prologue

836 12 0
                                    


Note: this is the first time i used third person as a point of view kaya i'm sure it may sound rough on the edges. also i may not have much knowledge about some medical things pero i have the basics in me, since i'm aiming to be a surgeon in the future. i apologize na ngayon palang if there are errors in my story, some terms and some procedure that doesn't seem right, i'll find time to correct the mistakes, pero for now feast on my raw work.

also this is my first time writing a thriller so i don't really think it would be that good. pero practice makes perfect right?

Enjoy.

-atekyle :))

-----------

"Paging Doctor Vaughan, please proceed to the ER. Paging Doctor Vaughan, please proceed to the ER." tumayo ang binata at tinigil ang ginagawang panunuod ng mga surgeries na matagal na nyang gustong magawa, isa syang ambisyoso na surgeon, mataas ang pangarap at masasabi na ang mga pangarap naman nya ay talagang abot kamay na nya na, dahil sa talento ng kamay nya sa pag gawa ng milagro sa mga operasyon, lahat ng natatapatan nya ay kanyang na bibigyan ng karagdagang buhay.

Malalaking hakbang ang kanyang ginawa at mabilis syang nakarating sa ER, madaming tao dito, ang iba'y may mga sugat sa katawan, ang iba nama'y nakahiga at ine-examine ng iba pang doctor at meron ding mga di magkandaugaga na baguhang intern.

Maingay. Nangunot ang noo ni Dr. Vaughan, ayaw nya sa lahat ay ang maiingay na lugar, kaya kahit pa isa sya sa mga batang doctor dito ay hindi sya sumama kahit kailan sa mga parties na ginagawa nila taon taon, at kahit na nakaka-limang taon na sya sa ospital at sa panunungkulan bilang isang doctor hindi sya nakikipag usap ng matagal, tanging mga usapang tungkol lamang sa mga operasyon ang natatagalan nya at ang kaibigan nya, wala din syang nababalitaan na nobya at tanging isang kaibigan lang ang meron sya.

"What is the condition of the patient?" Agad na tanong ng Doktor ng makitang tinatawag sya ng kaisa isa nyang kaibigan, si Dr. Hernandez, isa sa kasabayan ni Dr. Vaughan pero di kagaya ni Dr. Vaughan na nag uumapaw sa galing, si Dr. Hernandez ay kilala sa pagiging indecisive kaya palaging ang katuwang nito ay si Dr. Vaughan na maraming alam at confident sa mga ginagawa nya.

"Dude I really can't point out the problem, his breathing is not stable, there are no records of heart disease according to the patient's relatives, I already checked for pneumothorax pero dude wala, I've let the interns test the blood and run an X-ray and MRI, pino-process pa yung mga results pero aside from shortness of breathe yon lang ang nai-spot ko na nangyayare sakanya." Nakakunot ang noo ni Dr. Vaughan, napailing nalang sya sa sinabi ng kaibigan, minsan nga napapaisip ito kung bakit ito ang naging kaibigan nya out of all the other college students na nakalapit nya sa medical school na pinasukan nila, agad na lumapit si Dr. Vaughan sa pasyente.

Kinapa ang ankle ng pasyente at ang legs nito ng mapansing ito ay bahagyang namamaga. Napatango tango sya at nagkaroon na ng hinala kung ano ang dahilan ng pag hihirap sa pag hinga ng lalaki.

"Tell me the informations of the patient" Agad nitong tanong sa isang intern na naka assign sa pasyenteng ito.

"Earl Victorino, isang office worker. Early 30's po walang hereditary heart disease" Maikling sagot nito. Agad na napairap ang Doktor sa intern na kulang kulang ang sagot. Dimanlang ba tinanong ng mga ito ang mga relatives sa mga ginagawa nito lately o kung weird ba ito kumilos?

"Where are the relatives?" Agad na tanong ni Dr. Vaughan at tinuro naman ng intern ang dereksyon na ilang metro mula sa kanila, sa may mga upuan sa labas ng ER.

"Excuse me. Are you the relatives of Earl Victorino?" Mabilis na tanong nito. Agad namang tumango ang mga kamag anak nito. Nag hahantay sa diagnosis ng doktor dito. At sinabing anak nya ang lalaki.

"May napansin po ba kayong weird na kilos ng pasyente, nahihilo po ba ito parati? Nanghihina? Madaling hingalin? Ay teka, mahilig po ba ito mag inom?" Sunod sunod na tanong ng Doktor.

"O-Oo sa lahat. Lagi sya nahihilo kapag kumikilos sya, nahihingal din sya kapag nagmamadali sya kapag nalalate pero noon naman hindi sya hininhingal kaagad kapag kumikilos ng ganon, at parati din po talaga sya uminom, siguro po ilang buwan nadin syang nag iinom sa twing naiistress sya sa work, kada gabi po lasing na lasing sya umuuwi." Napatango tango si Dr. Vaughan at nai-pin point nya ang problema sa lalaki.

"Your son is having symptoms of Alcoholic cardiomyopathy. Nakukuha to sa pag iinom ng more than 5 drinks a day at excessive na pag iinom through the years, numinipis ang lining ng puso at nag kakaroon ng problema sa blood circulation thus the shallow breathing of the patient. We're not sure yet if your son's condition is at the worse condition kase pinoproseso pa ang mga tests na ginawa namin sakanya--"

"Doktor Vaughan! Eto na ang MRI, X-ray at Blood test results." In-excuse ng doctor ang sarili at agad na tumakbo patungo sa kaibigan. Kinuha ang mga papel. Napailing nalamang sya sa nakitang resulta.

"We need an immediate implantation of pacemaker or a heart transplant if possible. His heart is too worked up, it's condition is indeed not good. Mukhang hindi na nito kaya. Request for a donor if there are available one's or order the pacemaker aparatus."  Mabilis na utos ng Doktor.

Agad naman na kumilos ang mga assigned nurse na nasa team nya gayon din ang kaibigan nyang si Dr. Hernandez. Agad itong lumapit kay Doktor Vaughan at nginisian ng kimi. Mukha itong nahihiya na sa kaibigan.

"Don't mention it. But I do expect you to be more responsible in handling patients, lacking na nga ang intern na nai-assign sayo pati ba naman ikaw lacking din. Go study your books and watch surgeries." Seryoso na sabi ni Dr. Vaughan at kinuha ang cellphone nitong nag vibrate sa bulsa ng lab coat nito.

"Sorry na dude. Pero nabalitaan mo ba yung serial killings na nagaganap jan sa neighbor city lang natin? Puro sa puso ang tarak ng kutsilyo, medyo nakakadiri, di ko alam kung paano nila na kukuhang gawin iyon, satingin mo bakit nagagawa iyon ng mga serial killer?" Tanong ni Dr. Hernandez. Nag kibit balikat lamang si Doctor
Vaughan at sinabi ang kanyang opinyon.

"Maaring dahil sa galit? Madaming pedeng gawin ang taong galit, kahit yung walang nagawa sa kanilang mali ay naidadamay nila sa galit nila. It can be just because of a mental disorder, baliw or psychopath lang talaga sila. Some can be just pure evil. But those are just my speculations my friend, now stop dwelling about things that doesn't concern you, let's focus on the life of the patient. The operation is risky, a heart transplant dude, one single mistake and it's the patients last breath." Seryoso na turan ni Dr. Vaughan. Na nakapagpatikom sa bibig ni Dr. Hernandez. Nagkanya kanyang asikaso at pag aaral sila sa magiging malaking operasyon, hanggang sa kinuha ng atensyo nya ang isang intern na naiatas sakanya para i-train.

"Doc the heart is delivered, fortunately meroong isang patient na willing i-donate ang body parts nya para sa mga transplants, he signed papers when he was still alive, the family also agreed to do so, we also already checked the compatibility and everything is set. Are you ready now doc? Shall we prepare the OR?" Nangunot ang noo n Doktor sa tinuran ng intern sakanya, minamaliit ba sya nito? He's always ready, basta operasyon yan, confident sya na mai-aayos nya ang lagay ng pasyente.

Na-offend man hindi na nya binigyan pa ng pansin ang sinabi ng baguhang intern, dahil medyo ok naman ito, di gaya ng kanina na kulang kulang, eto naman sobra sobra, pero ok ng sobra kesa naman kulang.

"Go prepare the OR. Notify my team."

ON GOING: SURGERY [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now