Chapter 2.34; Bonding

4.1K 101 1
                                    

Hello everyone, Merry Christmas to all of you! Nakakalungkot naman iyung pasko ko. You know why? Friend zone kasi ako ng lolo nyo.😭 Nagconfess ako tapos kaibigan lang kami. Next time eh gagawin kong labestore ang lablayp ko. Kakagigil!

DyosaJadine36>>> Bonding

I was just smiling the whole time dahil sa hindi ko makalimutang nakausap ko iyung mga anak ko noong nakaraang araw. Hindi lang iyun, tinawag nila akong Mommy ng ganun lang kabilis. Well maybe nararamdaman nilang may kumonikasyon kami sa isa't-isa.

Namimiss ko na nga ulit ang mga anak ko na iyun eh. Kaya naman kahapon ay bumalik ako sa mansion na tinitirhan nila at patagong kinausap si Dean. Pinadalhan ko rin ang mga bata ng niluto kong cupcakes at para talaga sa kanila iyun.

Sure naman kasi akong hindi na ako pagbibigyan ni Dion na bumalik muli ng mansion nila kaya hindi ko kayang iabot ng kusa sa mga anak ko. Isa pa, baka makita ako ni Esperanza at ni Danica.

Kinuha ko nga ang cellphone number ni Dean para magkaroon ako ng communication sa mga anak ko. Sana lang ay may kwenta nga ang pagkuha ko ng numero ng cellphone ni Dean eh.

"You look so happy and inspired huh?" nakangiting turan ni Eunice pagkapasok palang nito sa kusina.

Well I invite all of my friends dito sa bahay ni Chris at Chrizel para naman may makasama ako at may magbantay sakin.

3rd Anniversary kasi ni Christer at Chrizel ngayong araw. Ewan ko nga ba at nagpilit sumama si Veronica sa date ng dalawa. Wala tuloy akong makasama dito sa bahay.

"Syempre magiging masaya iyan at mukhang magiging inspired becuase of Dion" tila may panunuyang sabi ni Lyn.

"Naku po, wala na akong pakialam dyan kay Dion. Ang gusto ko lang naman ay makasama ang mga anak ko" paliwanag ko sa mga ito habang patuloy na ginagayat ang mga sibuyas.

Magluluto kasi ako ng ulam for lunch at balak kong ipatikim ito sa mga kambal ko.

"Talaga lang ba? We know you, you still loved our boss!" pagsingit ni Paul.

Ewan ko pero bakit naaapektuhan ako sa sinabi nitong mahal ko pa si Dion. Sinabi ko na sa sarili ko na ititigil ko na itong nararamdaman ko para sa kanya. May mahal na syang iba. Any moment, baka sagutin na sya nung nililigawan nya.

Napakaswerte naman nung babaeng nililigawan ni Dion. Kung alam lang nung babaeng iyun kung anong ugali meron si Dion, I'm sure hinding-hindi na nya ito pakakawalan. If she's not a fool like me.

I'm so fool kasi pinakawalan ko pa si Dion. Si Dion na mabait, maalaga, maalalahanin, maunawain, gwapo, possessive, manyakis minsan pero sobrang gentleman... At higit sa lahat, mapagmahal.

Although may mga bad attitude sya pero normal naman na sa tao iyun. Kaya talagang napakaswerte talaga nya, who ever she is. Ugh, naiiyak na naman ako.

"Mukhang iiyak kana ah?" napapunas naman agad ako saking mga mata dahil sa sinabi ni Kevin.

"Haha, kasi naman... Nakakapa-iyak itong sibuyas na ito eh" natatawa ko pang dahilan.

"Talaga bang sibuyas ang dahilan ng pagluha mo? O dahil nung beast na iyun?" seryosong tanong ni Andrea na talaga namang nagpalabas ng sakit ng nararamdaman ko.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora