Chapter 11 SPG

11.1K 203 11
                                    

Truth Behind The Tehadas

Napabuntong hininga ang nakabusangot na si Sophie habang pinagmamasdan ang numero na nakasulat sa calendar. Dalawang araw nalang pala ang itatagal nila sa probinsya at kailangan na nilang bumalik sa Manila.

Mukhang maraming gawain ang naghihintay sa opisina ni Dion. She's actually feel sorry for her boyfriend, maya't-maya kasi ang pagtawag ng secretary nito. Palagi itong hinahanap at madalas ay bad news pa ang bungad nito sa cell phone. Ilang araw na kasing wala si Dion sa opisina nito na lubos niyang ikinahihiya.

Dion isn't working because of her.

"Honey? Are you okay, you seem to be deep in thought."   natigil siya sa pag-iisip-isip nang maramdaman niya ang mahigpit na yakap ng kasintahan mula sa kanyang likuran.

"Iniisip ko lang iyong trabaho na iniwan mo sa Manila, siguradong tambak ang trabaho mo. I'm sorry."   paghingi niya ng paumanhin pero halik sa pisngi ang agad na itinugon nito.

"Hey, don't think about that. I can do my work when we get home. For now, let's enjoy this quiet and very beautiful night."   he said in a husky tone of voice.

Mariin siyang napapikit nang tumama ang mainit-init ngunit amoy preskong hininga nito sa kanyang leeg. Marahan siyang umikot paharap sa guwapong binata, isinukbit niya ang kanyang magkabilaang braso sa batok nito bago ipinaglapat ang kanilang mga labi.

They were about to move their lips but someone from the outside of their bedroom opened the door. Natigil silang dalawa ni Dion samantalang ang gagong si Luigi ay nakangisi sa kanila habang may kinukuha. Nang makuha nito ang nais kuhanin ay binigyan sila nito ng isang nakakalokong ngiti at agad na lumabas ng kwarto.

Yes, nandito ang buong tropa. Sumunod ang mga ito para makasama sila at para magbakasyon narin. Sa katunayan pa nga ay kararating lang ng mga ito kaninang umaga. They decided to spend their remaining days in a hotel. At kani-kanina lang ay magkakasama sila sa iisang kwarto at masayang nag-uusap.

Pero sa dami nila ay hindi sila maaaring magsama-sama sa iisang kwarto kaya naghiwa-hiwalay sila. Eunice is with Andrea and Abegail. Lyn is with her boyfriend, Kevin. Fracesca and her new boyfriend. Luigi and Paul is in the same room too. At sila naman ni Dion ang magkasama.

"He's such a fucking jerk."   ani Dion at umiling-iling pa.

She just laughed before sitting on the bed.

"This day is so fucking tiring."   pabagsak na napa-upo si Dion sa ibabaw ng kama.

Hindi niya tuloy maiwasang mapatitig sa pagod na binata habang nag-aalala. Bago sila mag-hotel ay nakipaglaro muna si Dion sa mga bata niyang pamangkin. He also helped other men in Le' Tehada with heavy tasks such as fetching water and chopping wood.

Si Dion rin ang naghanap ng matutuluyan nilang hotel at ito rin ang nagmaneho papunta rito. Sa buong isang araw ay halos walang pahinga ang kasintahan niya. She pity him and yet she's amazed cause her boyfriend is so humble. Mayaman ito pero hindi matapobre katulad ng ibang mayayaman.

"Dion, gusto mo na bang matulog?"   tanong niya.

Bumaling ang tingin nito sa kanya na kanina lamang ay tahimik na nakatulala sa kisame. Marahan itong ngumiti kasabay ng pag-iling. Pagod ito ngunit ayaw pang matulog.

"Soph, Dion? Are you there?"   walang ano-ano'y kumatok si Andrea mula sa labas.

"The troops will leave to go to the Bar across the hotel. You want to come along?"

"Sure!"   sigaw ni Dion pabalik.

"Sige, we will wait outside for you two! Don't make us wait for too long."   huling sabi nito bago nila marinig ang papalayong yabag nito.

The Love Of A Beast (Beginning Of Samonte)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang