Chapter 15: I'm with you

Start from the beginning
                                    


"Hindi mo kailangang gawin to Celestine" sabi ko kay Celestine sa mahinahong tono na nakayanang gawin ko.

"Bat di mo sabihin yan sa harap ng mga board of directors?" nakangiti nyang sagot na tila tuwang tuwa sa mga nangyayari ngayon.

"What I mean is yung sigaw-sigawan mo siya para lang sabihin na hindi na siya pwedeng magtrabaho dito" hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Eisen.

"Wait anong pinagsasabi nyo at naguguluhan ako?" bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Ipapaliwanag ko sayo ang lahat pero sa ngayon ay kailangan mong sumama sakin nang mahinahon" tumingin siya sa kamay ko at lumipat ang tingin niya kay Celestine. Hindi rin nagtagal at hinawakan niya rin ang aking kamay.

"Hindi ka pa pwedeng umalis Jethro dahil may kailangan pa tayong pag-usapan" rinig kong sabi ni Celestine.

"You're not my boss" tanging sagot ko at saka kami lumabas ni Eisen sa dati kong opisina.

Dinala ko siya sa condo unit ko para mapag-usapan namin ang tungkol sa mga nangyayari sa kompanya ngayon. Hindi ko siya pwedeng dalhin sa isang restaurant o kahit ano mang public place dahil gaya ng inaasahan ko ay magsisigaw siya sa galit. Pinaliwanag ko sa kaniya ang lahat-lahat at alam ko namang wala siyang kinalaman sa mga paratang sa kaniya. Pareho kami ng hinala na pakana lahat to ni Celestine. Hanggang wala akong ebidensiya laban sa kaniya ay hindi pa rin makakabalik si Eisen sa kompanya. Tumawag ako sa opisina para mag-leave hanggang biyernes. Hindi ko magagawang iwan ang misis ko na ganito. Ramdam ko ang kalungkutan niya dahil hindi na sya makakabalik sa kompanya at hindi na kami magkakasama sa trabaho. Tinabihan ko siya sa kama habang patuloy parin ang pananahimik niya. Hindi ko siya kinukulit dahil alam kong mas gusto niyang wag nang pag-usapan yun. Nanatili ako sa tabi niya habang yakap-yakap siya. Sa ganitong paraan man lang ay maiparamdam ko sa kaniya na hindi siya nag-iisa.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Pagkagising ko ay nakayakap si Eisen sa akin habang natutulog. Ang sarap talagang pagmasdan ng asawa ko habang natutulog. Tumagilid ako para maakap ko siya ng husto. Hinihimas ko ang kaniyang likuran hanggang sa makarating ang aking kamay sa kaniyang matambok na pwet. Ipinasok ko ang aking kamay sa loob hanggang sa maramdaman ko ang balat ng kaniyang pwet. Maya-maya pa ay bigla na lang akong nakarinig ng mahinang ungol galing sa kaniya. Ang buong akala ko ay senyales yun ng pagsang-ayon kaya naman dahan-dahan kong pinasok ang aking daliri sa loob ng kaniyang pwet. Hindi pa nakakapasok ng husto ang aking daliri nang bigla nya akong kagatin sa aking dibdib.

"Awwwww, hon, hon, hon arrgghh ang sakit" napahiyaw talaga ako sa sakit dahil sobrang lakas ng pagkakakagat niya.

"Dapat lang sayo yan, manyak!" sabi niya. Pumaibabaw ako sa kaniya habang hawak-hawak ang magkabila niyang kamay.

"Dahil diyan sa sinabi mo ay mamaniyakin kita lalo" pagbabanta ko sa kaniya pero tanging masamang titig lang ang naging sagot niya sa akin.

"Eto naman naglalambing lang" pagsuyo ko sa kaniya.

"Hindi ka naglalambing, naglilibog ka!" inis niyang sabi. Hindi ko napigilang matawa at napadapa ako sa ibabaw niya. Pinaulanan ko siya ng halik sa kaniyang leeg para mawala ang inis niya.

"Sige na ituloy mo na ang gusto mong gawin, baka sisihin mo pa ako dahil nabitin ka" sabi niya pero pag halik lang sa kaniyang labi ang ginawa ko.

"Okay na sa akin to" ngumiti ako sa kaniya at mabuti na lang ay ngumiti na rin siya ngayon.

"Magbihis ka may pupunatahan tayo" utos ko sa kaniya at ako naman ay naupo na sa kama.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong niya.

"Basta may surprise ako sayo" nagbuntong hininga siya bago lumabas ng unit ko. Pagkalabas niya ay kaagad din akong nagpalit ng damit. Kanina pa ako naiinitan sa suot kong pang trabaho na hindi ko nagawang palitan.

Nang matapos kaming magbihis ay kaagad kaming nagtungo sa parking area para sumakay sa sasakyan ko. Rush-hour nang kami ay dumaan sa edsa kaya naman medyo na traffic kami sa daan. Buti na lang at wala akong narinig na reklamo sa aking asawa. Mukhang nag-eenjoy siyang makinig ng mga Kpop-music sa Spotify kaya maganda ang mood niya. Sa totoo lang wala talaga akong naiintindihan sa mga pinapatugtog niya pero dahil siya ang boss ko siya masusunod. Baka kapag nagcomment pa ako sa mga pinapatugtog niya ay baka ibato niya yung phone sa mukha ko. Nakarating din kami sa dapat naming puntahand dito sa QC. Masyado siyang abala sa kaniyang phone, hindi niya man lang nagawang pagnasaan ako habang nagdadrive. Masyado siyang focus sa mga Kpop na pinapakinggan niya. Di hamak na mas gwapo pa ako sa koreano na yan. Di lang gwapo mas magaling pa ako sa kanila. Mas magaling mag paligaya.

"Nasan tayo?" tanong niya nang makababa siya ng sasakyan. Nasa tapat kami ng isang malaking gate kung saan natatanaw ang malaking bahay sa loob.

"Sa bahay natin" masaya kong sagot.

"Ha?" tanging naisabi niya.

"Halika!" hinila ko ang kaniyang kamay para sumunod sa akin. Pagkalapit namin sa gate ay kusa itong bumukas.

"Wait, kaninong bahay ba talaga to?" tanong niya habang naglalakad kami papasok.

"Bahay nga natin, balak ko sana ipakita to kapag pumayag kanang magpakasal sa akin pero mukhang matatagalan pa yun kaya pinakita ko na lang sayo to" pagkasabi ko nun ay bigla na lang niya akong kinurot sa tagiliran. May pagkasadista talaga tong asawa ko.

Halata sa mukha niya ang sobrang pagkamangha dahil alam kong ito ang gusto niyang bahay. Di hamak na mas malaki ang mansion namin sa batangas pero sakto ang laki ng bahay na to para sa bubuoin naming pamilya. Sobrang detalyado ng pagkakagawa nito at nakaayon to sa kagustuhan niya. Naalala ko kasi noong nasa mansion pa kami ay nabanggit niya sa akin kung anong klaseng bahay ang gusto niyang ipatayo namin at eto na yun. Pinagawa ko dream house na gusto niya. Glass wall ang bahay kaya kahit nasa malayo ka pa lang ay kitang kita mo ang mga bagay na nasa loob nito. Kapag gabi ay may mga lights na gumagana sa mini-garden kung nasaan may duyan sa pagitan ng dalawang puno. Kasiya ang dalawang tao dun at pwedeng pwede tulugan. Sa kaliwang bahagi ay dun mo makikita ang pool. Sa sobrang tuwa ni Eisen ay nagawa niya pang hawakan ang tubig nito.

Pumasok kami sa loob at isa-isang bumati ang mga katulong na nangangalaga ng aking bahay. Syempre kahit kaming dalawa lang ang titira dito ay hindi ko hahayaang mapagod ang asawa ko sa kakalinis ng malaking bahay na to. Gusto kong magapod lang siya kakatrabaho sa akin. Nilibot namin ang bawat sulok ng first floor. Tuwang tuwa siya nang makita ang malaking tv sa may sala dahil mas malaki na ang mapapanooran niya ng mga movies sa Netflix. Namangha din siya sa laman ng kitchen na halos lahat ng kagamitan sa pagluluto ay naroon na. Kapag marami kaming time ay pwedeng pwede namin pag-aralan ang ibat ibang masasarap na dishes at kainin ito. O kaya kakainin na lang namin ang isa't isa. Umakyat kami sa second floor at isa-isang chineck ang mga kwarto dito.

"Ilan ba talaga ang mga kwarto dito sa bahay na to?" hindi niya mapigilang itanong.

"Kung hindi mo isasama ang mga kwarto ng maids ay meron itong limang kwarto. Lima na guest rooms tapos isang master bed room" sagot ko at napatango naman siya.

"So yung lima ay kina Jules, Josh, James, Jean at Alexandre?" muling pagtatanong niya.

"Yep, dahil baka maisipan nilang makitulog ng sabay-sabay dito ay walang iistorbo sa atin sa sarili nating kwarto" saktong nasa harap kami ng pinto ng master bedroom. Pinagbuksan ko siya ng pinto at siya ang unang pumasok. Sobrang saya niya nang makita ang lawak nito. May dalawang pinto sa bandang gilid kung saan shower room at yung isa naman ay malaking wardrobe. Una niyang pinasok ang shower room para tingnan ito. Namangha siya sa laki ng space ng shower room at meron itong malaking bath tub kung saan magkakasiya kaming dalawa. Sa may wall ay may nakakabit na 23 inch na tv kung saan pwede kaming manood ng movie habang nag-eenjoy sa bath tub.

"Sinadya ko talagang palakihan ito para hindi tayo mahirapang kumilos kapag ginagawa na natin yung" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang titigan nya ako ng masama. Mabilis kong hinalikan ang kaniyang noo na nakakunot. Pero hindi pa rin nawala ito kaya muli kong hinalikan ito.

"Ayan hindi na nakakunot yang noo mo" unti-unting ngumingiti ang kaniyang labi. Dinala ko naman siya ngayon sa wardrobe kung nasaan nakalagay ang mga damit namin. Merong mga luma at bagong damit si Eisen na dati niyang ginagamit noong nasa mansion pa kami. Lahat ng mga gamit na naiwan niya sa mansion ay nagawa kong itabi. Laking gulat ko na lang nang bigla siyang lumuluha kaya naman nataranta ako.

"What's wrong hon?" tanong ko at saka ko nakita ko yung mga damit na hawak-hawak niya. Ito yung mga damit na binili sa kaniya ng kaniyang mama bago pa ito mamatay. Niyakap niya ako at bumuhos muli ang kaniyang mga luha at humagulgol ng pag-iyak. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagsabi ng sorry dahil yun lang ang tangi kong magagawa ko.

Nang matapos ang kaniyang pag-iyak ay ngumiti siya sa akin at nagpasalamat. Ngumiti naman ako at niyakap siya nang mahigpit. Sunod na pinuntahan namin ang 3rd floor kung nasaan ang natitirang guest room at ang malawak na terrace kung saan makikita mo ang view ng pool sa baba at ang mini-garden sa kanan. Habang aliw-aliw siya sa kakatingin sa paligid ay niyakap ko sya habang nakatalikod siya sa akin. Nanatili kaming ganun ng ilang minuto hanggang sa halikan niya ako sa labi at muling nagpasalamat. Ang marahan naming halikan ay napunta sa pagiging mapusok at ayun nabinyagan namin ang master bedroom hanggang sumapit ang madaling araw.

9am nang magising ako at pumunta ng banyo para ayusin ang aking sarili. Tanging boxer shorts lang suot ko nang lumabas ako ng kwarto para kumuha ng pagkain na hinain ni manang grace ang magaling na tagapagluto ko. Pagdating sa mga classic Filipino dish ay mas magaling siya kay Josh magluto. Binati ako ni manang grace at napansin pa niyang lalo daw akong sumaya ngayon. Dahil mag-aasawa na ako yan ang sinagot ko sa kaniya at siya naman ay pumalakpak sa tuwa. Umakyat ako sa taas para pagsilbihan ang natutulog kong reyna. Masaya naming pinagsaluhan ang breakfast at nagkulitan na para bang kami lang ang tao sa buong mundo.

Naglaro kami ng mga bagong games sa PS4. Nagpustahan pa kami kong sino ang matalo ay susundin ang lahat ng gustong gawin ng mananalo. Kampante siya dahil alam niyang hindi ako masyadong mahilig sa games pero dun siya nagkakamali. Bago maging kilalang game vlogger si James ay sa aming magkakapatid ako pinakamagaling pagdating sa mga games. Natigil lang ang pagkahilig ko dito nang magfocus ako sa pag-aaral nang kumuha ako ng Law. At ayun na nga ako ang nanalo sa pustahan namin pero walang natupad sa mga kagustuhan ko. Puro kurot ay hampas ang premyo na nakuha ko. Puro daw kabastusan ang gusto kong ipagawa sa kaniya. Kahit hindi naman.

Kinahapunan ay natulog kami sa malaking duyan kung sa pagitan ng dalawang puno. Matibay ang pagkakagawa nito kaya hindi ito basta-basta babagsak. Tanging shorts lang ang suot ko habang nakasuot ng shades. Ang aking asawa naman ay nakahiga sa aking dibdib habang suot suot ang tshirt ko at tanging boxer shorts lang ang pang-ibaba na nagpapaturn-on sakin ng sobra. Pinipigilan ko lang sarili ko baka manakit na naman to.

"Medyo tahimik ang bahay" hindi ko mapigilang magsalita.

"Syempre halos tayong dalawa lang ang nandito" sagot niya na akala ko ay nakatulog na.

"Kelan mo ba kasi ako bibiyan ng mga anak para magkaroon ng ingay ang bahay na to?" pagbibiro ko.

"Kapag marunong kana gumawa ng bata" nagulat ako sa sinagot niya dahil mukhang hinahamon niya ata ang performance ko pagdating sa kama. Pumaibabaw ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama pero kunwari lang.

"Jethro pagtayo nahulog dito, tingnan mo lang" pagbabanta niya.

"Hindi yan, ano gusto mo bang malaman kung papano ako gumawa ng bata sa duyan na to?" panunukso ko sa kaniya.

"Mahiga ka na baka malaglag ta-" bumaliktad ang duyan na kinahihigaan namin buti na lang at nagawa kong yakapin kaagad si Eisen at ako ang unang bumagsak.

"Okay ka lang ba, mukhang enjoy na enjoy ka diyan sa ibabaw ko ah" pagbibiro ko nang hindi pa sya umaalis.

"Pinagsabihan na kita di ba" sabi niya habang tumatayo. At ako naman ay naupo buti na lang madamo ang ilalim nito kaya hindi masyadong masakit ang pagbagsak ko.

"Tingnan mo nagkasugat ka pa tuloy dahil sa mga kalokohan mo!" sabi niya nang hawakan niya ang braso ko. Saka ko lang napansin na may sugat nga ako sa bandang siko.

Pumasok kami sa loob para gamutin yung sugat ko sa siko. Para akong bata na pinapaglitan ng kaniyang ina habang ginagamot ang sugat. Kahit inis na inis na siya sa akin ay hindi niya magawang saktan ako parang mas okay pang nagkakasugat ako eh. Kahit panay ang bulyaw niya sa akin ay hindi pa rin ako naiinis sa mga sinasabi niya.

"Kung ganito kaganda ang nurse ko mukhang worth it na magkasugat ako lagi" pagbibiro ko at bigla na lang niyang diniinan ang paglalagay ng betadine sa sugat ko na nagpahiyaw sa sakin sa sakit.

"Nagagawa mo pang magbiro samantalang inis na inis na ako dito" ewan ko ba at bigla na lang akong natawa sa hindi ko malamang dahilan at siya rin ay nahawa sa tawa ko at nagtawanan kami sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ganito na ata ang pagkabaliw namin sa isa't isa.

Kinagabihan ay nakareceive ako ng tawag mula kay Lance dahil nag-aalala siya sa kalagayan ng pinsan niya. Naka-off ang cellphone ni Eisen simula nang dumating kami dito sa bahay. Ayaw daw niyang may mareceive na tawag or text man lang kahit kanino. Kaya siguro hindi siya makontak ni Lance. Makalipas ang ilang minuto ay si Alexandre naman ang tumawag. Nabalitaan daw niya ang nangyari kay Eisen, inooferan niya ito na mag-artista na lang daw. Humindi agad ako dahil ayokong dumami ang kaagaw ko sa asawa ko. Sa akin lang dapat ang atensyon niya at ako lang dapat ang pinapasaya at hindi ang ibang tao. Kagaya ni Alex ay ganun din ang offer ni Jules, lalong hindi ang sagot dahil kahit kapatid ko siya ay may nakaraan pa rin sila ng asawa ko. Hindi ko hahayaang magsama sila nang matagal. Para akong manager ni Eisen na nagdedecline ng mga unwanted offers sa kaniya. Grabe.

Kinaumagahan ay may hindi ako inaasahang bisita sa bahay. Hindi ko alam kung papano niya nalaman na nandito kami ni Eisen pero hindi na mahalaga yun ngayon. Ang tanong eh kung ano ang pakay niya sa pagpunta dito habang inienjoy namin ni Eisen ang pagsasama naming dalawa.

"Good morning bro" masayang bati sa akin ni Josh.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kaagad.

"Ang cold mo naman, hindi mo man lang ako babatiin ng good morning din o kaya papasukin man lang sa loob?" natatawa niyang sabi.

"Fine" maikling tugon ko at pinapasok siya sa loob.

"Nasan nga pala si Eisen?" tanong ni Josh nang makapasok kami sa loob.

"Natutulog pa bakit anong kailangan mo sa kaniya?" Hindi ko alam kung ang cold ng tono ko pero alam ko namang sanay na sila sa tono nang pananalita ko. Nagiging conscious lang ako sa pananalita ko kapag kausap ko si Eisen dahil nagagalit siya sa akin kapag nasusungitan ko siya kahit hindi naman.

"Nandito ako para offeran siya na mag work sa company ko balita ko kasi nawalan siya ng trabaho sa kompanya mo" medyo na insulto ako sa sinabi niya.

"Sorry pero hindi siya magtatrabaho sa kompanya mo" mabilis kong sagot.

"Why not? Kaya ko naman tapatan ang pinapasahod mo sa kaniya at saka I'll make sure na hindi siya pagkakaisahan ng mga taong nasa kompanya ko di gaya ng sa kompanya mo" sa pagkakataong yun ay hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.

"Sinusubukan mo ba ang pasensya ko?" naiinis kong sabi sa kaniya habang hawak-hawak ko ang kwelyo niya.

"Anong sa tingin mo?" matapang niyang sagot.

"Anong nangyayari dito?" kapwa kaming napalingon sa kinaroroonan ni Eisen na nagtataka sa mga nangyayari.




Itutuloy......................................



A/N: Sa wakaaass after 2 years nakapag update na din ako.
Medyo malabo pa ba yung tungkol sa pagpapalit ng CEO? Madalas nangyayari sa mga korean novela to kaya hindi na bago ang mga ganitong twist. Hindi ko alam kung bakit marami pa rin ang nagtataka. Nangyari na rin ang ganito sa history ng Apple kung saan kinumbinse ni Steve Jobs ang mga board na patalsikin ang CEO ng apple noong time na yun (di maalala yung year) basta makikita nyo yan sa google. Sa kompanya talaga madali lang mapalitan ang CEO kapag nakumbinse mo ang Board at may hawak kang malaking shares sa kompanya.

Thank you sa patience nyo sa pag-aantay ng update at hindi masyadong nangulit. Umabot na ng 300k+ reads ang LWMSB sana ito rin umabat na ng 100k reads. Thank you guys.

Last 10 chapters na lang!!!!!!

P.S. may kakaibang role si Terence (Tao) at malapit na mareveal yun.


Can't live without you (BL)Where stories live. Discover now