Chapter 2.41; Hot Sinful Dawn

4.8K 139 19
                                    

Heheh, SPG po ito ok? At malalaman na po ni Sophie at Dion ang katotohanan.😘

DyosaJadine36>>> Hot Sinful Night

Ding dong!

Mabilis na tumakbo palabas si Sophie upang pagbuksan ang taong nasa labas. She opened the gate at nakangiti nyang hinarap si Dion.

Ang lakas-lakas ng tibok ng puso nya. Pakiramdam nya ay napunan ang mga panahong hindi nya ito nakita sa simpleng pagtitig pa lamang nya sa napakagwapo nitong mukha.

"Hi" pagbati nito sa kanya in a husky voice.

Napangiti sya ng patago. Inaakit ba sya nito? Oh well, walang pagbabago. He is seductive at hindi iyung kumupas.

"Magtititigan nalang ba kayo?"

Pareho silang natigilang dalawa bago nilingon ang babaeng mataray na nakatayo sa may pinto.

"Danica, what happened to your forehead?" tanong ng binata.

"Kuya!" walang paligoy-ligoy na tumakbo si Danica palapit sa kapatid bago ay niyakap ng sobrang higpit.

"Kuya I'm sorry for everything!" hindi na nito napigilan ang umiyak.

"Mabuti pa pumasok na muna tayo sa loob" suggestion niya sa magkapatid.

Nagpati-una siya sa paglalakad papasok ng bahay. Sinundan naman sya ng dalawa bago niya pina-upo ang dalawa sa couch.

"I'll be back" nakangiting turan nya sa dalawa at agad nagtungo sa kusina at ipinagtimpla ng kape ang dalawa.

Nasa bungad palang sya ng pinto upang bumalik sa sala ay napatigil siya dahil sa narinig.

"Who did that to you?" nakatiim bagang tanong ni Dion sa kapatid.

Napahigpit ang hawak nya sa tray na pinaglalagyan ng tasa at kape. Ano kayang magiging reaksyon nito kapag nalaman nyang nagawang saktan ng kanyang sariling ina ang bunsong kapatid?

"Mom did this to me"

"What? Are you insane Danica?" buryong tanong nito.

"Kuya nagsasabi ako ng totoo. Si Mom ang may dahil nito"

Marahas na tumayo ang binata tsaka bumuntong hininga. Hindi nya masisisi kung maging ganito ang reaksyon ng binata. Sariling ina nya ang inaakusahan ng kanyang kapatid.

"And why did she do that to you?!"

"Because she wants to keep her secret" sagot ng dalaga bago tumayo upang mapantayan ang kapatid.

"Secret? Anong sekreto iyun?"

"Kapag ba sinabi ko sayo ang totoo, maniniwala ka sakin Kuya?"

"I don't know. Will you please tell me kung anong sekreto ni Mom ang tinutukoy mo?"

Napansin nyang bumuntong hininga ang dalaga. Naluluha pa itong tumitig sa lalaki.

"Pinatay ni Mom si Dad"

"What?!" nagpupuyos na yata sa galit ang binata.

"Kuya it's true! Inamin sakin iyun ni Mom kanina"

"Enough Danica! Why are saying that words?!"

"Kasi ayukong itago nalang ang sekreto ni Mom. Kuya maniwala ka sakin" biglang huminahon ang boses ng dalaga at tinitigan ang kapatid na para bang nagsusumamo.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Where stories live. Discover now