Chapter 9: Thinkin' About You

Start from the beginning
                                    

Sumandal ako sa pader at tinignan siya.

Alam kong may problema ang isang to at ito ngayon ang gumugulo sa isip niya.

Basang-basa ko sa itsura ng mukha niya ngayon.

"Kamusta?" Tanong ko dahilan para dumilat siya.

Tinignan niya ako saglit bago pumikit ulit.

"Wag mong papapasukin sila Yuta gusto kong matulog."

"Kakatulog mo lang pre. Matutulog ka na naman."

Hindi siya kumibo.

"Wala ka na bang ibang gagawin kundi magkulong dito sa loob?" Tanong ko.

Dati rati kasi isa siya sa mga nangungulit sa akin kung meron na ba kaming nakuhang gig o di kaya kung magppractice kami. Kabaliktaran na ngayon dahil tamad na tamad siyang kumilos.

"Kamusta pala yung paguusap niyo?"

Tinutukoy ko yung gabing iniwan ko siya kasama nung babaeng kaibigan ni Jessie.

Sa pagkakatanda ko ang pangalan niya ay Kris-Zel.

Hindi nagkwento sa akin itong si Taka kung ano mang nangyare sa paguusap nilang dalawa.

Sa tingin ko hindi naging maganda ang kinalabasan nito dahil kinabukasan kinukulit na ako ni Jessie.

Tinadtad ako ng text at tawag.

Tinatanong ako kung ano bang napagusapan nung dalawa naming kaibigan.

Sinabi kong wala akong idea dahil yun naman ang totoo pero hindi niya ako pinaniwalaan.

Ang sabi niya lang sa akin hindi rin daw nagkwento ang kaibigan niya tungkol dito.

"Walang nangyare." Tumagilid siya ng higa dahilan kaya ngayon nakatalikod na siya sa akin.

Nakaharap siya sa pader.

"Sigurado ka?"

Bununtong hininga siya bago ulit magsalita.

"Sinungaling yung babaeng yon."

"Paano mo naman nasabi?"

"Basta... Ayoko na siyang makita at ayoko na siyang makausap. Iblock mo yung number nila." Halata sa boses ni Taka ang pagkainis at pagkairita. Ganito yung madalas na ginagawa niya kapag ayaw na niya sa babaeng gusto ng attachment.

"Wag mo na silang kausapin."

Sa tingin ko hindi pa handa na magkwento si Takahiro kung ano mang napaguspan nila nung gabi na yun. Hahayaan ko na munang palagpasin ang bagay na to dahil sa nakikita ko ayaw niya talaga magsabi sa akin.

Rerespituhin ko ang desisyon niya.

"Wag ka ng matulog kakain na rin tayo. Sumunod ka na lang sa kusina." Sabi ko sa kanya baka kasi maidlip na naman siya kakain na rin ng tanghalian. Nagthumbs up siya sa akin bilang sagot.

---------------------

Nagaayos ako ng mga gamit na dadalhin namin sa band practice mamaya. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapalit ng string ng gitara ko ng madinig ko ang maingay na boses nila Yuta at Regie sa kusina.

"Kilala mo ba to?"

"Hindi... Kanina pa tumatawag e. Ano sagutin na natin?"

"Sige pero ikaw sumagot ha."

"Ikaw na pre ikaw naman na may hawak ng cellphone."

"Baka magalit si Tristan--"

"Hindi yan akong bahala sayo."

A Night with The FrontmanWhere stories live. Discover now