Sinuyod niya ang kabuoan ng bahay. Tahimik at banayad. Ni walang makitang magandang ala-ala roon.

Mapait siyang ngumiti kasabay ng pagpatak ng butil ng luha sa pisngi niya na agad din niyang pinalis.

Brix is not still home. Ilang gabi na itong hindi umuuwi at nagpapakita. Ni wala pa rin siyang natatanggap na mensahe rito, hindi na maalala kung kailan ito huling tumugon sa tawag at texts niya. Wala ring kabakas bakas na umuwi ito ng bahay. Tuwing tatawag naman siya sa ospital, ang palaging tugon ng sekretarya ay nasa meeting at operation.

Walang ganang ipinagpatuloy niya ang pagkaing inihanda habang nakabantay sa cellphone na patuloy tinatawagan si Brix.

She wanted to talk to him seriously about her wrongdoings because she can't tolerate and handle it anymore. Hindi na niya kayang pasanin ang bigat na dala niya. Gusto na niyang itama ang pagkakamali niya sa paraan ng pag-amin. She knew she will never correct it kahit na umamin pa siya pagbali-baliktarin man ang mundo. Pero iyon lang ang tanging paraan para malinis ang konsensya niya. She's not a saint but she has conscience. Hindi na niya kaya pang itago at ibaon ang mga kasalanang iyon dahil marami na siyang nasasaktan.

Sa nangyari kahapon, handa na siyang bitawan lahat at kamuhian ng mga taong malalapit sa kanya. Sa isip niya ay nararapat lang naman iyon. She is to blame, she have to accept it no matter how painful it is.

Walang ganang tinungo ni Luna ang silid at nahiga nang matapos kumain at sumuko sa pag-reach out sa asawa.

Bahagyang napatama ang tingin niya sa malaking frame na nakasabit sa dingding. A wedding picture of her and Brix.

Mapait muli siyang ngumiti. Hindi siya makapaniwala na ikinasal siya pero hindi maramdaman na isa siyang asawa. She's always alone. Kailan ba sila nagpang-abot ni Brix? The last time she was with him is when they went to Philippines. Pero hindi rin naman sa kanya fully ang atensyon nito. She understood and accepted their situation already, even before when he's still her boyfriend, yet she can't deny she's also longing to be taken care of. At isa rin siguro iyon sa dahilan kung bakit unti-unti ring nawala ang pagmamahal niya rito.

Ni hindi niya naramdaman na makipagtalo rito. They never had a fight or misunderstanding. Their relationship is too good to be true. Noong una ay iniisip niya na maswerte siya dahil naging madali ang pagsasama nila pero napagtanto niyang hindi sapat iyon.

Samantalang kay Ashton, nang unang kita palang niya rito, sari-saring emosyon agad ang binuhay nito sa kanya. Ni hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman para sa binata and she never thought she will fall for that man. Hindi siya madaling mainlove sa isang lalaki, totoo iyon. Pero sa nangyari sa kanya, napagtanto na lang niyang nahuhulog na pala siya sa bitag na ginawa nito, tila nagayuma siya dahil sa malayang pag-ookupa nito sa pag-iisip niya. Alam niyang kabaliwan at imposible iyon pero hindi niya alam kung ano pa bang dapat itawag sa nararamdaman niya para rito? And when she finally realized it, it's over for her dahil ikinasal na siya.

Napabalikwas sa pagkakahiga si Luna nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Madilim pero kilala niya ang bulto ng asawa. Namataan niya itong tahimik na pumasok, parang wala sa sarili at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Brix..." mahinang usal niya sabay naupo sa kama.

Nilingon siya nito, doon pa lamang nakuha ang atensyon.

"You're still awake?" Anito na agad niyang tinanguhan.

Alcohol lingered on her nose. Nagtaka siya, unti-unting nilulukob ang dibdib niya.

"Uminom ka?" Pangungumpirma niya na hindi na rin namalayang kunot noo niyang pinagmamasdan ito na abala sa pagtatanggal ng butones ng damit.

"Just a little bit." Pagod nitong tugon.

As She Dance With The Devil (BS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon