Napamaang si Jema ng makita nya itong ngumiti ng ubod ng tamis sakanya. Hinahaplos pa rin nito ang kanyang mukha. Nakatukod na ang mga siko nito sa unan nya. Lalo pa nitong pinaglapit ang kanilang mga mukha. Dahil doon ay kusang napapikit ang kanyang mga mata. Hinayaan nya si Deanna nanatili lang itong nakapikit. Naramdaman muli nito ang paghalik sa kanyang noo. Matagal ni Deanna tinanggal ang kanyang labi sa noo ng nakapikit na si Jema. Hinahaplos pa rin nito ang pisngi ng babae. Pagnaka ay nag salita si Deanna. "Alis muna ako" rinig nyang sabi nito ng ilapit ang bibig ni Deanna sa tenga nya. Wala syang ginawa na reaksyon sa sinabi nito. "bahala ka d'yan pinaasa mo ko na hindi kana aalis" maktol nito sa isip.

Naramdaman ni Jema ang muli nitong pag halik sa kanyang noo at humalik ito sa labi ni Jema mabilis lang iyon.  "aba umisa pa ang loko" reklamo nito

Naramdaman na lang ni Jema ang pag tayo nito. Mga ilang sandali pa ay narinig ng nakapikit na babae ang pag bukas ng pinto at pag sara nito. Indikasyon na umalis na ito.

Matagal ng nakaalis si Deanna ay nakapikit pa rin si Jema. Pilit kasi  nitong tinatanggal ang sakit na nilikha na naman ni Deanna sakanya.  Para iyong tinutusok na naman ng milyon milyong karayom. Isipin lang ni Jema na papunta ito sa kasintahan ay para na syang tino-torture. Yon bang pakiramdam na pinapatay ng dahandahan.

She imagined Deanna's face. Nakangiti ng ubod tamis habang nakatingin kay Sophia. Sa isiping iyon ay kusang tumulo ang taksil na luha ni Jema. Hikbi iyon na tama lang marinig ng kasama. Dahil tulog naman si Uriel hindi nito maririnig. Pasinghot singhot ito.

Upang maibsan nga ang sakit ay niyakap nya ng mahigpit si Uriel. Hindi naman sya nagkamali naibsan ng kaunti ang sakit sa yakap nyang iyon sa bata. Kahit papano ay nawala iyon hindi man lahat. Gumaan man lang kahit papano ang bigat na nararamdaman nya.

Nagulat pa si Jema ng tumunog ang Cellphone nya. Agad nya itong kinuha.

Ate Jia's calling.....

"H-hello ate J-Jia"  pasinghot singhot na sagot nito

"Umiiyak kaba? Tanong agad ng babae na nasa kabilang linya.

" H-Hindi po ate Jia" palusot ni Jema

"Bakit ganyan ang boses mo? May problema ba?" tanong ulit nito na hindi kumbinsido sa sinabi ni jema.

"ah, eh, bagong gising po ako. Parang sisipunin ata ako" sagot ni Jema

"ganon ba? Okay ka lang ba? Yayayain ka sana namin nila Ate Ly lalabas mamaya. Kung masama pakiramdam mo wag na lang mag pahinga kana lang" turan ni Jia kay Jema.

"Hindi po ate okay lang ako. Sasama ako mamaya" agad na sabi  ni Jema sa babae. Gusto din kasi nitong lumabas makalimot at sumaya kahit sa araw na iyon.

"Sigurado kaba? Paninigurado ng babae sa kausap. Nag aalala na baka napipilitan.

" opo ate, gusto ko din po mag relax. Papaalam po ako kay nanay Helen. Sakanya ko po muna iiwan si baby Uriel. " tugon nito sa kausap.

" Bakit si Deanna? For sure naman hindi yon sasama saatin" sabi ni Jia sa kausap.

"Uhm, may importante kasing inaasikaso." pag takip nito sa dalaga.

"Sobrang busy naman kahit sabado, at kahit pagabi" sarkastiko nitong sabi hindi pa rin ito kumbinsido.

Wala ng maisip na dahilan si Jema. Nauubusan na rin syang sasabihin. Nag sisimula na itong manalangin na sana ay matapos na ito sa pag tanong ng tungkol kay Deanna.

Hindi nagtagal ay dininig din ang panalangin nya dahil nagpaalam na ito sakanya.

"oh, sige bye na nga lang. Basta mamaya, ah." sabi na lang nito.

Sanctuary HeartWhere stories live. Discover now