1- The Start

413 8 2
                                    

Sabi ko na nga ba eh. Mababa talaga ako ngayon sa exams. 

Kasalanan talaga to ng sarili ko. Tanggap ko na okay? Stupid na ako.

Ako nga pala si Frances Arian Lim, 3rd year student. Labasan ng 1st quarter exam results ngayon kaya bad trip na bad trip ako.

Nasa first section ako dito sa school namin. Ewan ko nga bakit eh. Nalito lang yata ang tao sa registrar's office kaya napunta ako dito.

Ang bitter ko naman. Di naman sa wala akong utak. Bad trip lang talaga ako sa sarili ko dahil di ko ginalingan sa exams. 

Dapat kasalanan naman talaga to ng crush ko at ng Korean Dramas. Adik na adik talaga ako sa kanilang dalawa.

Pero di ko naman sila masisi dahil love ko silang dalawa eh kaya kasalanan ko nalang. Haha

Papunta kami ngayon sa Biology lab. Yes! Makakadaan ako sa room nila. Syempre, dumaan ako sa right stairs for that reason. 

Boom!

Good news: Tinitignan ko ang crush ko nayon.

Bad news: Hanggang tingin lang ako </3

K. Kdot.

Ang ganda ko naman para maging hanggang tinggin lang. Pero bahala na, love ko naman sya eh.

Ayy, corny koooooo! Haha. Erase the second line.

Okay so, gagawa kami ng tatlong experiments this day.

Woosh woosh woosh.

Tapos na! Genius yata ako eh. Ang bilis ko gumawa.

Hala. Kakasabi ko lang na stupid ako tapos ngayon, genius na. Lokohan ba to?

So, lunch na. Bilis ng oras!

Dahil high nanaman ako, syempre, laman ng bibig ko ay puro crush ko lang.

Kahit sinong kilala ko, tinatanong ko kung saan crush ko. Wala na ako pakialam kung close kami or hndi. 

Noon ko pa to ginagawa kaya sanay na yata ang mga tao sa akin. ^__^

Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kung maspread na may crush ako sa crush ko eh. Wag lang sa kanya, at sa girlfriend niya.

Ou, may girlfriend ang crush ko.

Marami ngang nagsasabi na: "Diba may girlfriend na yun?"

Ang tanging sagot ko ay: "Crush lang naman, diba?"

Totoo naman eh, crush ko lang naman. Bawal bang mag-admire?

Wala naman akong planong sirain ang relationship nila eh.

Attracted lang talaga ako kay JV Villaruz. Jay Vincent Villaruz. 3rd year na rin sya ngayon. I-search mo sa fb, gwapo yan. Haha. Joke lang. ^__^

Alam mo, okay lang naman sana malaman niya eh. Crush lang naman diba? Kaso lang insecure talaga ako at feel ko pag sasabihin ko sakanya, iiwasan niya ako ng bonggang-bongga dahil ang pangit ng may crush sa kanya.

So, alam niyo na ang story ng walang kwentang crush life ko, okay? XD

OMAYGAD. Nakasalubong ko siya sa stairs. OMAYGAD talaga. OMG OMG OMG.

Di ako nag-o-omaygad ng wagas dahil lang nakita ko sya. Dahil rin sa kasama kong maingay na si Kay. Sinigaw ba naman ang "Villaruz!"

Buti nalang tinakpan ko agad ang bibig niya at tumakbo kaming dalawa papuntang center of the earth. Tinakpan ko agad nu! Baka may masabi pa yun na di ko magustuhan eh.

Aish @@ Tumingin yung barkada niya sa amin. Buti nalang tumalikod ako agad at tumakbo.

Sana di nila nakita mukha ko!

Nakaget-over na ako sa nangyari at uwian na ngayon. Wala nga akong naanswer sa activity namin sa math kanina sa kaiisip kung alam niya na ba or hindi.

Papunta ako sa west exit ng campus. Andito na kasi yung driver ko eh. Wala naman akong gagawin at ayoko na syang paghintayin kaya uuwi nalang ako.

Peaceful na sana ang paglalakad ko eh kaso lang nakasalubong ko ang girlfriend ng crush ko na si Reeza.

Oh no!

Wait, bakit ang sama ng tingin niya sa akin? @@

~

Pictureof JV in the Multimedia ----------------> 

Insecure LoverNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ