Chapter 2

13.6K 394 15
                                    

Dion Samonte

Nagising si Sophie dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Mukhang nandito na ang mga bisita ni Eunnice. At kailangan nyang tulungan ang pinsan nya na asikasuhin ang bisita nito.

Tumayo na sya at nagbihis nang maayos. Nag-ayos ng sariling mukha tsaka lumabas ng kanyang tinutulugang kwarto. Bumaba sya ng hagdan at rinig ang bawat ingay na nililikha ng suot nyang tsinelas. Halos lahat ay sa kanya nakatingin. Hindi nya alam na makakaagaw pala sya ng pansin.

Napalingon sya sa isang lalaking. Iyung lalaki na isa sa mga bisita ni Eunnice, she remembered him. Sya iyung lalaki sa restaurant kanina na ngumisi sa kanya. Ang pogi pala talaga nito sa malapitan.

Aminado naman kasi sya na nagwapuhan sya kaagad sa binata nang makita ito kanina, pero ngayon ay masasabi nyang mala-greek god ito sa sobrang kakisigan.

"Oh, Sophie. Gising ka na pala." nakangiting panimula ni Eunnice.

"Oo. Ako na magdadala ng pagkain nyo." tugon nya at dumiretso sa kusina.

Kinuha nya lang ang mga pagkain at wine na nakalagay sa mamahaling supot, inilipat sa tray bago bumalik sa sala kung nasaan ang bisita ni Eunnice. Ma-ingat nyang inilapag ang mga dala sa ibabaw ng table.

She feel so isolated because of their stares. Malagkit ang pagkakatitig ng lahat sa kanya, para bang hinihintay syang magkamali. Kanina lang ay ang iingay nila, pero nung dumating sya ay halos huni ng mga kuliglig nalang ang maririnig nya.

"Guys! Si Sophie nga pala, pinsan ko." pagpapakilala sa kanya ni Eunice.

Simple syang ngumiti.

"Hello."

"Hi!"

"Good evening!" bati nang lahat sa kanya.

"Join us." anang lalaki na may baritonong boses.

Sya iyung lalaki sa restaurant kanina.

Is it only her o talagang kakaiba ang titig na ipinupukol nito sa kanya? Iyung puso nya, naghuhumiranda na sa pagtibok. Bakit ganito?

"No, thanks." pagtanggi nya.

"Hindi nag-iinom si Sophie, Dion." sabad ni Eunnice.

Dion pala ang pangalan ng lalaking ito.

"Ako na ang magluluto ng iba nyo pang kakainin." saad nya at muling iniwan ang mga ito.

Dahilan narin nya iyun para iwasan ang nakakakilabot na titig sa kanya ng lalaking nagngangalang Dion. Hindi nya mawari kung ano bang ipinahihiwatig ng mga mata nitong mainit na nakatitig sa kanya.

Nag-start na syang magluto para sa pulutan ng mga kaibigan ni Eunnice, maingay na ulit ang bisita ng pinsan nya. Mas okay na sa kanya ang maingay ang mga ito kaysa tahimik, ang awkward kasi kapag ganoon.

Umupo sya sa upuan na katapat ng dining table para magsimula na sa paghihiwa ng karne. Katapat lang ng lamesa ang pinto kaya malaya nyang nakikita sina Eunnice na nasa sala.

Nakaramdam agad sya ng panlalamig nang mapansing matamang nakatingin sa kanya si Dion. Kanina pa syang nakakahalata sa lalaking ito, kinakabahan na sya sa mga titig nito na ipinupukol sa kanya. Kalma lang dapat Sophie. Wala lang iyun, huwag mo na syang pansinin.

"Sophie."

"Ahh!" napahawak sya kaagad sa kanyang dibdib at naghabol ng hininga dahil sa matinding gulat.

Ito naman kasing si Eunnice, bigla-bigla na lamang sumulpot sa harapan nya at halos magkadikit na ang kanilang mga ilong. Sasapakin na nya ito mamaya kapag hindi sya nakapagpigil.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin