Chapter 20; Pamilya ni Dion

5.2K 135 9
                                    

Hey guys, I'm still waiting for your comment. Kayo na ang pinapipili ko sa magiging name ng mga anak ng ating leading lady and leading man.

Pero kung wala talagang magcomment, ako na ang bahalang mamili ng ipapangalan sa kanila.

DyosaJadine36>>> Ang Pamilya Ni Dion

[Eunice's Point Of View]

Umagang-umaga, naglalandian agad sina Dion at Sophie. Pero hindi naman sila nakakasurang tignan. Actually, ang sarap pa nga nilang panuorin eh.

"Sophie what do you want to watch? Cartoons, anime or dramas?" tanong ni Dion kay Sophie habang hawak nito ang iba't-ibang CDs.

"Hmmm, I prepare that drama nalang. Iyang ---Coming Back--- ang gusto ko" nakangiting sagot ni Sophie.

Tss, sa dinami-daming pagpipilian, iyun pa ang pinili nya? Maganda ang flow ng story pero nakakaiyak rin.

Kasi naman eh, ang mangyayari sa kwentong ito... Maaaring mangyari sa dalawa, kay Sophie at kay Dion.

Alam na namin ang totoo. Kung bakit hindi matanggap ni Kuya Isko si Dion para kay Sophie. Hindi ko naman masisisi si Kuya Isko kung bakit malaki ang galit nya sa mga Samonte.

Nagkasira-sira at nagkawatak-watak ang mga Tehada nang dahil sa ina ni Dion.

Hindi ko alam ang gagawin ko! Even our friends, hindi rin nila alam ang dapat naming gawin.

Should we tell Sophie and Dion the truth? Hanggang ngayon ay hindi parin nila alam ang bagay na ito.

"Hey, hon ang lalim yata ng iniisip mo?"

Mabilis akong napalingon kay Gregor, he's holding my right hand. Buti nalang at nandito ang lalaking ito sa tabi ko.

"Just don't mind me hon"

"Hayan! Magsisimula na!" bulalas ni Sophie at agad na inabot ang popcorn mula sa table.

Magkayakap pa ang dalawa habang nanunuod. How I wish na makatulong ako para manatili sila sa isa't-isa. Lalo na, may mabubuo na silang pamilya.


"HUHUHUHUHUHUH!" wala na kaming ibang naririnig kundi ang hagulhol ni Sophie. =_____=

Gaya ng iniisip ko kanina, maiiyak nga si Sophie dahil sa dramang pinanuod namin.

Siguro unang beses pa lamang niya napanuod ang dramang ito. Kanina pa ngang tapos ang pinapanuod namin but until now, hayan sya... Patuloy paring umiiyak.

"Hey Sophie, stop crying. Nasasaktan ako kapag nakikita kang umiiyak!" kanina pang pinatatahan ni Dion ang kanyang fiancee pero no effect.

"Tumahan ka dyan?! Nakakaiyak kaya iyung story!"

"Bakit kaba maiiyak pa dyan Sophie? Maganda naman iyung ending ng story ah?" iritang tanong ni Francesca.

"Oo nga, maganda iyug ending. Pero nagkahiwalay sila ng halos sampung taon. Malaki na ang anak ni Cloid at Hazel bago sila muling nagtapo! Ang pangit ng part na iyun!"

Hay naku! Hayan pa kasi ang napili nyang panuorin eh. Tsk, tsk, tsk! Oh hayan sya ngayon, iyak ng iyak.

"Ang sama-sama ng ina ni Cloid. Talagang kinaya nyang pumatay para lang mapaghiwalay ang dalawa?!" hindi makapaniwalang tanong nito samin.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt