Chapter 4

12.4K 362 10
                                    

Living In The Same Roof

Katatapos lang maligo ni Sophie at nag-ayos na ng sarili. Pagkatapos ng kanyang morning routin ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang manuod ng TV, kumain at matulog.

Tinitigan nya ang kanyang hawak na kontrata. Ibinato sa kanya iyon ni Dion kagabi bago ito umuwi. Diba walang modo? Napasalampak sya sa couch, ang boring kapag walang trabaho. Kung hindi naman kasi dahil sa Dion Samonte na iyon baka sana may trabaho pa sya ngayon. She took a deep breath kasunod ng pagtunog ng doorbell. Tumayo sya at lumabas ng bahay para pagbuksan ng gate ang tao na nasa labas.

Sino naman kaya iyon? Mukhang wala namang bibisita sa kanya kaya marahil si Eunice ang ipinunta ng tao na nasa labas. Paano iyan, wala si Eunice? Pinagbuksan nya ng gate ang tao sa labas, bahagya pa syang nagulat nang makita ang babaeng nasa harapan nya. It's Domina, Domina is her niece na naninirahan sa probinsya nila.

Paano kaya ito nakapunta rito sa Manila?

Pinapasok nya ito sa loob ng bahay at pinaupo sa couch. Ipinaghanda nya rin ito ng makakain at maiinom. Ano kayang ginagawa nya rito ng mag-isa, mukhang kagagaling pa lamang nito mula sa byahe.

"Tita, si lola!"   naiiyak nitong usal sa kanya.

"A-anong nangyari kay lola, Domina?"   puno ng pag-aalala na tanong nya.

Kaagad siyang kinabahan nang mabanggit nito ang pinakamamahal niyang lola, lalo pa't base sa tono ng boses nito at base sa naluluhang mga mata nito ay tila nasa hindi magandang sitwasyon ang lola niya. Hindi niya tuloy maiwasang mag-alala dahil mahal na mahal nya ang kanyang lola, ito rin kasi ang nag-alaga sa kanya at nagsilbing magulang niya.

"Si lola inatake sa puso. Tita! Wala kaming pambayad sa hospital. Tapos si bunso, may leukemia. Paano pa ang pambili ng kanilang mga gamot at ang aming makakain? Hindi lamang iyon, naka-aksidente din si Tito Kiko at kailangan ng pampiyansa, siya pa naman ang nakatatanda sa amin. Tita kailangan namin ng tulong!"   bumuhos ang mga luha nito.

Napahilamos sya ng mukha, ano't nagkasabay-sabay ang problema nya? Saan naman sya kukuha ng pera na maibibigay rito? Wala syang trabaho.

"Tita, ikaw lang ang malalapitan namin! Pakiusap tulungan mo kami!"

"Susubukan kong humingi ng tulong kay Eunice."

"Tita, nakalapit na ako kay Tita Eunice. Inabutan nya ako ng kaunting halaga na sakto lamang sa pambili ng gamot ni Lola at ni bunso."   humihikbing sagot nito.

Oo nga pala, mayroon paring pinagkakagastusan ang pinsan nya. Isa pa, nahihiya na sya rito na humingi ng tulong.

"Nasubukan mo na bang lumapit kina Ericka at Erich?"

"Tita, kailan pa ba kami nakahingi ng tulong sa mga matapobre na iyon?"

Hindi sya naka-imik, tototo naman na kahit kailan ay hindi sila nagawang tulungan ng magkapatid. Niyakap nya na lamang ito para tumahan sa pag-iyak.

Aksidenteng napadako ang tingin nya sa kontrata na nakapatong sa table hindi kalayuan sa kanila. Tatanggapin nya na ba ang proposal? Hindi, hindi nya kailangan ang pera mula sa lalaking iyon.









Magkasiklop ang mga palad ni Sophie habang marahang tumutulo nag malamig na pawis sa kanyang noo. Nakatayo sya sa harap ng tinted glass door ng opisina ni Dion.

"Mr. Samonte may naghahanap po sa inyo."   saad ng lalaking sekretarya nito sa speaker.

Sumagot naman agad ito, mukhang hindi mahilig sa babae ang halimaw. She smiled in that thought, knowing na hindi babaero ang ama ng magiging anak nya.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Where stories live. Discover now