasa likuran ako kaya lumingon siya at hinanap kung saan galing ang boses ko.

Napatingin siya sa akin at lumaki ang mga mata niya.

Akala ko puntahan niya na ako kaso tumawa lang siya. Hala! Baliwa na yata to eh.

Pumunta ako sa likod niya at tinusok ang tagiliran niya.

Tumawa ako dahil nagulat siya sa akin. Haha.

Lumingon siya at sinabing:

"Sino---- Arian?!" Gulat na gulat niyang sinabi. Gan-ito nga mukha niya oh -----> :O 

"Sa wakas! Haay. Ano bang meron sa akin at parang wala yatang namamansin sa akin? Ang pangit ko ba? Samahan mo nga ako sa CR. Tanggalin ko nalang make-up ko." Sabi ko sakanya.

Gan-ito parin siya oh ----> :O

"Huy, kalas kuryente. Mga langaw, pumasok na kayo dito, libre lang." Tinuro ko ang bibig niya. May pahabol pa akong sinabi. Nakabukas lang naman kasi ang bunganga na walang sinasabi.

Nagsalita na siya pero di ako ang kinausap niya. Tinawag niya lahat ng mga classmates ko.

"Guys! Si Rian oh! Tingnan niyo, dali!" Demanding? Chicken rin to si Nia eh. Nacoconcious tuloy ako. Di ko pa naman alam kung anong mukha ko ngayon.

"Sigurado ka? Ikaw yan, Rian?" Sabi ni Andre.

Hala! Mga mukha ng classmates ko di madrawing. Ano bang meron sa akin ngayon?

Kinuha ko nalang si Nia at sinabay ko siya sa pagtakbo papunta sa CR. Di ko na kasi kaya eh.

Pagtingin ko sa mirror, hinanap ko ang reflection ko. Bakit hindi ko makita? Niloloko yata ako ng mirror eh.

"Ang ganda mo, Rian! Hiyang-hiya na talaga ko sayo, PROMISE!" Sabi ni Nia sa akin.

"Teka, di ko gets. Ibig sabihin, ako yang nasa harapan ko?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre! Alangan ba naman ako? Andito ako sa side mo eh!" Mataray niyang sagot.

"Ang taray ah. Wait, nagpa-process pa ako.........." Sabi ko nanaman.

100% na yata ako nagbuffer,

"AKO YAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN?!' Bigla nalang ako nakasigaw.

"Paulit-ulit? Ou nga eh, KULET." Sagot ni Nia.

Lumabas na kami ng CR dahil malapit na magstart ang competition. Hinanap ko na si Neil pero di ko mahanap eh.

Tinanong ko sa coordinator kung andito na ba si Neil.

"Di ko pa siya nakikita pero wag kang mag-alala, andito lang yun. 11th performer pa naman kayo eh." Sagot niya sa akin.

"Oh sige po. Thank you." Nagpasalamat ako sa kanya at nagsmile.

Nagsimula na ang mga performances. Di ko parin nakikita si Neil.

11th performer pa kami kaya kampante pa ako na makakadating siya. Sila JV ay pagkatapos sa amin. Ou nga pala, nasa isang row lang kami ngayon. Shizz, kilig vibes ako. Hahaha.

Gan-ito ang seating arrangement oh:

(Walang tao)---Ako---Partner ni JV---JV

Naririnig ko siyang magsalita. Ang cute ng boses niya :)) HAHAHA

Dahil nasa 4th performer na, tinatawagan ko na si Neil dahil wala pa rin siya.

Ika ilang tawag ko na sa kanya. 15 calls na yata yun eh. At nagpatuloy parin ako sa pagtawag.

Asan na ba kasi yun?

10th performer na oh. Gustong -gusto ko na umiyak dahil sa kaba. Paano pag di makakarating si Neil? Gustong-gusto ko pa naman sumali. Sayang ang outfit at make-up ko oh.

T__________________________T

Unti-unti ng tumutulo luha ko.

NOOOOOOOOOOO!

Mafade ang make-up ko, papangit pa boses ko @___________@

Saan ka na ba kasi, Neil?

~

Picture of Arian in her white dress in the Multimedia ----->

Insecure LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon