Chapter 2.42; The Truth

5.1K 138 10
                                    

DyosaJadine36>>> The Truth

Pabalagbag na binuksan ni Dion ang malaking pinto ng kanilang mansion. Alas sais pa lamang ng umaga at kararating palang nilang magkapatid sa mansion.

Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ay naramdaman na nya ang pagkapit ng mahigpit ng kapatid na si Danica sa kanyang braso. Nagtatago rin ito sa kanyang likuran na tila ba takot na takot.

"Hey, son!" nakangiting bungad ng kanyang ina.

Hindi nya magawang ngitian ito pero nagawa nyang panlisikan ng mata. Ngayon ay hinding-hindi na sya maniniwala sa kanyang ina.

Ito ang dahilan ng pagkasira ng pamilya nya. Sana ngayon ay masaya na sila ni Sophie at ng mga anak nila kundi dahil dito.

"Kuya, Danica bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Dean.

"Manang!" hindi nya ito pinansin at sa halip ay tinawag ang kanyang pinagkakatiwalaang kasambahay.

"Ligpitin mo lahat ng gamit ni Mom" nagngingitngit sa galit na utos nya rito.

Hindi namang nagawa na magtanong ng matanda kasi alam na nitong galit sya. Puno ng pagkalito ang mukha ng kanyang ina at ni Dean.

"Pinapalayas mo si Mom, Kuya?" tanong pa ng kapatid.

"Dion anak, ina mo ako! Bakit mo ako pinalalayas?"

"Ina ang tawag mo sa sarili mo? At anak ang tawag mo sakin? Itinuturing mo ba talaga ako bilang anak mo Mom?!" bulyaw nya rito.

"Of course Dion! Ano bang nangyayari sayo?" lumingon ang ina sa kanyang kapatid na si Danica.

Naramdaman nyang mas humigpit ang pagkakahawak nito sa braso nya. She can't blame her sister. Maging sya ay kinikilabutan sa sariling ina.

"Danica, ano bang mga pinagsasabi mo sa kapatid mo huh?" galit na tanong ng kanyang ina rito.

"Mom, sinabi ko na sa kanya ang totoo! Alam na ni Kuya na ikaw ang pumatay kay Dad! At ikaw ang dahilan kung bakit iniwan sya ni Ate Sophie!" lumuluhang sagot ng dalaga.

"What?! Si Mom ang pumatay kay Dad? What are you saying Danica?" naguguluhang tanong ni Dean.

"Kuya Dean, it's true. Mom killed our Dad! Hwag kanang magtaka pa Kuya, iyung sariling magulang ni Ate Sophie nagawa nyang patayin... Si Dad pa kaya na nagtaksil sa kanya?! Kuya, umamin na sya sakin"

"Enough Danica! Wala kang kwentang anak, wala kang modo!" mabilis na sumugod ang kanilang ina upang masaktan si Danica.

Masyadong magulo na ang loob ng mansion. Walang nakapansin ni isa sa kanila na gising na pala ang tatlong bata. Umiiyak ang mga ito habang pinapanuod silang nagkakagulo.

"Enough Mom! Lumayas kana sa pamamahay na ito!" mataas ang boses na sabi nya.

"Dion, niloko ako ng Daddy mo. Nararapat lamang iyun sa kanya!" bulalas pa ng kanyang ina na ikina-iling nya.

"That's not enough reason to kill our Dad! Ipinagkait mo samin ang magkaroon ng ama. Hindi nyo lang ipinagkait sakin ang magkaroon ng ama, dahil ipinagkait mo rin sakin ang kaligayahan ko at si Sophie iyun!" hindi nya maiwasang maluha.

Bakla ba tignan? Wala syang magawa, nasasaktan sya sa nalaman. Sarili nyang ina ang dahilan kung bakit iniwan sya ng babaeng pinakamamahal.

"Anak, ayaw ko lang naman na mapalapit kapa sa mga Tehada. Sophie's parents are the reason kung bakit namatay ang Kuya Dexter mo"

"No Mom! Hindi nyo ba kayang patawarin ang pamilya nila?! Napakabuti nilang tao sakin. Pinatay mo na iyung magulang nya, hindi pa ba iyun sapat?"

"Dion, anak! Kulang pa iyun!"

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon