Chapter 14

6.8K 172 2
                                    

A Day In A Life

Apat na buwan na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi parin alam ni Sophie kung nasaan ang pinsan niya, hindi parin nila nakikita si Eunice. But sometimes, nagtetext ito sa kanila para maiparating na nasa mabuti itong kalagayan.

Kumusta na kaya ang pinsan niyang iyon?

In fact he is thinking a lot now. Ang isa pa kasi niyang iniisip ay ang Mommy ni Dion. Ang sabi kasi ng boyfriend niya sa kanya ay baka dalawang buwan lang at narito na ang ina nito which is giving her fear. She really has a bad feeling about Dion's Mom going home.

"Honey?" Dion calls her attention na kaagad naman niyang nilingon.

"Bakit?"

"Let's eat breakfast." paanyaya nito na tinanguan niya lang.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa malapad at malambot na kama at naglakad palapit sa guwapong kasintahan na nakatayo sa may bukana ng pinto. Sabay silang bumaba ng kwarto at dumiretso sila sa dining room.

"Honey, is it delicious?" tanong ng binata nang magsimula na silang kumain.

"Oo naman, sobrang sarap!"

"Really? You are not lying? Binobola mo ako."

"I'm not a player, Dion. You know that!"

"Okay, I just want to be sure."

"To be sure? Ano naman ngayon kung masarap o hindi ang pagkain na niluto mo?"

"Well, I love you. And I want what my dearest woman eats to be delicious. I want to give all my best for you."

"Ang sweet!" pinisil niya ang pisngi nito at pinanggigilan iyon, bago muling ipinagpatuloy ang pagkain.

"Kukuha lang ako ng maiinom---" tumayo na siya pero natigilan siya nang hablutin nito ang braso niya.

Bigla nalang siyang hinila ni Dion palapit at walang pasabi na pina-upo siya ng gunggong sa ibabaw ng mga hita nito. Napapantastikuhang napatitig siya sa nakangising binata.

"Let's go to the Mall. We need supplies for our baby."

"Ano? Ngayong araw na ba?"

"Yes, I'm not going to work today. I'm not in my mood, besides I want to be with you."

"Are you sure? Baka malugi na iyang kompanya mo dahil diyan sa katamaran mo?"

"Nope, don't worry about it. I am the owner of my company, and I am the famous CEO of Samonte's Empire so my company won't collapse even if I don't work for a few more weeks."

"Angas ah? Makakain nalang ulit." may pagkibit balikat na turan niya.

Tumayo na siya at kaagad na lumipat ng upuan upang maipagpatuloy ang masarap na pagkain, nakaligtaan na niyang kumuha ng maiinom. Sa totoo lang, malambot ang lap ni Dion and to be honest she didn't want to leave as she sat there on his lap. Pero syempre nakakahiya.

"Hmmm, ang sarap talaga ng luto mo! Sana araw-araw mo akong ipagluto." saad niya habang ngumunguya.

"Oh, you're so cute! I'll do my very best to fill all your wants and needs, my honey. Specially kung may benefits sa inyo ng baby natin."

"Anyway, Sophie. I know I cook well and I am good at cooking, but you don't need to say it out loud. Given na kasi iyon." mayabang na humalakhak ito na iningusan naman niya.

"You really have a thick face, Dion."

"Nope. I just have confidence in myself."

"Magkaiba iyong confidence sa sarili sa mayabang."

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Where stories live. Discover now