Chapter 23; Pagtanggap

4.2K 117 12
                                    

DyosaJadine36>>>Pagtanggap

"So, son... Gaano katagal na pala kayo ng babaeng KINAKASAMA mo? Ngayon ko lang nalaman na buntis pala sya!"

Hindi ako makakain ng ayos dahil sa ina ni Dion na masamang-masama ang tingin sakin. Hindi nya ba ako gusto para kay Dion?

"Actually Mom, nasa one year na kaming nagsasama. Gusto ko kayong i-surprise about this, kaya hindi ko muna ipinaalam sa inyo na buntis si Sophie!" nakangiting sagot ni Dion tsaka sumubo ng pagkain.

Mabuti pa sya, nakakangiti at nakakakain ng maayos. Ako hindi, hindi kasi ako mapalagay.

"Sophie, bakit hindi mo iniibo ang pagkain mo? Don't you like the foods?"

"Hindi naman Dion, medyo busog pa kasi ako" tanging nasagot ko nalang.

"Try to eat this!" itinapat nya saking bibig ang kutsarang may lamang kanin at ulam na dahan-dahan naman nyang isinubo sakin.

"Sana lang apo ko talaga ang ipinagbubuntis nya!" nabilaukan ako sa sinabi ng ina ni Dion pero hindi ko iyun ipinahalata.

"Ano kaba Mom? Yes of course apo nyo ang mga baby na nasa sinapupunan ni Sophie"

"Yeah I know, I'm just kidding!"

"Ikaw talaga Mom!"

Ano ba ang tingin sakin ng ina ni Dion? Isang kaladkarin at kerida?! Hindi naman ako ganun. Si Dion lang ang lahat sakin.

Sya lang iyung mahal ko, sya lang iyung nagpapasaya sakin, sya lang iyung nakakatalik ko at sila lang ng mga anak ko ang buhay ko.

"I'll just get some drinks Mom, Sophie. I'll be back!" pagpapaalam nito samin at agad na umalis.

"So you are his fiancee?! Huh?"

"Opo Mama!"

"Don't call me in that way. I prepare to call me Tita. To tell you the truth, I don't like you for my son. And I don't trust you!"

So tama pala talaga ang naisip ko. Hindi nga niya ako tanggap. Pero bakit hindi nya muna ako kilalanin?

"I'm not that bad para maging katulad ng isang ina sa mga palabas sa TV na kontra bida sa buhay ng anak niya at sa nagpapatibok ng puso nito. So hindi ko tutularin ang sa mga drama na palalayasin ka at gagawin ang lahat para lang iwan mo ang anak ko. I want to know you first before judging you!"

"Salamat po Mama, I mean Tita! Ipapakita ko po sa inyo na mabuti akong tao!"

"Siguraduhin mo! Kasi oras na malaman ko na pera lang ang habol mo sa anak ko, mananagot ka sakin"

"Kailanman, hindi ko pinerahan si Dion. Mahal na mahal ko po ang anak nyo!"

"Then good to hear that kind of lies! Hindi ako magiging mabait sayo Sophie" hindi na ako naka-imik sa sinabi nito. So anong ibig nyang sabihin?

"So, magkwento ka about yourself and about your family. Hindi pa kita kilala, kahit nga epilyedo mo ay hindi ko pa alam eh!"

"I'm Sophie Teha---------"

Dingdonggg!

"Hey Sophie, aalis na ako bukas. Hanggang ngayon nagtatampo ka parin sakin?"

"Bakit kasi kailangan mo pang umalis ng Pilipinas at mawala ng halos tatlong buwan eh?!"

"Kailangan lang ito para sa company"

"Do you really have to attend on that?! Billion billion naman ang-----"

"Hey honey, calm down. Alam kong ayaw mo lang na magkalayo tayo, sandali lang naman ako eh. Tatlong buwan lang!"

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن